"Smile baby Tylerrrr" maingay na lahad ni mama habang nakatayo sa gilid ni JairusSi Jairus ang photographer dahil na rin sa hilig nito sa photography. Buwan-buwan ay siya mismo ang nagaayos ng set up sa monthly shoot ni Tyler.
Hands on din siya sa pagtulong sa akin sa paghahanap ng susuotin ni Tyler every month or kung anong theme ang bet nito for the shoot.
"Eat bulaga!" Pagpapatawa ni Jemuel dito
Nakangiti lang ako sa gilid habang kinukunan ko sila ng behind the scene
"It's a wrap!!! Very good pangkin" tuwang-tuwa na saad ni Jemuel habang buhat ang anak ko
"Akin na nga iyan" saad ni mama at kinuha si Tyler na para bang isang manika
"Mama careful naman" reklamo ko dahil sa kaba
"Ang nanay mo paranoid ano apo ha? Seven months kana? Ang bilid ano? Huwag munang lalaki ha? Pogi-pogi ng apo ko na yan" kausap nito kay Tyler
"Ohh" tugon ni Tyler dito habang nakanguso sa lola nya
Si Tyler lang talaga ang nakakapawi ng lungkot sa pamamahay namin.
Mula kasi nang dumating si Tyler sa buhay namin ay binigyan nya ng kulay at saya ang buong bahay na nilipatan namin.
Hindi nawawala ang matatamis na halakhak ng bawat isa sa tuwing ngingiti ang anak ko
"Wow!" Biglang sambit ni Tyler habang buhat ni Jemuel
"Aba! Saan mo natutunan yan apo huh?"
Halakhak nito ang isinagot nya sa lola nya na ikinatawa naming lahat"Naku anak! Tuwang-tuwa na naman sa'yo ang lola mo" saad ko habang pinupunasan ang laway nito sa labi nya
Kasalukuyan kaming nasa mall ngayon at naglilibot dahil ngayon ang mismong araw ng ikapitong buwan ni Tyler
"Valine? Omg Valine ikaw nga! Ang ganda-ganda mo na ngayon lalo"
"Jinkie dito ka pa rin pala nagtatrabaho?"
"Oo, ikaw lang naman ang hindi loyal.. Anak mo?"
"Oo, kunin kitang ninang sa binyag huh?"
"Sure sure hindi ako tatanggi diyan. Ang gwapong bata!" Puna nito
"Pwera usog po" ngiti ko
After a year ngayon lang ulit ako nakabalik sa mall na 'to.
Marami na ring pinagbago at nadagdag na shops sa loob, dumaan kami dito sa shop para sana bumili ng bag for Jairus and Jemuel.
"At dahil ngayon ka lang ulit napadpad dito, may discount ang bibilhin nyo" kindat sa akin nito
"Naks naman salamuch!"
Gigil na gigil si Jinkie kay Tyler na tila ba gusto na nyang pisilin ang anak ko dahil sa gigil nito
Chubby at siksik kasi ang anak ko kaya sanay na kaming lagi siyang napanggigilan ng kung sino mang makita at makasalubong namin
Nagpaalam muna ako kina mama at iniwan sila sa Jollibee para magwithdraw ulit sa atm card ko para sana bilhan ng gift si mama sa pagiging hands on lola nito
Seryoso akong naglalakad pabalik matapos magwithdraw nang may makabungguan ako na hindi ko inaasahang makita ngayong araw
"Ate Valine???"
Agad akong binalot ng kaba at luminga sa paligid
"N-nicknick? K-kamusta?" Hindi komportableng tanong sa kanya
"I'm fine ate how about you? How are you? It's been a year"
"Ahhh you're right, I'm good."
"Talaga?? Do you mind eating with me? My treat"
"I think next time? May lakad kasi ako ngayon e" palusot ko dito
"Ohh okay.. see you next time ate val I missed you so much!"
"Me too"
Natatarantang saad ko at bumalik kaagad sa jollibee
Shit! Hindi kami pwedeng magkita ulit.
"M-ma tara na sa ibang mall nalang tayo huwag dito"
Hindi nila pwedeng makita si Tyler!
"Ate bakit ba tayo nagmamadali?"
Mariin akong pumikit bago sila hinarap
"Nandito si Shireyanicka"
Nanlaki ang mga mata nito at sila na mismo ang nagligpit ng mga gamit namin
"Kung nandito si Shireyanicka, hindi malabong nandito rin si Kiroshi anak"
"Kaya nga tayo nagmamadali diba ma? Diba?"
"Ehh eto na nga kumalma ka kasi at pati ako ay natataranta sa'yo e."
Sinong hindi matataranta? Nandito ang tita ng anak ko!
Papalabas na sana kami sa Jollibee nang mapatigil sa paglalakad ang pamilya ko kaya maging ako ay huminto
"Bakit kayo huminto?" Takang tanong ko habang buhat ang anak ko
"Valine" saad ng isang pamilyar na boses na nagpatayo sa balahibo ko
"K-kiro?"
"Ma-maiwan na namin kayo" saad ni mama at kinaladkad sina Jemuel
"Hoy!" Sigaw ko at akmang susunod sa kanila nang hawakan ni Kiroshi ang braso ko
"Anak ko ba yan?"
Anong anak!? Anak ko to!
"Hindi" malamig na sagot ko na hindi siya tinitignan
Hiniklat ko pa ang braso ko sa kanya bago siya tuluyang nilayasan at iniwan na nakatayo
Bigla namang umiyak si Tyler kaya nataranta akong patahanin siya
"Shhh mommy's here don't cry"
Tyler needs to drink his mommy's milk!
Hindi ko alam kung saan ako tutungo dahil dala nila mama ang gamit ni Tyler maging ang maliit na telang itinatabing ko sa sarili ko sa tuwing magpapa-bréast feed ako kay tyler sa public place
"Come with me" malamig na saad nito habang nakahawak sa balikat ko
Hindi ko na nagawang magprotesta dahil hindi ko kayang marinig ng matagal ang iyak ng anak ko
Pakiramdam ko kasi ay pati ako maiiyak kapag umiiyak siya
Nang makapasok kami sa isang vip room sa mall ay agad akong umupo sa kama at pinadede si Tyler para tumahan siya
Hindi ko na pinansin ang presensya ni Kiroshi sa paligid dahil ang mas mahalaga ay ang anak ko
YOU ARE READING
More Than A Dream (Amaris Series 2nd Gen Book 2)
RomanceSa bawat taong nangangarap sa mundo, ikaw ang pangarap na hindi ko inaasahang darating sa buhay ko... Sobra ka pa sa pangarap na ninanais ko sa buhay ko. Dahil bukod sa'yo ay binigyan mo ako ng regalo. Regalo na habang buhay kong mamahalin at aalaga...