"Follow me" saad nito sa akin at tumalikodPalo? Paluin ko siya? Bakit?
Nagsimula siyang maglakad kaya naman pinalo ko ang pwetan nito
Nang humarap siya sa akin ay binigyan ako nito ng masamang tingin
Hala bakit galit siya? Sabi niya paluin ko siya!
"Why did you do that?"
Ayun gets ko yung sentence na yun!
"Sabi mo kasi paluin kita e"
"I said follow me, in tagalog sundan mo ako."
A-ahhh! Akala ko kasi inutusan nya akong paluin siya...
"Akala ko kasi palo" nahihiyang saad ko
Lupa kainin mo na ako ngayon din mismo!
Hindi ko magawang magsalita at yumuko na lang para sundan siya
"Bakit ba kasi ako isinama ni Rebecka dito e!" Kausap ko sa sarili ko
"Are you saying something?"
"Huh? Ahh wala hehe sabi ko ano ahh ang gwapo mo" palusot ko sa kanya
Tinaasan ako nito ng kilay bago ituro sa akin kung saan banda yung banyo
"Salamat pogi" saad ko at kumaripas ng takbo
"Lalabas pa ba ako o huwag na? Huwag na siguro ano? Tama tama hintayin ko nalang matapos ang event" ngiti ko sa salamin
Agad din akong ngumiwi sa isiping hindi pa ako kumakain
Nagpanic ako nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok sa pinto
"What the hell are you doing there woman? Wala ka bang balak lumabas?"
Ano daw? Hell? Nasa impyerno ako???
Natataranta akong lumabas ng banyo na tila ba takot na takot
"What happened?" Tanong sa akin ni Pogi nang makalabas ako at sinilip pa ang banyo
"Sabi mo hell edi impyerno sa loob? E bakit diyan mo pa ako pinaihi kung nandyan pala si satanas?" Singhal ko sa kanya
Nakita ko ang pagpipigil nito ng tawa kaya hindi ko mapigilang hampasin siya
"Problema mo huh? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Nguso ko dito
Sumeryoso din kaagad ang mukha nito bago ako tinitigan
"H-huwag mo akong titigan ng ganyan baka mahulog yung panty ko" walang prenong saad ko
"Your what?" Gulat na saad nya
"Hindi ko na uulitin, diyan ka na nga nagugutom na ako e."
Iniwan ko siya sa tapat ng impyernong banyo na sinasabi nya dahil na rin sa nagugutom ako
Nang makabalik ako sa table namin ni Rebecka ay sinalubong kaagad ako nito na may pag-aalala sa mukha
"Valine! Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap ah"
"Nagcr ako bakit ba?"
"Halika na at parating na raw sina Sir Blake at Arianne"
"Si Sir Blake mo ba yung magpo-propose kay Arianne?" Usisa ko sa kanya
"Oo ang swerte nga ni Arianne e, balita ko nga nandito rin yung pinsan nila Sir Blake yung prinsipe at Prinsesa ng Uk"
"Uk? United Kingdom?"
"Oo"
"Gago! Nasan dyan? Gwapo ba?"
Shems! Prinsipe daw mga sismars achkkkk!
YOU ARE READING
More Than A Dream (Amaris Series 2nd Gen Book 2)
RomanceSa bawat taong nangangarap sa mundo, ikaw ang pangarap na hindi ko inaasahang darating sa buhay ko... Sobra ka pa sa pangarap na ninanais ko sa buhay ko. Dahil bukod sa'yo ay binigyan mo ako ng regalo. Regalo na habang buhay kong mamahalin at aalaga...