"Iuwi mo na nga ako kanina pa kumakalam ang sikmura ko dahil sa gutom, alam mo bang nasayang ang kalahating araw ko na nakaupo lang doon? Tapos wala man lang akong pagkain"Nang harapin ko siya ay nakatingin lang siya sa akin habang nakahalukipkip
"Ano? Tititigan mo lang ako? Tingin mo ba mabubusog ako kung titingin ka lang sa'kin hanggang mamaya?"
"Ang ingay mo" reklamo niya at bigla na lamang akong binuhat upang isakay sa kotse
"Hoy! Ibaba mo ako bitaw!"
"Kapag binitiwan kita baka mawala ka pa" mahinang bulong nito
"Anong sabi mo?"
"Nevermind"
"Bagay sayo"
"Alin? I-ikaw? Bagay ka sa'kin? Huy hindi tayo bagay ano ka ba" namumulang saad ko sa kanya
"What i mean was the dress you're wearing right now?"
Basag!
"H-ha? Ahhh yung dress ba? Ahh ano kasi ano hmm salamat nalang sa lahat hehe" itinikom ko nalang ang bibig ko at hindi na nagsalita pa dahil baka kung ano na naman ang masabi ko na ikapapahiya ko
Pero mga beshy sa daldal kong 'to hindi ko mapigilang hindi magsalita dahil sayang naman ang làway ko.
"Wala ka bang balak umuwi sa United Kingdom?"
"Pinapauwi mo na ba ako?" Malamig na tanong nito
"Hindi naman sa ganoon"
"Then what?"
"Wala huwag ka na magtanong nakakairita ka" reklamo ko
Habang nasa byahe kami ay hindi nakatakas sa paningin ko ang mga street foods na nadadaanan namin
"Kuya! Itigil mo nga muna yung sasakyan"
"Okay Ma'am"
"Where's do you think you're going Elsa?"
"Elsa? Sinong Elsa?" Nagtatakang tanong ko sa kanya
Pinaningkitan ako ng mata nito bago ko narealize na Elsa nga pala ang pakilala ko sa kanya
"Ahhh ako oo ako yun hehe"
Palabas na sana ako sa kotse nang higitin ako nito pabalik sa loob
"Saan ka pupunta?"
"Sa labas nga nagugutom na ako" turo ko sa mga inihaw at iba pang itinitinda sa tabing kalsada
Kinunutan ako nito ng noo pero wala talaga akong balak magpapigil sa kanya
"Stay right here, let me open the door for you." Sambit niya sa akin
"Ang daming alam!" Singhal ko at lumabas sa kotse na mag-isa
Pagkalabas ko sa kotse ay salubong na kilay ang inabot ko kay Kiroshi
"Oh ano? Magrereklamo ka?" Pagtataray ko sa kanya at tumungo sa ihawan
"Kuya magkano isaw?"
"Lima po"
"Pati yung dugo?"
"Opo"
"Dalawa pong isaw tsaka dalawa ring dugo" ngiti ko
Nang sulyapan ko si Kiroshi ay nakangiwi ang mukha nito habang nakatayo sa gilid ko
"Ikaw? Anong gusto mo?"
"I'm planning to bring you on my Aunt's Resto but here we are buying some foods like that" bulong niya
"Hoy ikaw Kiroshi Amaris, tantanan mo ako sa kakaingles mo dahil wala akong maintindihan"
"Fine, I'll go with betamax"
Betamax? Ano yun?
"Kuya betamax nga, alam mo ba kung ano yun?"
"Dugo po ma'am"
"Ahhhh yun pala english nun? Talino mo kuya ha!"
Naiiling na nakangiti si Kiroshi sa akin na ikinapula ng pisnge ko
"Kapag ba isaw ang english non fried intestine?" Curious na tanong ko
Sarap na sarap ako sa pagkain ng inihaw habang si Kiroshi naman ay diring-diri at halos ayaw kainin yung hawak nya
"Ayaw mo?"
"Of course not"
"Parang ayaw mo e"
"It's just that i never tried eating this"
Gusto ata neto subuan ko pa siya e!
"Akin na nga"
"Anong gagawin mo?"
Hinipan ko muna yung dugo bago isawsaw sa sawsawan at itapat sa bibig niya
"Kagat"
Tinignan muna ako nito na para bang pinagsisisihan niyang kasama nya ako ngayong gabi
"Subukan mo, worth it yan." Ngiti ko sa kanya
Sa huli ay nagustuhan din naman niya at kinain ang inorder niya
Nang humupa ang gutom ko ay tinapik ko ang balikat niya
"Oh bayaran mo na, hehe wala akong pera e."
Natatawang inilabas nito ang wallet niya at kumuha ng 1k
"Keep the change" saad nito
Gago? Wala pang 100 pesos yung nabili namin.
"Magtitinda nalang din ako ng inihaw tapos bumili ka sa'kin ha? Tapos keep the change din pero dapat ang ibayad mo sa'kin 20k" ngisi ko
![](https://img.wattpad.com/cover/359601882-288-k250036.jpg)
YOU ARE READING
More Than A Dream (Amaris Series 2nd Gen Book 2)
RomansaSa bawat taong nangangarap sa mundo, ikaw ang pangarap na hindi ko inaasahang darating sa buhay ko... Sobra ka pa sa pangarap na ninanais ko sa buhay ko. Dahil bukod sa'yo ay binigyan mo ako ng regalo. Regalo na habang buhay kong mamahalin at aalaga...