Nang makarating sina Sir Blake ay ipinakilala ng host ang mga pinsan nito na ikinalaglag ng panga ko
Parang gusto ko nalang lamunin ako ng lupa nang malaman kong prinsipe pala yung kausap ko kanina
"Rebecka pwede bang umuwi na ako pagkatapos nating kumain?"
"Uuwi ka kaagad?"
"Oo e, feeling ko kasi masama ang pakiramdam ko."
"Ay sus! Kanina lang nagpaplano ka pang magsharon ng pagkain ah?"
Gusto ko naman talaga magsharon pero nakakahiya ngayon lalo na dahil sa ginawa kong kagagahan kanina
Pagkarating noong Arianne at Sir Blake ay nagkumpulan ang mga tao sa kani-kanilang pwesto
May lumapit sa aking bata na nagpapatulong na isintas yung sapatos niya na agad ko rin namang tinulungan
"You're so pretty po"
"Pretty? Ano yung pretty?" Seryosong tanong ko sa bata pagkatapos kong isintas ang sapatos nito
"Maganda po"
Huy! Maganda raw ako teh! Hindi nagsisinungaling ang bata...
"Salamat, ang cute cute mo" ngiti ko rito at pinisil pa ang pisngi niya
Nang iwan ako ng bata ay sinulyapan kong muli si Sir Blake bago dumako ang tingin ko sa prinsipe
Para akong sinilaban nang makita ang mga mata nitong nakatingin sa kinaroroonan ko
Matapos namin kumain at makipag-toast sa dalawang na-engage ay nagsimula ng magparty ang mga bisita
Sinamantala ko naman ang oras na yun para magpaalam kay Rebecka upang makauwi ako sa bahay
Nasa pinakadulo ng village ang bahay nila Sir Blake kaya malayo-layo pa ang lalakarin ko papunta sa main gate
Nagpatugtog pa ako ng weslife songs habang naglalakad ako para hindi ako mabored dahil na rin sa puro kuliglig lang ang naririnig ko sa paligid
Sa kalagitnaan ng pagmumuni ko ay may bumusina na nakapagpasigaw sa akin
"Ay puke mong haba!" Tili ko at agad na umupo sa kalsada habang nakataas ang dalawang kamay
"Huwag po! Inosente po ako wala po akong pang-ransom sa inyo mahirap lang po ako." Pagmamakaawa ko habang nakapikit
"Stand up and wear this helmet" saad nito sa malamig na boses
Stand up daw?
Nang tumayo ako at sulyapan ang nakasakay sa motor ay agad akong napalunok
Siya yung prinsipe kanina.
"B-bakit po?"
"Bingi ka ba? Suotin mo 'to" utos niya sa akin at iniabot ang helmet
S-suotin ko raw?
Dahil hindi ako kumilos ay tila ba napikon siya kaya umalis siya sa pagkakaupo sa motor at tumayo sa harapan ko
Tiningala ko pa siya dahil masyado siyang matangkad para sa akin
Parang hindi ako makahinga nang isuot nito sa akin ang helmet habang nakatitig sa akin
"Let's go" saad nito bago ako hinila patungo sa motor niya
"Maglalakad na lang ako" natatakot na saad ko habang nakatingin sa kanya
Umaandar na rin ang makina nito habang iniintay niya akong sumakay
"Sakay" malamig na sambit niya habang nakatingin sa akin
"H-huwag na" nahihiyang saad ko at nagsimulang umatras pero hinila niya ako
Muli siyang umalis sa pagkakaupo at walang pasabing binuhat ako para i-upo sa motor niya
"Hoy!" Sigaw ko sa kanya ngunit wala siyang pakialam
"I'm not Amaris for nothing, you shouldn't decline the prince offer." Seryosong sambit niya sa akin
"Hindi ka Amaris?" Nalilitong saad ko sa kanya
Naiiling na nakangiti ito bago siya umupo sa harapan ko
YOU ARE READING
More Than A Dream (Amaris Series 2nd Gen Book 2)
RomanceSa bawat taong nangangarap sa mundo, ikaw ang pangarap na hindi ko inaasahang darating sa buhay ko... Sobra ka pa sa pangarap na ninanais ko sa buhay ko. Dahil bukod sa'yo ay binigyan mo ako ng regalo. Regalo na habang buhay kong mamahalin at aalaga...