Chapter 11

71 1 0
                                    


"Tama na!" Sigaw ko at umawat kaagad sa kanila

Umawat din ang driver ni Kiroshi kaya mas napanatag ako

Sa ngayon ay ako ang may hawak kay Kiroshi habang hawak-hawak ng driver nito si Melvin

"Bakit mo sinúntok?"

Hindi siya sumagot sa akin bagkus ay masamang tingin ang ipinukol nito kay Melvin

"Yan na ba yung nanalo sa laban? Yan ba yung sinagot mo?" Nakangiting tanong nito sa akin

"Hindi"

"Ano mo siya?"

Saglit kong minasdan si Kiro bago sumagot

"Amo ko"

Ramdam ko ang bahagyang pagsulyap sa akin ni Kiro habang nakatingin ako kay Melvin

Umamo muli ang mukha ni Melvin bago tuluyang kumalma

Mabuti na lamang ay hindi niya pinatulan si Kiroshi nang suntukin siya nito

"U-umuwi kana Sir Kiroshi, ako na bahala rito."

Salubong ang kilay nito nang sulyapan ko siya

"Pauuwiin mo ako?"

"Oo"

"I won't leave till you tell me who that guy is" bulong nito sa akin habang nakaturo kay Melvin

Si Melvin ang isa sa masugid kong manliligaw, mula ata noong elementary ako ay nililigawan at hinihintay na nya akong maging ready sa relasyon.

Limang taon na ang lumipas mula nang umalis siya sa bayan namin para magtrabaho sa Baguio

"Babalik ako Valine, pagbalik ko ipagmamalaki mo ako. Kaya na kitang buhayin at pakasalan, Oo mo na lang ang kulang" huling katagang sinabi niya sa akin bago siya umalis

Dahil na rin sa tagal ng pagkawala nya ay unti-unting nawala ang nararamdaman ko sa kanya.

Hindi ko naman akalain na babalik pala talaga siya. Akala ko kasi ay may asawa't pamilya na siya doon sa Baguio.

"Valine? Have you lost your tongúe to talk?"

"Hindi mo na kailangan malaman kung sino ba siya, hindi naman nya ako sasaktan" paliwanag ko

"Are you sure?"

"Oo nga, sige na umuwi kana maraming salamat ulit" pagtataboy ko sa kanya

Mabuti na lamang at nakinig siya kaya naiwan na kami ngayon ni Melvin sa kalsada

"Ayos ka lang ba?"

"Ayos lang" ngiti nito sa akin

"Halika muna sa bahay para magamot ko 'yang sugat mo"

Mabilis siyang sumunod sa akin at akmang aakbay nang tignan ko siya ng masama

"Kailan ka pa nakauwi?" Tanong ko sa kanya habang nililinis yung sugat niya

Pumotok kasi ang gilid ng labi niya dahil sa lakas ng suntok ni Kiro

"Kaninang umaga lang"

"Kanina pa 'yan pabalik-balik dito si kuya Melvin ate, nakalimutan lang namin sabihin nung umuwi kayo dito ni kuya Kiroshi"

Saad ni Jemuel habang pinapanood ako sa paglilinis ng sugat ni Melvin

"Amo lang ba talaga ng ate mo yun?"

"Hindi ko alam kuya, bilang isang lalaki kasi gaya nyo hindi normal sa'kin yung gestures ni kuya Kiroshi kay ate."

"Oo nga kuya kung ano-ano kayang ibinibigay non kay ate" sulsol pa ni Jairus

Sinamaan ko ng tingin ang mga kapatid ko bago sila pinapasok sa kwarto nila

"Kalalaking tao mga chismoso" bulong ko

"Wala na ba talaga akong pag-asa?"

"Pinagsasabi mo?" Naiilang na saad ko dahil sa titíg nito sa akin

"Valine mahal na mahal na mahal kita sobra"

"Pero iniwan mo ako"

"Dahil inisip ko yung future natin Valine, naisip ko na dapat sa oras na maging akin ka, na maging nobya kita ay may napatunayan na ako na kaya na kitang buhayin"

"E bakit kasi ganyan agad ang iniisip mo? Melvin limang taon, limang taon akong naghintay ni hindi ko nga alam kung may asawa at anak ka na ba doon sa Baguio"

"Sa tingin mo sa pagkabàliw ko sa'yo mag-aasawa ako ng iba? Valine ikaw lang ang nakikita ng puso't isip ko, ikaw lang ang hinahanap-hanap ko"

Kaunti na lang ay maniniwala at mahuhulog muli ako sa kanya

"Nililigawan kita hindi para maging nobya ko lang, nililigawan kita dahil ikaw lang ang nakikita kong mapapangasawa at magiging ina ng sampung anak ko"

Sampung anak?! E tarantado pala 'to e!

Bigla siyang tumawa at pinisil ang pisngi ko

"Biro lang, lumalaki agad butas ng ilong mo" pang-aasar nito sa akin

Napapahaba na ang kuwentuhan namin ni Melvin nang makatanggap ako ng message mula sa unknown number sa cellphone ko

"Matulog ka na, maaga ka pa bukas."

Kumunot ang noo ko bago ko sinulyapan si Melvin

"Ahh Melvin pwede bang bukas na lang ulit tayo mag-usap? Maaga pa kasi trabaho ko e"

"Oo naman basta bukas ah? Miss na miss na kasi talaga kita e"

"Oo promise"

Pagkaalis ni Melvin ay muling tumunog ang cellphone ko kaya binasa ko ang mensahe dito

"Good girl"

Natataranta akong lumabas ng bahay para icheck kung may iba pa bang tao sa labas pero wala na kahit isa

"Huwag ka nang lumabas mahamog na" muling mensahe nito

Pucha! Nakakatakot na huh?

More Than A Dream (Amaris Series 2nd Gen Book 2)Where stories live. Discover now