"Where do you think you're going?" Pigil nito sa akin habang hawak ang braso ko
"Sa palengke"
"And why? Tanghaling tapat?"
"E dun ako nagtatrabaho e, pakialam mo?"
"Sa palengke?"
"Oo nga!"
Kumunot ang noo nito ay tinignan ang direksyon ng palengke bago ibalik ang atensyon sa akin
"Are you even serious?"
"Paulit-ulit tayo be? Sinabi ng oo e"
Marahan siyang tumango bago binitawan ang braso
"Let me see your workplace"
"Huh?"
"Patingin ako kung saan banda ka nakapwesto"
"Okay sige tara" mabilis na sagot ko at hinila siya
"You work here?" Manghang tanong niya habang nakahawak sa baba nya
"Oo"
Umiling siya sa akin bago ako hinila palabas sa palengke
"This is the last time you're going to work there Miss"
"Anong ibig mong sabihin? Hindi kaya ikaw ang may ari ng palengke? Tapos sisibàkin mo ako sa trabaho ko kasi hindi kita binayaran ng hàlik kagabi?"
Napasapo siya sa noo niya bago pinitik ang noo ko
"Aray!"
"Sa mall ka magtrabaho"
"Hindi naman ako pwede doon, Grade 7 lang ang natapos ko tsaka hindi ako marunong magenglish."
"I'll hire an english tutor for you"
"H-huwag" natatakot na saad ko sa kanya
"Natatakot ka ba?"
"H-hindi no"
"Hindi pala e, grab this chance now. I'll help you, just don't go back in there" turo nito sa loob ng palengke
Hindi ko man masyadong maintindihan ang sinasabi niya pero pakiramdam ko ay inaalala niya ako
Nababagay pala talaga siya maging isang prinsipe
"Let's go"
"T-teka saan tayo pupunta?"
"Come with me"
"May trabaho kaya ako!"
"Ako na bahala sa sahod mo ngayong araw" saad nito at sinenyasan ang kasama niyang nakasuot ng pormal na kasuotan
Sinundan ko pa ito ng tingin at nakitang pumasok sa loob ng palengke bago ako ipagbukas ng pinto ng prinsipe at igiya sa loob ng mamahaling kotse
Hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng kotse niya
Ito ang pangalawang beses na nakasakay ako ng kotse, ang una kasi ay noong buhay pa si papa at kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang engineer.
Sa katitingin ko ay may napindot akong kung ano kaya bumaba ang bintana
"Hala lalabas yung aircon" natatarantang saad ko at pinindot uli yung napindot ko kanina para sumara ang bintana
Nang masulyapan ko ang salamin sa may driver seat ay nakita kong nagpipigil ng tawa ang prinsipe
"Anong nakakatawa?" Tanong ko dito at tumingin sa kanya
"You"
"Ako? Nakakatawa ako?"
"Ahuh" tango nito habang nakatingin sa akin
Hmp!
Nang tumigil ang sasakyan ay bumaba kaagad ang prinsipeng katabi ko
Bubuksan ko na sana ang pinto nang bumalik siya sa loob at isara ang pinto na nasa tabi ko
"Don't go outside till i open the door for you"
Hindi ako nakaimik dahil sa lapit ng mukha nito sa mukha ko
Nang makababa siya sa kotse at umikot patungo sa pintong nasa harapan ko ay binuksan nya ang pinto nito tsaka ako pinalabas
"Anong ibig sabihin nun? Kaya ko namang pagbuksan ang sarili ko ang dami mong alam" reklamo ko nang makalabas ako
Para siyang nagulat sa sinabi ko dahil nanlalaki ang mga mata nito sa akin ngayon
"Can't you just say Thank You, Your Highness?"
"Edi salamat, kamahalan" mapang-asar na turan ko sa kanya
YOU ARE READING
More Than A Dream (Amaris Series 2nd Gen Book 2)
RomanceSa bawat taong nangangarap sa mundo, ikaw ang pangarap na hindi ko inaasahang darating sa buhay ko... Sobra ka pa sa pangarap na ninanais ko sa buhay ko. Dahil bukod sa'yo ay binigyan mo ako ng regalo. Regalo na habang buhay kong mamahalin at aalaga...