Dahil sa nalaman ko ay mas lalo akong namotivate na hindi ipaalam ang pagbubuntis ko
"Ate we can stop their marriage naman e" ngúso sa akin ni Nicknick habang nakayakap sa'kin
Magtabi kami ngayon sa kama kung saan nya ako itinago
"Uuwi na ako Nick, ibalik mo na ako sa pilipinas pakiusap"
"Pero ate..."
"Please?"
She sighed heavily bago ako tinanguan
"I'm sorry ate, i didn't mean to hurt you. I brought you here to stop their wedding"
"It's okay Nick, at least nalaman ko kaagad. Hindi ako makikipaglaban sa prinsesang nakatakda sa kuya mo"
Napansin ko ang pangingilid ng luha nito na tila ba ayaw ako pauwiin pero buo na ang desisyon ko
Ngayon ko napatunayan sa sarili ko na wala talaga kaming pag-asa ni Kiroshi
Na hindi talaga kami nararapat sa isa't-isa
Nagpapasalamat na rin ako dahil kung matatapos ngayong araw ang relasyon naming dalawa ay binigyan nya ako ng regalo na habang-buhay kong makakasama kahit wala sya sa tabi ko
Pagkauwi ko sa bahay ay hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko kay mama
Wala akong nagawa kundi ang humagulgol at yumakap kay mama pagpasok ko sa bahay nang bumungad sya sa akin
"Anong nangyari? Nasaan si Kiro?"
Hindi ako nakasagot at umiyak lamang hanggang sa mapagod ang luha kong lumabas mula sa mga mata ko
Nang makabawi ako ng lakas ng loob ay handa na sana akong magkuwento nang may makita akong maliit na kulay pulang ilaw sa pinakasulok ng tv namin sa sala
Agad ko itong nilapitan at nagulat na lamang nang makitang may maliit na hidden camera dito
Naningkit rin ang mata ko nang makita ang pamilyar na sticker na idinikit sa akin ni Kiroshi noon
Agad kong ibinato sa sahig ang camera at kumuha ng martilyo para wasakin ang camera habang umiiyak
"Ate tama na makakasama sa pamangkin ko" awat sa akin ni Jemuel na mas lalong nagpakirot ng damdamin ko
Humihikbi kong sinabi sa kanila ang nasaksihan ko sa United Kingdom
"A-alam kong babalik siya dito ma.. pakiusap lumipat na tayo ng bahay"
Saglit silang tumahimik bago ako niyakap
Ayoko na ulit magkrus ang landas namin
Ayoko na...
Limang buwan na ang nakakalipas mula nang makalipat kami ng bahay
Nalalapit na rin ang kasal ni Arianne at Blake
Kahit nagpalit na ako ng sim card at naging inactive sa facebook ay pilit ako kinukulit ni Rebecka dahil tinatanong daw ni Arianne kung nasaan ako
Gusto kasing ipilit ni Arianne na isa ako sa Bridesmaid kahit na wala na kami ni Kiroshi
Para namang tinorture ko ang sarili ko hindi ba? Kung aattend ako dun lalo na at alam kong pupunta si Kiroshi kasama ang asawa nyang prinsesa?
Tsaka kabuwanan ko sa december kaya hindi rin talaga ako makakapunta
Baka imbis na mag-enjoy sina Arianne sa kasal nila ay gumawa pa ako ng eksena dahil bigla akong manganak doon
"Hello Baby Tyler..." kausap ni Jairus sa tiyan ko
Matagal na rin akong hindi nagpakita kay Kei kaya wala akong balita sa kahit sino sa kanila
Okay na ako sa tahimik kong buhay kaya wala akong balak na magbukas ng social media dahil baka makaapekto sa pagbubúntis ko kapag naging emosyonal na naman ako
Malaki na ang tiyan ko dahil na rin siguro lalaki ang baby namin ni Kiroshi
Hindi ko mapigilang hindi matakot dahil sa isiping lalaki ang anak ko na walang àma
Mabuti na lamang ay may mga kapatid akong lalaki na handang magpakatatay sa anak ko once na lumabas na sya.
1 year later
"Tanong mo sa akin, sino aking mahal?" Kanta ko habang nagluluto sa kusina
"Inspired ata kumanta ang ate ko ah" puna ni Jemuel sa akin bitbit ang laptop nito
Nabilhan ko na kasi siya ng laptop mula noong makabalik ako sa trabaho ko pagkatapos kong magpahinga mula sa pagkapanganak ko kay Tyler
Kasalukuyan akong call center agent ngayon at work from home dahil na rin sa baby ko
Ayoko rin naman kasing iasa kay mama ang pag-aalaga kay Tyler dahil matanda na rin sya
"Inspired mo mukha mo"
"Ang sabihin mo kuya Jemuel nililigawan na sya ni Kuya Lazie"
"Hoy tigil-tigilan ninyo akong dalawa ha! Wala akong balak magnobyo. Focus ako kay Tyler"
"Ate single ka naman anong masama doon? Saka mas maganda nga na hangga't hindi pa nangingilala si Tyler ay may kalalakihan na syang daddy"
"Tigilan nyo ako ha! 7th month old na ni Tyler next week i have to focus on that"
"Kakain tayo sa labas ate?"
"Yup pero uunahin ko muna photoshoot nya"
"Anong theme ng 7th month nya ate?"
"Disney Prince" sagot ko
***
"Bakit naman umiiyak ang baby na yan huh?"
"Uwahhhhhh"
"Oo na po eto na po done na kumain si mommy" pagpapatahan ko dito bago siya binuhat
Nasa school kasi ngayon si Jemuel at Jairus habang si mama naman ay may zumba kasama ang mga tropa nyang tanders
Pinadede ko sa akin ang anak ko habang nakatutok ako sa laptop kung sakaling may tatawag na client
Natuwa at nalibang naman ako dahil habang busy siya sa pagdede sa akin ay nagclose open ang kaliwang kamay nito
7 months palang si Tyler pero makikita mo na kaagad na matalino syang bata
Bukod sa iyak at tawa kasi nito ay kaya na nya akong tawagin na "mimi" na nakakapawi ng pagod ko sa maghapon.
Sa loob ng ilang buwan ay malaki na rin ang naipundar ko katuwang si Jemuel
Bukod kasi sa busy sya sa course nya ay working student na rin sya kagaya ko
Sinubukan nya ring magtrabaho sa company na pinagtatrabahuan ko kaya malaki na rin ang pumapasok sa pera sa amin
Minsan nga ay umuuwi na lang sya na may dalang damit ni Tyler na binili nya pa sa mall
Hindi ko na hahangaring magmahal pa ng iba dahil si Tyler lang ay sapat na sa akin
![](https://img.wattpad.com/cover/359601882-288-k250036.jpg)
YOU ARE READING
More Than A Dream (Amaris Series 2nd Gen Book 2)
RomanceSa bawat taong nangangarap sa mundo, ikaw ang pangarap na hindi ko inaasahang darating sa buhay ko... Sobra ka pa sa pangarap na ninanais ko sa buhay ko. Dahil bukod sa'yo ay binigyan mo ako ng regalo. Regalo na habang buhay kong mamahalin at aalaga...