Chapter 14

68 1 0
                                    


Dahil matigas ang ulo ko ay pumasok pa rin ako sa trabaho ngayong araw, hindi rin ako napigilan ng sarili kong nanay dahil na rin sa pangangailangan ng mga kapatid ko sa pag-aaral

Sa susunod na buwan din ay kailangan ko na naman magbayad ng tuition fee ni Jemuel

Hanggang sa mga sumunod na raw pa ay nasasanay na ako sa routine ko

Papasok ng maaga sa trabaho, pagkatapos ng shift ay didiretso sa lesson ko with ma'am Kei. Uuwi sa bahay at magpapahinga.

Ganyan din ang routine ko noon nung mga panahong nag-aaral pa ako at buhay si papa

Bahay iskwela lang ako at hindi sumasama sa mga gimik at gala ng mga kaklase ko

Marami akong kaibigan pero kahit ano aya nila sa akin ay hindi ako sumasama dahil pinalaki ako ng magulang ko na lagi lang akong nasa loob ng bahay

Nakakagala nga lang ata ako kapag kasama ko ang pamilya ko.

Ilang costumer na rin ang nagiging suki ko rito sa trabaho lalo na si nanay na pinakauna kong costumer.

Minsan nga ay kasama nito ang mga Amiga raw niya at binibilinan na sa akin magtatanong kapag may kailangan silang bag at iba pang accessories

Ilang linggo na mula noong iniligtas ako ni Sir Kiroshi ay hindi na kami nagkita pang muli

Sabi ni Ma'am Kei sa akin ay bumalik daw ito sa United Kingdom para asikasuhin ang ilang family businesses nila

Kay Ma'am Kei ko rin nalaman na pagmamay-ari pala ng pamilya ng mga Amaris ang mall na pinagtatrabahuan ko na minamanage raw ng kapatid ni Sir Kiroshi na si Ma'am Shireyanicka.

Dahil sa sobrang yaman at mapakapangyarihan ng pamilya ni Sir Kiroshi ay mas lalo lang ako napanghinaan ng loob na gustuhin siya.

Aaminin ko na nagustuhan ko sya at minahal mula noong gabing iniligtas niya ako kay Melvin.

Hindi naman sya mahirap mahalin dahil na rin siguro sa pagiging mabait niya sa akin at sa ibang tao.

Siguro ay na-misunderstand ko lang ang pagiging mabait nito sa akin

Kaya binigyan ko ng kahulugan lahat ng gestures na binibigay niya sa akin

"Ateeee! Maraming salamat ate the best ka kahit kailan" bungad sa akin ni Jemuel nang makapasok ako sa bahay

Binugbog din ako nito ng halik na para bang binigyan ko siya ng magandang regalo

"Anong nakain mo?"

"Ate salamat sobrang salamat ate"

"Ano ba yun?"

Kanina pa ako tulala at pinoproseso sa utak ko kung paanong bayad na ang tuition fee ni Jemuel hanggang 4th year nya

In short ay wala na kaming poproblemahin sa pag-aaral nya, tanging baon at ibang gastusin nalang dahil sa course na pinupursue niya.

Hindi ko masabi sa kanya na hindi ako ang nagbayad ng tuition fee niya dahil sayang naman ang effort niya sa paghalik sa akin at paghingi ng salamat ng maraming beses

Kasalukuyan akong nakahiga ngayon sa mahabang upuang kahoy namin sa sala habang nagscroll sa facebook account ko

"Umayos ka ng higa mo" basa ko sa text message sa cellphone ko

Agad akong luminga at binato ng unan si Jemuel na gumagawa ng project ngayon sa gilid ko

"Aray ate ano na namang kasalanan ko?"

"Pinagtitripan mo ba ako ha?!" Singhal ko sa kanya

"Anong pinagtitripan ate? Gumagawa ng project yung tao oh" nguso nito sa akin

Kumunot ang noo ko dahil sa reaksyon nito dahil alam kong nagsasabi siya ng totoo

Sa inis ko ay umupo nalang ako habang nakataas ang isa kong paa at muling nagscroll sa facebook

Muling nagpop up ang message notifications sa akin

"Don't you know how to sit properly?"

Tangina!

"Agad akong tumayo at sinabunutan ng malala si Jemuel na nagrereklamo na ngayon"

"Mamaaaaaaaa! Si ate nananakit wahhhhh" sigaw nito at tumakbo sa kusina

"Ano na namang problema nyong dalawa riyan ha?"

"Si ate mama sinaksaktan ako wala naman akong ginagawa sa kanya"

"Kasi naman mama! Pinagtitripan ako oh nagtetext sa'kin tapos bumili pa ata ng bagong sim card"

"Hindi nga ako 'yan ate!" Nagkakamot ulong saad nito

"Eh sino 'to?" Pagmamaktol ko at ipinabasa ang message sa kanila

Nakapamaywang ako habang iniintay silang matapos magbasa sa cellphone ko

Sinubukan ko pang luminga sa paligid ng sala namin dahil baka may hidden camera sa loob pero wala naman akong makita

"Ate promise hindi ako yan!" Saad ni Jemuel habang nakataas pa ang kanang kamay nya na tila pa sumusúmpa sa akin

"Sigurado ka?" Seryosong saad ni mama dito

"Totoo nga! Bakit ba ako lagi sinisisi nyo? Baka si Jairus yun." Reklamo nya na ang sinisisi ay si Jairus na kasalukuyang nasa kwarto nilang dalawa ngayon

Pagpasok ko sa kwarto nilang dalawa kasunod si mama ay natutulog na si Jairus

Nakahilata ito sa kama habang ang isang kamay ay nasa ulunan niya at ang isa ay nasa tyan

Sa inis ko ay kinalkal ko ang bawat sulok ng sala namin para maghanap ng hidden camera na nakalagay sa kung saan man parte ng bahay namin pero wala talaga akong makita

"Paranoid ka lang ata anak, matulog kana at baka dahil sa pagod lang yan"

"Oo nga ate, itulog mo na." Sulsol ni Jemuel

Tango na lamang ang isinagot ko sa kanila bago pumasok sa kwarto ko

Pabagsak akong humiga sa kama ko at tumunganga sa kisami

Pagod lang ba talaga 'to o may lihim na nanonood sa bawat kilos ko?

Hindi kaya si Melvin yun? Nandito sya sa bahay noon bago niya ako tangkaing gahasain...

Agad akong binalot ng takot dahil sa trauma na ibinigay sa akin ni Melvin magmula ng gabing iyon.

More Than A Dream (Amaris Series 2nd Gen Book 2)Where stories live. Discover now