Chapter 4

73 2 0
                                    


"Wala kang na-sharon ate?"

"Mukha kang sharon" sita ni Jemuel sa kapatid naming bunso

"Sanay kasi akong nagshasharon si ate sa mga event e"

"Nakakahiyang magsharon, masyadong yayamanin ang mga bisita."

Saad ko sa kanila bago umupo sa kahoy na upuan

"Si mama pala?"

"Nandoon sa kwarto ate tulog na yakap na naman ang picture ni papa"

Mapait akong ngumiti bago sinilip si mama sa kwarto

Humalik muna ako sa noo ni mama bago lumabas sa kwarto nito at tumungo sa kwarto ko para magpalit ng damit

Grade 7 lang ang natapos ko at tumigil na rin kaagad ako dahil sa biglang pagpanaw ng tatay namin

Mahina talaga ako sa English noon pa man

Mabilis naman akong matuto kaso nga lang ay depende sa nagtuturo, terror kasi ang mga naging past English teachers ko noon kaya wala akong natututunan kundi ang matakot

Kinuha ko ang cellphone ko sa shoulder bag ko para pumili sa gallery ko ng picture na gagamitin ko pamalit ng profile

Nagpapicture kasi ako kay Rebecka kanina sa event habang hindi pa nagsisimula para mapalitan ko na yung jejemon profile picture ko

"Ano kayang magandang caption? Makapagsearch nga sa google"

Maaga akong gumising para maligo at maghanda dahil matinding bakbakan na naman sa palengke ang gagawin ko

Isa kasi akong tindera sa isdaan at yun ang kabuhayang napakikinabangan at ibinubuhay ko sa mga kapatid at nanay ko

"Aalis kana ba agad? Mag-almusal ka muna"

"Ayos lang ako mama" ngiti ko sa kanya

Nagmamadali akong umalis ng bahay para tumungo sa palengke

"Good morning Valine"

"Buo na naman araw ko nakita ko si Valine"
Napailing na lang ako dahil sa kanila

Alam kong palengkera ako pero hindi naman ako kukuha ng lalaking sa palengke lang din nagtatrabaho

"Good morning ate Magda"

"Good morning Valine"

Isinuot ko kaagad ang apron ko at pumuwesto sa paborito kong pwesto

"Tilapia, bangús, pusit murang-mura oh" sigaw ko habang nagtatawag ng mamimili

"Kuya bili ka na ng bangus oh fresh na fresh pa sa crush mong walang pagtingin sa'yo"

"Ikaw pa naman ang crush ko miss, edi hindi ka na fresh?"

Aba lokong 'to ah!

Nanahimik ako at sinamaan siya ng tingin bago siya tinalikuran

Paepal.

Sa kakalingon sa akin nung kuya ay natalisod siya kaya napatawa ako ng malakas

Buti nga!

Sa huli ay dumagsa ang costumer namin kaya nalibang na ako sa pagkakaliskis sa mga isda ay pagsusukli sa kanila

Maging amoy malansa man ako ay marangal ang trabaho ko

Lunch break na kaya walang masyadong tao sa palengke

Oras din ng pahinga ng lahat ng tao sa palengke kaya sarado halos lahat at natutulog

Napagdesisyunan kong lumabas muna sa palengke para sana dumaan sa simbahan at magdàsal

Napadaan pa ako sa isang mamahaling sasakyan na tinted ang salamin ng bintana kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na magpacute at magpaganda sa salamin nito

Maya-maya pa ay bigla na lamang bumaba ang bintana nito kung saan seryosong nakatingin sa akin ang prinsipeng naghatid sa akin sa lugar namin kagabi

"H-hi?" Sambit ko dito at kumaripas ng takbo pabalik sa palengke

More Than A Dream (Amaris Series 2nd Gen Book 2)Where stories live. Discover now