Chapter 10

65 1 0
                                    

Tahimik pa rin ako hanggang sa makaupo kami sa loob ng restaurant na pagmamay-ari ni ma'am Danica

Tahimik lang din si Kiroshi habang nagtatype sa cellphone niya na tila ba may kausap siyang mahalagang tao sa buhay niya

Ilalabas ko na rin sana ang cellphone ko para sana magbukas ng facebook nang may lumapit sa lamesa namin na para bang nagmamadali

"Good morning sir, sorry I'm late natraffic po."

"It's okay, kadarating lang din namin"

Sus! Kanina pa nga tayo rito.

"Are you Miss Valine Maranita?"

"Opo"

Tumayo si Kiroshi at tinanguan yung babaeng dumating

"Take care of her, call me when the session is done."

"Yes sir"

"Iiwan mo ako rito?" Kinakabahang saad ko sa kanya

"She'll take care of you" walang emosyong saad nya bago ako iniwan

"Good morning Miss Valine, I'm kei Lizalia."

"Hello po" nahihiyang bati ko rito

"Ako yung magiging tutor mo from Grade 8 subjects hanggang Grade 10 subjects"

Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi nito

Hindi ako makapaniwalang nakaenroll ako ngayon sa homeschooling o yung tinatawag na one on one session ng pag-aaral.

Tuwing hapon daw ang lesson namin pagkatapos ng trabaho ko at kada isang linggo ay isang subject lang ang popokusan namin ni Ma'am Kei.

"Pwede pong time out muna?"

"Sure"

"Hindi na po kasi kaya ng utak ko e" reklamo ko at yumuko sa lamesa para irelax ang utak ko

"Okay lang 'yan Miss Valine gagawin ko ang lahat para matuto ka" pagpapakalma niya sa akin

Ilang oras pa ang lumipas ay may isang waitress ang lumapit sa amin para maglagay ng pagkain sa lamesa

"Ay hindi kami umorder" ngiti ko dito

"Bilin po ni Sir Kiro at Ma'am Danica" malumanay na sambit nito

Nagkatinginan pa kami ni Ma'am Kei bago ngumiti sa waitress at tanggapin ang pagkain

"Okay translate this one" saad nya at iniabot sa akin ang papel at ballpen

I went to salon to fixed my nails

"Pumunta ako sa salon para ipaayos ang kuko ko" sulat ko sa papel ay ibinalik ang papel sa kanya

"Very good"

"Pwede na ba ako maging valedictorian nyan?" Proud na tanong ko na ikinatawa namin parehas

6:00 pm ay dumating din si Kiroshi kasabay ni ma'am Danica

Kahit na nakadalawang anak na siya ay mukha pa rin siyang fresh at dalaga

Sobrang ganda nya

Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon para makapagpapicture sa kanya dahil nagmamadali siyang pumasok sa loob para magbake ng pastries

"How is it going?"

"She's good and a fast learner student sir"

"That's great"

Nanatili akong tahimik at nakinig sa usapan nila, mabuti na lamang ay naiintindihan ko na ang ibang pinag-uusapan nila. Hindi lang ako makahabol minsan dahil ang bilis nilang dalawa magsalita.

"That's all for today see you tomorrow Ma'am Valine" paalam sa akin nito

"Valine na lang po" ngiti ko sa kanya at kumaway pa hanggang sa makalabas siya

"How are you?" Tanong sa akin ni Kiroshi

Abaa sinusubukan ang skills ko sa english ah

"I'm good" mayabang na sagot ko sa kanya

"What do you want to eat for dinner then?"

Teka masyadong mabilis!

"Hmm i want you" wala sa sariling saad ko

"What did you say?"

"Huh? Wala akong sinabi noh" palusot ko

Akala ko ay pupunta na naman kami sa kung saang restaurant pero nagkamali ako

Dumaan kami sa driver thru ng Jollibee at umorder siya ng chicken bucket at kung ano-ano pa

Akala ko ay kakainin namin sa byahe pero laking gulat ko nang iuwi nya yun sa pamilya ko

"I want to eat with you and your family" saad nito sa akin

Grabeng awa naman 'yan kiroshi.

Umikot ang mata ko at hindi na siya inimik pa, natutuwa rin kasi ang puso ko habang pinagmamasdan na masaya ang mga kapatid ko at nanay ko sa uwi ni Kiroshi.

"Salamat sa pasalubong kuya Kiroshi ang sarap nito" nageenjoy na saad ni Jairus

"You are welcome"

Hanggang sa matapos kaming kumain ay tila ba hulog na hulog sa kaniya ang pamilya ko sa dami ng napag-usapan nila

Nalaman kasi ng mga kapatid ko na mahilig si Kiro sa horse back riding kaya napukaw ang atensyon nila

Malamang prinsipe yan marunong talaga mangabayo yan!

Mas magaling pa ako dyan e.

"Thank you for today" saad ko sa kanya nang maihatid ko siya hanggang sa kung saan nakapark ang sasakyan nya

"You're welcome" saad nito

"P-pasok na ako sa loob" saad ko sa kanya at akmang tatalikod na nang hilahin niya ako

"Bakit?"

"Ahhh.. you did well today, i just wanna congratulate you"

"Thank you, Kamahalan" ngiti ko sa kanya

"Sunduin kita bukas?"

"Ahhh huwag na kaya ko naman magcommute. Masyado ka ng maraming naitulong sa akin, maraming-maraming salamat"

"But.."

"Valine?? Miss na miss na miss na kita" singit ng dati kong manliligaw at basta na lamang ako hinila palayo kay Kiroshi

"Bitiwan mo nga ako" iritang saad ko dito at napatili na lamang nang suntukin siya ni Kiroshi

More Than A Dream (Amaris Series 2nd Gen Book 2)Where stories live. Discover now