Nacoconscious ako sa amoy ko kaya hindi ko mapigilang amuyin ng pasimple ang sarili ko
Kasi naman girl 'diba? Fresh from isdaan ako sa isang palengke tapos sasakay ako sa kotseng may aircon?
Alam ko nangangamoy isda sa loob ng sasakyan kanina pero paanong napigil ni kamahalan na mabahuan sa akin?
Bigla na lamang nitong hinawakan ang kamay ko at hinila sa loob ng kung anong store dahil hindi ko naman nabasa yung nakalagay kanina sa labas
Pagpasok ko sa loob ay amoy kaagad ng mamahaling shampoo, sabon, at iba pang pampaganda ang bumungad sa pang-amoy ko.
Nasa salon pala kami.
"Good afternoon Sir Kiroshi"
"Kiroshi?" Bulong ko sa sarili ko
Kiroshi pala pangalan mo huh!
"Good afternoon, This is... Tell her your name" utos nito sa akin
"Huh? Ako si balintawak" ngiti ko sa babae
Kumunot ang noo nilang dalawa sa akin na para bang may nasabi akong mali
"Tell her your name or else" nagbabantang bulong nito sa akin
"Or else ano?"
"Aanakan kita"
Pakiramdam ko ay umangat lahat ng dugo ko sa ulo ko at wala sa sariling sinabi na elsa ang pangalan ko
"Ako si Elsa" ngiti ko
Hindi naman kasi kami close kaya bakit ko sasabihin ang totoo kong ngalan? Kabilin-bilinan ni papa noon na huwag ko daw ibibigay basta ang pangalan ko lalo na kung hindi ko naman gaanong kilala.
"Okay Ma'am Elsa follow me" saad ng babae
Ayan na naman tayo sa follow e
"Sundan mo huwag mong paluin" paalala ni Mr. Kiroshi sa akin
"Alam ko" pagtataray ko dito at pinitik pa ang buhok ko bago siya talikuran
"Ahh miss bakit pala nandito ako?" Nahihiyang tanong ko sa kanya
Nang sumilip kasi ako sa labas ay nakaalis na si kamahalang Kiroshi
Pagkatapos akong kidnappin sa trabaho ko iiwan ako dito
Ang kapal ng mukha!
"Makeover ma'am" ngiti sa akin nung babae
"Makeover?"
"Yes ma'am" sambit niya at hinila ako papasok sa mamahaling cr
"Maligo ka muna ma'am bago tayo magsimula"
"Magsimula saan?" Namumulang saad ko
"M-make over po" ulit niya
"Ahhh akala ko ano e" natatakot na saad ko
Nang sumara ang pinto ay pabagsak akong napaupo sa bath tub
Ano kayang binabalak sa akin ng prinsipe na yun?
Matapos kong maligo ay nakaupo na ako ngayon habang may ginagawa silang kung ano sa buhok ko
Ang isa naman ay may kung ano-anong ipinapahid sa mukha ko na nakakapagsara daw ng pores
Kailan pa naisasara ang number four?
Hindi ako makadilat dahil may inilagay sila sa mata ko na pampawala raw ng eyebags habang nararamdaman ko namang may naglilinis ng kuko ko
Pakiramdam ko tuloy ay isa akong character sa kdrama na napapanood namin ng kapatid ko na pinapaganda para maghiganti
Eh kanino naman ako maghihiganti? Hindi kaya gagamitin akong asset ni Kiroshi para maghiganti sa kalaban niya sa trono??
Wahhhhhh!
Halos kalahating araw ata nila akong inayusan at nilagyan ng kung ano-ano sa balat at buhok ko bago sila tumigil
Naririnig ko na rin ang kulo ng tiyan ko dahil sa gutom
Nang sulyapan ko ang sarili ko sa salamin ay parang ibang tao ang nakikita ko
Ang buhok kong bagsak at medyo buhaghag, ngayon ay may pagkakulot sa ibabang bahagi nito.
Binago nila ang hairstyle ko kaya mukha na akong koreana ngayon.
Maputi kasi ang kutis ko at kahit ibilad ako sa araw ay hindi ako nangingitim ng todo
Singkit din ang mata ko kaya kapag tumatawa ako ay halos nakapikit na ang mga mata ko
Isa rin sa napapansin sa akin ay ang malalalim kong dimples na kahit nagsasalita lang ako ng normal ay nagpapakita sa mga tao.
"Ang ganda-ganda mo Ma'am Elsa. Mukha kang isang Prinsesa" puri sa akin ng nag-ayos sa akin kanina
"Salamat" ngiti ko dito kaya nawalan na naman ako ng mata
Namula sila na para bang kinilig sa pag-ngiting ginawa ko
Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na si Kiroshi
Nilagpasan pa ako nito na parang hindi nya ako nakita
"Where's Elsa?" Tanong nito sa babae kanina
Nang ituro ako nito sa kanya ay agad siyang lumingon sa akin at tila ba hindi na nakagalaw
Nagpasya na akong lapitan sya dahil naiilang din ako sa tingin nya
"Yung brief mo nalaglag" bulong ko sa kanya bago ako lumabas ng salon
YOU ARE READING
More Than A Dream (Amaris Series 2nd Gen Book 2)
RomanceSa bawat taong nangangarap sa mundo, ikaw ang pangarap na hindi ko inaasahang darating sa buhay ko... Sobra ka pa sa pangarap na ninanais ko sa buhay ko. Dahil bukod sa'yo ay binigyan mo ako ng regalo. Regalo na habang buhay kong mamahalin at aalaga...