Kasalukuyan kaming magkayakap ni Kiro ngayon sa malambot na kama habang nakatingin sa kisamiIniangat nito ang kaliwang kamay ko at sinuotan ng singsing sa ring finger ko
Hindi ako nakakibo dahil sa ginawa nya at ginawaran ako ng matàmis na halik sa labi nang tingalain ko siya
"Wear this ring as a sign of promise that I'll be back in here and marry you to build our own family together"
A promise ring..
Muli naming pinagsaluhan ang pagmamahalan namin ng gabing yun
Kinabukasan ay sumama ako kina Arianne sa paghatid sa magkapatid sa airport
Hindi sila nagextend ng visa dahil may mga aasikasuhin din daw sila sa palasyo bago muling bumalik sa pilipinas
Palibhasa ay may private royal plane sila kaya malaya silang magpabalik-balik sa kung saang bansa nila gustuhin
"I love you" ngiti ko sa kanya habang nakatingala at nakayakap sa bewang nya
"Ang tamis" pang-aasar ni Blake sa aming dalawa
"Hug your own fiance" ngisi ni Kiro dito
"Tsk! So sakit sa eyes" reklamo ni Shireyanicka at naunang pumasok sa loob ng eroplano
"I love you so so much, Valine"
We both kissed each other before he went inside of the plane and leave me with Blake and Arianne.
We bid out goodbyes and promises to each other na babaunin ko hanggang sa muling makabalik siya sa akin
Tatlong buwan kasing mag-stay si Kiroshi sa United kingdom dahil na rin sa sunod-sunod na royal events kaya magcecelebrate ako ng pasko na hindi siya kasama.
Sinisimulan na rin ni Arianne at Blake ang pagpaplano sa kasal nila sa susunod na taon na gaganapin probably in September.
Isang linggo na ang nakalipas mula nang umalis si Kiroshi ay naging emosyonal ako.
Palagi kong hinahanap-hanap ang boses at amoy nya kaya nahihirapan ako.
Pansamantala rin kasi kaming tumigil ni Ma'am Kei sa tutorial namin dahil malapit na ang Christmas holidays.
Busy rin ako sa trabaho dahil sa dami ng costumers, ako rin kasi ang madalas hanapin ng costumers lalo na at dumami na ang suki ko.
Mabuti na lamang ay kahit papaano ay magaling na ako sa wikang Ingles kaya nakakasabay na ako sa mayayamang costumer ko.
"Anak may hindi ka ba sinasabi sa akin?" Tanong ni mama habang pinapapak ko ang palaman sa lamesa
"Ano yun ma?"
"Buntis ka ba?"
Para akong nasamid sa sinabi nito sa akin at tinignan sya ng nakakunot ang noo
"Bakit naman ako mabubuntis ma?"
Huminga sya ng malalim bago humila ng upuan at tumabi sa akin
"Tatlo na kayong lumabas sa akin Valine kaya alam ko kung buntis ka o hindi"
"Pero ma.."
"Subukan mo 'to para makasiguro tayo" utos nito sa akin at inilagay sa lamesa ang dalawang Pregnancy test
"Sige po" proud na saad ko at pumasok sa banyo
Imposible naman sigurong mabuntis ako hindi ba?
Nag-intay ako ng ilang minuto at napatakip na lamang sa bibig ko dahil dalawang linya ang lumabas sa PT
Sa taranta ko ay sinubukan ko ulit yung isa pero parehas lang ang resulta
"B-buntis ako?"
Agad akong napahilamos ng mukha at tumitig sa suot kong singsing.
Hindi pa handa si Kiro...
Paglabas ko sa banyo ay kinuha kaagad ni mama sa'kin yung pt bago muling itinuon ang atensyon sa akin
"Anong balak mo?"
"Ma hindi pa handang maging tatay si Kiro" bulong ko sa kanya dahil nasa sala lang ang mga kapatid ko
"Pero Valine!"
"Ako na ang bahala ma. Hahanap ako ng tyempo, pangako"
Marami pa akong responsibilidad kina Jemuel! Pero hindi ko ilalaglag ang bata.
Tiyak ako mapapatay ako ni Kiroshi kapag ipinalaglag ko ang anak namin
"May tatlong buwan pa ako... Ipapaalam ko rin naman sa tatay mo anak" kausap ko sa puson ko habang nakatingin sa salamin
Itinuloy ko ang pagbubuntis ko at pansamantalang inilihim sa lahat ng tao
Tanging si mama lang ang nakakaalam na buntis ako kaya hindi halata sa tiyan ko sa paglipas ng panahon
Nagcelebrate kami ng pasko at bagong taon na magkakasama
Si kiroshi naman ay patuloy ang communication namin sa social media
Updated din ako sa nangyayari sa kanya dahil na rin sa news na nababasa ko online about sa Royal Family ng United kingdom
Ang bilis ng panahon at isang buwan na kaagad akong buntis
Dumarami na rin ang cravings ko na luckily ay napoprovide ng mga kapatid ko dahil na rin sa utos ni mama
Alam kong nagtataka na at kinukutuban ang mga kapatid ko pero nanatili kami ni mama na tahimik
Si Kei din na tutor ko ay naging maingat sa akin dahil na rin siguro nasesense nya na buntis nga ako
"Hello?"
"Hello? Is this ate Valine?"
"Yes, who's this?"
"Hello ate it's Shireyanicka"
Lumiwanag ang mood ko nang malaman kong si Nicknick ang tumawag sa akin
"Bakit ka napatawag?"
"Ate you need to come here in United Kingdom asap"
Kumabog ng mabilis ang puso ko hindi dahil sa excited ako kundi dahil sa kaba dahil may kakaiba akong naramdaman dahil sa sinabi nito
Hanggang sa makarating ako sa United Kingdom ay hindi nawawala ang kaba ko
Palihim din akong ipinasundo ni Shireyanicka sa Airport na para bang hindi dapat malaman ni Kiro na nasa bansa nila ako
"What's happening Nicknick? Kinakabahan ako sa'yo"
"I don't know how to say everything to you ate but i want you to ready yourself once you found out everything"
Ano ba kasi talagang nangyayari?
"I can't say it to you ate e, kaya gusto ko sana na you're the one na makakaalam o makasaksi mismo"
Ngumuso na lang ako at ikinalma ang sarili ko dahil baka pinagtitripan lang nila ako
Saglit na tumingin si Nicknick sa cellphone nya bago ako sinenyasan na sumunod sa kanya
"Be quiet ate ah?"
Tumango ako sa kanya bago sumunod sa kanya na para bang mga magnanakaw kaming dalawa
Masyadong malaki ang palasyo at maraming hidden rooms kaya madali akong naitago ni Nicknick
Tinawag ako ni nicknick gamit ang kamay lamang nya at sumilip sa may bintana
Nang silipin namin ang bintana ay agad na kumirot ang puso ko
Masayang naglalakad-lakad sa garden ng palasyo si Kiroshi habang nakayakap sa bewang nya ang isang mestisa at magandang babae
"Who's she?" Tanong ko sa kanya
"He was arrange marriage to the other royal family princess by our grandmother"
Ipinagkasundo siya ng lola nya...

YOU ARE READING
More Than A Dream (Amaris Series 2nd Gen Book 2)
RomanceSa bawat taong nangangarap sa mundo, ikaw ang pangarap na hindi ko inaasahang darating sa buhay ko... Sobra ka pa sa pangarap na ninanais ko sa buhay ko. Dahil bukod sa'yo ay binigyan mo ako ng regalo. Regalo na habang buhay kong mamahalin at aalaga...