"What do you want for dinner?""Dinner? Hapunan tama?"
"Yes"
"Kahit ano basta pagkain"
Kung ako lang ang tatanungin ay gusto ko na umuwi kaso nga lang ay hindi nya pa naibibigay sa'kin yung sahod ko daw for today sa pagpapaalis niya sa akin sa palengke kanina
"We're here" saad nito at walang emosyong lumabas ng kotse
Bubuksan ko na sana ang pinto kaso nakalock ako sa loob
"Aba! Buksan mo 'to!" Sigaw ko
Nang buksan nya ang pinto ay malapad na ngisi ang sumilay sa labí nito
"Required ba talaga na ipagbukas mo ako ng pinto?"
"Yes"
Agad na umikot ang mata ko dahil sa kaartehan niya.
Kapag nanonood ako ng kdrama kinikilig ako kapag ipinagbubukas ng pinto yung bida, kapag naranasan mo na pala nakakabadtrip pala kasi feeling ko bàldado akong tao para ipagbukas nya ng pinto.
Sa dami ng inorder ni Kiroshi na pagkain ay halos hindi ko na maubos ang pagkaing nasa harapan ko
Sa tantsa ko rin kay Kiroshi ay siya yung klase ng lalaki na mahina kumain at conscious sa katawan nya
Malaki kasi ang katawan ni Kiroshi at sigurado akong nagmamartial arts sya dahil na rin sa isa siyang prinsipe
"Miss" tawag ko sa waitress
"Yes ma'am?" Nahihiyang saad nito nang makalapit sa amin ni Kiro
"May plastik kayo?"
"Plastic ma'am?"
"Oo yung plastic labo ganun"
"Anong gagawin mo sa plastic labo?" Tanong sa akin ni Kiroshi
"Hindi ko na kayang ubusin e, busog na ako. Iuuwi ko nalang sana kina mama" walang híyang saad ko
Sayang din kasi ano ba!
"Get some tupperwares" utos ni Kiroshi dito
Tumango agad yung babae bago pumasok sa loob
Agad akong yumuko ng bahagya para bumulong kay Kiro dahil sa hiya
"Huy bakit naman Tupperware pa ang nirequest mo? Nakakahiya ka" bulong ko sa kanya
"Are you shy?"
"Oo nakakahiya"
Tumawa ito habang nakatingin sa akin bago muling sumeryoso ang mukha
"Aunt Danica owned this shop"
"Aunt Danica? Ibig mong sabihin si ma'am Danica? Yung nanay ni Sir Blake??"
"Absolutely"
Napatakip ako sa bibíg ko dahil sa gulat
"Nandito ba si tita mo? I mean si ma'am Danica???"
"Why?"
"Magpapapicture lang sana ako, sabi kasi ni Rebecka sa akin ang ganda-ganda raw ni ma'am" manghang saad ko sa kanya
"You're asking to have a picture to my Aunt pero hindi ka nagpapapicture sa akin?"
"At bakit ako magpapapicture sa'yo?" Pagtataray ko sa kanya
Kahit na deep inside ay crush ko rin naman sya. Kaso mga beshy hindi kami bagay 'diba?
Nang makababa ako mula sa sasakyan nito bitbit ang eco bag na may lamang pagkain mula sa resto ni Ma'am Danica ay muntik ko pang makalimutan ang sahod ko
"You forgot your salary"
"Ay oo nga no? Buti pinaalala mo" ngiti ko at agad na bumalik sa kanya
"Here" bigay nya sa akin ng sobre
Bubuksan ko na sana nang pigilan ako nito
"Mamaya mo na buksan"
"Okay sige, babye salamat ng marami."
"I'll pick you up tomorrow morning, ready your resume." Ngumiti lang ako at bahagya siyang nilingon
Nakapamulsa siya habang nakasandal sa gilid ng kotse niya at pinapanood akong maglakad
At dahil sa katitingin ko sa kanya at nakatapak ako ng tae
"Jackpot" naiinis na saad ko at nanakbo na papasok sa eskinita
Bwisit na tae yon!
"Sino ka?!" Sigaw ng bunso kong kapatid at akmang hahampasin ako nang pigilan ko siya
"Umayos ka Jairus kapag tinamaan ako nyan malilintikan ka sa'kin"
"A-ate? Mamaaaaa si ateeee" sigaw nito at tinapik-tapik pa ang mukha ko
"Ano ba yun at nagkakaingay kayo riyan?"
"Valine? Jusko anong nangyari sa'yo?"
"Ang oa nyo!" Reklamo ko at iniabot sa kapatid kong bunso yung eco bag
"Wow!! Ang dami ate mukhang masarap pa"
Puna nito nang silipin ang laman ng eco bag"Saan ka ba galing at nagkaganyan ka? Huwag mo sabihing nagbebenta kana ng laman mo?"
"Mama naman! Hindi ako pupunta sa punto ng buhay ko para maging pokpok ano!"
"Oh e ano nga ate? Ang laki ng pinagbago ng itsura mo ate, lalo kang gumanda"
"Talaga Jemuel?" Ngiti ko at nagliwanag ang mukha dahil sa compliment nito sa akin
"Uto-uto" ngisi nito
"Pakyu!" Singhal ko sa kanya
YOU ARE READING
More Than A Dream (Amaris Series 2nd Gen Book 2)
RomanceSa bawat taong nangangarap sa mundo, ikaw ang pangarap na hindi ko inaasahang darating sa buhay ko... Sobra ka pa sa pangarap na ninanais ko sa buhay ko. Dahil bukod sa'yo ay binigyan mo ako ng regalo. Regalo na habang buhay kong mamahalin at aalaga...