Ilang araw na akong hindi mapakali sa bahay dahil sa isiping baka may hidden camera sa bawat sulok nitoNamamawis rin ang palad ko ngayon habang nasa labas ng korte
Ngayon kasi ang hearing namin tungkol sa demandang isinampa ni Kiroshi kay Melvin
Nakakailang hearing na rin kami at ngayon ang araw kung kailan siya hahatulan
Mag-iisang buwan ko na ring hindi nakikita si Kiroshi mula nang umuwi siya sa United Kingdom
Sayang lang dahil excited na akong pakitaan siya ng english speaking skills ko
"Don't be nervous" bulong ng kung sino sa likod ko na nagpataas sa mga balahibo ko
"Sir Kiro?"
"Miss me?" Ngiti nito sa akin na tila ba may ibang ibig sabihin
"Syempre namiss kita" ngúso ko
"Inamin mo rin" ngisi nito
Sinabi ko ba ang nasa isip ko?
Nanlaki ang mga mata ko dahil pakiramdam ko ay sinabi ko talaga sa kanya na namiss ko siya
"Let's get inside" turo nito sa pinto at hinawakan pa ang balikat ko
Makukulong si Melvin ng ilang taon ayon sa judge
Sobrang saya ko dahil makakahinga ako ng maluwag mula na rin sa ilang linggo kong takot mula kay Melvin
Nalaman din kasi namin na may asawa at isang anak na sya sa Baguio bago bumalik sa Manila
Hindi lubos maisip ng asawa nya na magagawa ni Melvin na magloko at gumawa ng ganitong klaseng krímen sa akin
Maaawa sana ako sa anak ni Melvin pero naalala kong may sarili din pala syang business na naitayo kaya mabubuhay pa rin ang mag-ina nya kahit na nakakulong siya
Kung bakit ba kasi kailangan nya pang gumamit ng dróga kaya naging iba ang takbo ng isip niya
"I told you may something sa Melvin na yan" bulong ni Sir Kiroshi sa akin
"Wala ka kayang sinabi"
"May sinabi ako, on my mind." Palusot niya
"Palusot ka pa, taraa" aya ko sa kanya kasama ng pamilya ko
"Where are we going?"
"Kakain, libre ko" pagmamayabang ko
Duh marami na kaya akong pera.
"Sige lang umorder lang kayo ako magbabayad" mayabang na saad ko
"Sabi mo yan ate ah" excited na saad ng dalawa kong kapatid
Tumango lang ako bago ko tinignan si Sir Kiroshi na nakaupo sa tabi ko
"Umorder ka na" kindat ko sa kanya at iniabot ang menu na hawak ko
"Okay" seryosong sambit nito bago itinuon ang atensyon nito sa menu
Habang iniintay naman namin ang order namin ay kanya-kanya silang buhay dahil mga nakatutok sa cellphone maging si mama
Ioopen ko na rin sana ang cellphone ko nang kunin ni Kiroshi mula sa kamay ko
"How's your lesson with Kei?"
"It was fine and also fun" sagot ko sa kanya
Tumaas pa ang kaliwang kilay nito kasabay ng pagsilay ng ngiti nito sa labi nya bago muling sumeryoso
"Good to know"
"Tanungin mo pa ako dali" excited na saad ko sa kanya
"I'd like to invite you on my Uncle's company anniversary"
"Company anniversary?? Yung pinagtatrabahuan ni Rebecka?"
"Yup"
"Sige" ngiti ko sa kanya
Tumango-tango pa sya sa akin na para bang hindi sya makapaniwala na pumayag kaagad ako
Nalaglag ang panga ko nang sulyapan ko ang lamesa namin na punong-puno ng pagkain
"K-kaya nyong ubusin lahat 'yan?"
"Aba syempre" sagot nila mama at ipinakita sa akin ang baon nilang plastik
Alam kong magsasharon kayo pero kulang ang dala kong pera pambayad sa inorder nyo!
"Any problem?" Bulong sa akin ni Kiroshi sabay dinampot ang chopsticks
"W-wala"
Pakiramdam ko ay mahihirapan akong lunukin bawat pagkaing ipapasok ko sa bibig ko dahil sa isiping kukulangin ang dala kong pera
Ang lakas ko pang magyabang kanina na libre ko yun pala ay masoshort pa rin ako!
Hindi ko magawang ngumiti ng maayos habang kumakain ang pamilya ko maging si Kiroshi
Sana pala ay sa eat all you can ko nalang sila isinama edi mas nakatipid pa ako.
Nang malapit na maubos ang pagkain namin ay nagpaalam muna ako na mag-cr lang ako
Agad kong sinilip ang wallet ko at kulang nalang ay tumakas ako at iwan ang pamilya ko dahil sa kulang ang pambayad ko
"Ano ba naman kasi 'tong kayabangan ko ih!" Sita ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin
"Mauna na kayong lumabas ma, magbabayad pa ako e" palusot ko sa kanila
"O siya, halika na Kiroshi at hayaan mong magbayad yan si Valine" bilin ni mama at hinila pa palabas si Kiroshi
Naiwan akong nakatunganga sa lamesa habang hawak ang tiyan ko na bloated sa dami ng nakain ko
Itinaas ko ang kamay ko para tawagin ang waiter na nagserve sa amin kanina
"Yes ma'am?"
"Ahh yung receipt ng nakain namin? Magbabayad na sana ako"
"Ay paid na po ma'am"
"H-huh?"
"Binayaran na po ng boyfriend nyo" paliwanag nito
"S-salamat" tulalang saad ko nang talikuran na ako nito
Paglabas ko sa resto ay naabutan ko silang nagtatawanan sa labas ng sasakyan ni Kiroshi
"Anong pinag-uusapan nyo?"
"Binabackstab ka namin ate"
"Aba!" Naningkit ang mga mata ko sa kanila ngunit nagtawanan na naman sila
"Sabi sa'yo kuya Kiro e, nawawalan ng mata si ate kapag masaya tsaka galit. Kahit anong emosyon niyan ni ate laging nawawalan ng mata" natatawang sambit ni Jairus
YOU ARE READING
More Than A Dream (Amaris Series 2nd Gen Book 2)
RomanceSa bawat taong nangangarap sa mundo, ikaw ang pangarap na hindi ko inaasahang darating sa buhay ko... Sobra ka pa sa pangarap na ninanais ko sa buhay ko. Dahil bukod sa'yo ay binigyan mo ako ng regalo. Regalo na habang buhay kong mamahalin at aalaga...