Wala ang driver ni Kiroshi kaya siya ang nagdadrive ngayon habang ako naman ang nasa passenger seatSina mama naman ay nasa likuran at tila ba mga pagod na dahil pare-pareho na silang nakapikit na para bang natutulog na
"Bakit mo binayaran?" Bulong ko kay Kiroshi para hindi marinig ng pamilya ko
"No more questions" masungit na lahad nya
"Bakit nga kasi?"
"You'll shut your mouth or I'll kiss it?"
Mabilis kong naitikom ang bibig ko dahil sa banta nito
Anong pakiramdam na mahalikan ng isang prinsipe?
Pilyang tanong ko sa isip ko
"Good girl" ngisi nito habang nagmamaneho
Mama mo good girl!
Hanggang sa makauwi kami ay tahimik akong nakasandal sa bintana habang nakatingin sa kalsada
Nauna na ring pumasok sa loob sina mama dahil kanina pa raw nila pinipigil ang sarili nilang masuka habang nasa byahe
Mahina kasi sina mama sa air-conditioning na sasakyan, mahiluhin sila at mabilis masuka hindi gaya ni Jemuel na sanay na bumyahe.
"Thank you! Babayaran ko yung utang ko sayo huh?"
"You don't have to"
"Mukha mo! Babayaran ko yun sa ayaw at sa gusto mo kasi wala kang choice"
"I choose you" banat nito sa akin
Huy weg keng genyen!
Mula nang bumalik si Kiroshi sa pilipinas mula sa Uk ay napapadalas ang pagpunta nito sa bahay namin at pagsundo sa akin mula sa one on one lesson namin ni Ma'am Kei
Sa tuwing susunduin ako nito ay kumakain kami sa labas and then oorder pa siya para iuwi namin kina mama
Pakiramdam ko nga ay magnobyo kami dahil sa set up naming dalawa sa araw-araw
"Hotel nyo yung gaganapan ng anniversary ng company ni tito Maverick mo?"
"Yup"
"Sino nagmamanage nun?"
"Me"
"Ikaw?!"
"What's with that reaction? Ang oa mo"
Grabe sa oa! Epal.
"E kasi 'diba may mga business din ang family nyo sa Uk? Tapos kalat din ang business nyo sa ibang bansa then marami rin kayong properties dito sa pilipinas"
"Hmm?"
"Sobrang yaman nyo pala talaga" manghang saad ko
Nginisian lang ako nito at ikinulong sa bisig niya habang nakahiga kami sa harapang bahagi ng sasakyan nya
Pinapanood kasi namin ngayon yung mga bituin habang dinaramdam ang malamig na simoy ng hangin
Malapit na rin kasi ang pasko kaya malamig na ang ihip ng hangin
"Let's try it"
"Huh? Anong itatry natin?"
"The relationship thing" saad nya na nakatitig sa akin
"Anong ibig mong sabihin?"
"Subukan natin, be mine and I'll be yours"
"Hindi mo man lang ba ako liligawan? Conservative kaya ako" nguso ko sa kanya
Tumawa siya bago muling humiga sa tabi ko
Tawa na ngayon ko lang narinig sa kanya
"Araw-araw kitang liligawan kahit girlfriend na kita"
"Talaga?" Ngisi ko at bumango pa para silipin siya
Inunan niya ang kaliwang braso nya bago sumulyap sa akin
"Yes"
"Sabihin mo munang mahal mo ako" ngisi ko muli sa kanya
Kumunot ang noo nito habang nakatitig sa akin
"You're so demanding"
"Edi hindi ako papayag"
"I love you Valine"
Hindi ko napigilan ang malapad na ngiting kumawala sa labi ko dahil sa kilig
"Isa pa"
"I love you Valine, I love you with all my heart and soul. Ikaw lang wala ng iba kahit hindi ka maligo ng tatlong taon ikaw ka pa rin"
Kikiligin na sana ako ng sobra nang maudlot dahil sa huling katagang sinabi niya
"Tangina mo!" Singhal ko at bumaba sa sasakyan
Malakas na tawa nito ang narinig ko habang hinahabol ako dahil sa pagwalk out ko
Nang buhatin ako nito paikot na para bang isa akong disney princess ay mahigpit nya akong niyakap sa bewang ko
"Please say Yes" pagsusumamo niya
"Hmmm"
Tahimik ako nitong tinitigan at ngumuso pa na para bang isang bata na nagpapacute sa mommy niya
"Sige na nga"
"Ihhh napipilitan ka e"
"I love you Kiroshi Amaris"
Hindi sya nakapagsalita at umiwas ng tingin sa akin
Namumula rin ang tenga nito sign na kinikilig sya sa sinabi ko
Akala mo ikaw lang ang marunong magpakilig huh?
"I love you Kiroshi" pag-uulit ko
"Enough na" bulong nya
"I love you" ngisi ko
Nawala ang ngisi ko sa labi at napalitan ng gulat nag halikan nito ang labi ko
Pinanlakihan ko siya ng mata nang humiwalay ang labi niya sa labi ko
"First kiss ko yun!" Reklamo ko
"First kiss ko rin naman" ngisi niya
"Talaga?"
"Yes ma'am"
Napangiti na naman ako dahil sa isiping ako na ata ang pinaka-maswerteng pinay sa balat ng pilipinas
Nagpatuloy ang relasyon namin ni Kiroshi at legal na rin sa pamilya ko
Ilang beses na rin akong sinabihan ni Kiroshi na ipapakilala na raw nya ako sa pamilya nya bilang girlfriend nya pero ayoko
Natatakot kasi ako sa judgement lalo na at isa siyang prinsipe, isa lang akong hamak na babae na mula sa dukhàng pamilya.
Ni hindi nga ako nakatapos ng kolehiyo tapos hahangarin kong maging kabiyak ng isang prinsipeng kagaya nya?
"Why are you so quiet love?" Saad nito habang nagmamaneho siya patungo sa hotel nila
Kumapit pa siya sa hita ko at pasimpleng pinisil yun
"Wala, pagod lang" ngiti ko
"You can rest there if you want"
"Huh? Hindi okay lang ako"
Pagkarating namin sa hotel ay sinalubong kaagad kami ng maraming tao
"Hi kuya Kiro" bati ng kapatid ni Sir Blake dito
"Is she your girlfriend po?"
"She's my friend" pakilala ni Kiroshi sa akin
Alam kong bilin ko sa kanya na ipakilala nya lang ako bilang kaibigan nya pero masakit pala kapag yun lang ang alam nila.
YOU ARE READING
More Than A Dream (Amaris Series 2nd Gen Book 2)
RomanceSa bawat taong nangangarap sa mundo, ikaw ang pangarap na hindi ko inaasahang darating sa buhay ko... Sobra ka pa sa pangarap na ninanais ko sa buhay ko. Dahil bukod sa'yo ay binigyan mo ako ng regalo. Regalo na habang buhay kong mamahalin at aalaga...