"Kumapit ka"
"Okay" saad ko at kumapit sa balikat niya
"Not there"
"Saan ba kasi?!"
"Here" bulong nito at iniyakap ang kamay ko sa tiyan niya
Nanlaki ang mga mata ko nang makapa ko ang matigas nitong abs
"S-sa balikat na lang"
"Okay sabi mo e" saad nito na bigla na lamang pinaharurot yung motor niya
"Wahhhhhhh!" Tili ko at mahigpit na yumakap sa tiyan niya
"Takot ka pala e"
"Tangina mo!" Sigaw ko sa kanya
"Tell me where your house is"
"Huh?"
"Saan ang bahay mo? Ituro mo kung saan tayo dadaan"
"English english pa kasi marunong naman pala magtagalog"
"I'm not fluent"
Sa bagay... Bawat bigkas niya kasi ng salita sa tagalog ay may accent.
"Ibaba mo na lang ako diyan sa gilid ng kalsada"
"Why would i?"
"Sasakay na lang ako ng tricycle" bulong ko
"No"
"Anong No? Ako masusunod"
"I'm driving, hindi kita ibababa."
"Ah ganon? Kaninong Gas ba ang mauubos?"
"I have tons of gold and dollars, woman. Don't underestimate me" banta nito sa akin na ikinatahimik ko
Hindi na ako nagprotesta pa at hinayaan syang magmaneho hanggang sa amin
"Diyan na lang sa kanto"
"You sure?"
"Sure ako"
"Okay Ma'am"
Luh? Akalain mo yun? Tinawag akong Ma'am ng isang prinsipe? Dinyo kaya...💅🏻
"Sigurado kang diyan ka nakatira?"
"Oo nga! Sinabi na kasing magcommute nalang ako e." Nahihiyang saad ko sa kanya
"I'm just making sure that you're safe"
"O siya sige na uwi kana salamat.."
Ngiti ko at akmang papasok na sa eskinita na papasok patungo sa bahay namin"Wait"
"Ano na naman"
"May bayad yun"
May bayad????
"Ano namang bayad ha? Sinabi ko na sa'yo 'diba? Mahirap lang ako. Mas mayaman pa nga ata aso niyo kaysa sa akin e"
"Don't worry I'm sure you can afford the payment"
"Osige ano?"
"Kiss"
"Kiss? As in halik ganun?"
"Yes"
"Gago ka! Hindi pa ako nagtotoothbrush. Pwede bang bukas na lang?"
"Okay"
Namilog ang mga mata ko dahil sa sagot nitoPucha ang bilis kausap.
Pag-uwi ko sa bahay ay hindi ako makapaniwala na hinihingian ako ng halik ng isang prinsipe
Pero bakit ko ibibigay? Kapag ibinigay ko yun edi wala na akong first kiss? Kasi nakuha na niya?
Ay hindi ako papayag!
"Ang aga mo atang umuwi ate? Akala ko ba party yun?"
"Party nga"
"Eh bakit ang aga mo?" Puna nito sa akin habang ginagawa ang plates niya
Engineering student kasi ang kapatid kong lalaki na sumunod sa akin
Nagstop akong mag-aral para magtrabaho at tustusan ang pag-aaral nila ng bunso naming kapatid.
Maaga kasing kinuha ni lord sa amin si papa, habang si mama naman ay may sakit din kaya nagtrabaho na lang ako.
YOU ARE READING
More Than A Dream (Amaris Series 2nd Gen Book 2)
RomanceSa bawat taong nangangarap sa mundo, ikaw ang pangarap na hindi ko inaasahang darating sa buhay ko... Sobra ka pa sa pangarap na ninanais ko sa buhay ko. Dahil bukod sa'yo ay binigyan mo ako ng regalo. Regalo na habang buhay kong mamahalin at aalaga...