Chapter 12

78 2 0
                                    


"Yes ma'am, may discount po kami ano po bang hanap nila?" Magalang na saad ko sa costumer na pumasok

"I want something fabulous"

"Fabulous po?"

"Yes"

"Pst jinkie" tawag ko sa isa sa kasamahan ko

"Bakit?"

"Ikaw na bahala dyan, hindi pa ako expert magenglish baka maupakan ko siya kapag hindi ko naintindihan sinasabi niya."

"O siya sige doon ka sa isang costumer" turo niya sa akin

"Good morning ma'am" bati ko rito

"Huwag mo akong ini-english iha wala akong maintindihan" sita sa akin ng matanda

Agad na nagliwanag ang mukha ko dahil sa sinabi nito

Same madam same!

"Bagay ba sa'kin iha?"

"Ay naku nanay sobrang bagay, ang lakas makasosyal"

"Baka binobola mo ako ha"

"Hindi po nanay pramis sobrang bagay po" saad ko sa kanya at nagthumbs up pa

Hanggang makarating sa counter ay nagpasama si nanay sa akin at nagchichikahan kami

Dinaldal ko nalang din sya at baka biglang magbago ang isip nya sa pagbili ng sandamakmak na mamahaling bags

"Thank you for your purchase ma'am" sambit ni Linda nang iabot ang resibo kay nanay pati ang mga orders nito

"Huwag kayo sa'kin magpasalamat, dito sa magandang staff ninyo." Turo nito sa akin

Nanay enebe pere nemeng shere!

Ngiti na lamang ang isinagot namin kay nanay bago siya magpaalam at lumabas sa shop

"Ang galing mo dun Valine ha!" Puri sa akin ni Jinkie

"Yung sa'yo, Kamusta?"

"Yung nageenglish kanina? Hay nako sagana sa arte hindi naman pala bibili" umikot pa ang mga mata nito hanggang sa makabalik kami sa pwesto namin

Pagkatapos ng shift ko sa trabaho ay tumungo na ako sa restaurant ni Ma'am Danica para sa 1 on 1 lesson ko kay ma'am Kei

"Sorry if I'm late" paumanhin ko sa kanya nang makaupo ako

"It's okay, kararating ko lang din"

Ngumiti ako dito at inayos ang upo ko

"Shall we start?"

"Yes ma'am"

Sa dami ng activity at quizzes na ibinigay sa akin ni Ma'am Kei ay nalibang na rin ako

Nageenjoy pa nga ako dahil hindi ko naranasan sa kanya ang katulad ng naranasan ko sa mga past teachers ko.

"May boyfriend ka na ba?" Tanong ko sa kanya habang nagsasagot ako ng fill in the blanks quiz

"Meron"

"Talaga?"

"Yep, ikaw ba? Kamusta ang relasyon nyo ni Sir Kiroshi?"

Para akong nabulunan sa tanong nito kaya agad akong uminom ng tubig

"Out of my league siya" sagot ko dito

"Pfft... Hindi naman siguro"
Natatawang ani nito sa akin

Nagpasundo ako kay Melvin after ng klase ko kay Ma'am Kei

May usapan kasi kaming dalawa na lalabas kami para mas makapag-usap pa

Palabas na ako ng resto nang makasalubong ko si Sir Kiroshi

"Good evening Sir" bati ko dito tsaka siya nilagpasan

"Where are you going?" Harang nito sa akin habang hawak ang braso ko

"We have a date, please excuse us." Singit ni Melvin at kinalas ang pagkakahawak ni Kiroshi sa akin

Hindi ko na sya nagawang lingunin pa dahil na rin mabilis akong sinuotan ni Melvin ng helmet

"Eto na naman sa motor e" bulong ko sa sarili ko

"Nakaangkas kana ba sa motor?"

"Kay Sir Kiroshi" walang prenong sagot ko

Natahimik siya dahil sa sagot ko

May nasabi na naman ba akong hindi maganda?

Nang simulan niyang paandarin ang motor ay kumapit ako sa balikat niya.

Mabagal lang siya magdrive hindi katulad ni Kiroshi na akala mo ay nakikipagkarerahan ng takbo

"Saan pala tayo pupunta?"

"Sa overlooking"

"Overlooking? Huwag na doon" kinakabahang bulong ko sa kanya

"Maganda naman dun ah? Makikita natin ang City lights ng Maynila" pagpapakalma niya sa akin

"Hindi ba malamok doon?"

"Hindi, kung maging malamok man doon nagready na ako ng off lotion para sa'yo."

"Sige" sagot ko na lamang sa kanya at ipinatong ang mukha ko sa kanang balikat niya

"Ano pala yung business na sinimulan mo?"

"May sarili na akong call center company" proud na saad nito habang nagmamaneho

"Talaga?? Nakakaproud ka naman"

"Ang sarap namang pakinggan kapag galing sayo"

"Sus!" Kinikilig na saad ko at kinurot pa ang bewang nya

"Nagmamaneho ako mahal" reklamo nito ngunit nakuha pang tumawa.

More Than A Dream (Amaris Series 2nd Gen Book 2)Where stories live. Discover now