Chapter 9

76 1 0
                                    

Pagkalabas ko sa kwarto ko ay bumungad sa akin ang sandamakmak na paper bags sa sala

"Mama saan galing lahat ng paper bag sa sal-- Kiroshi?"

"Tanghali ka na naman gumising, hindi mo sinabi sa akin na may bisita ka palang darating" sermon sa akin ni mama habang pinaghahain ng almusal si Kiroshi

"Anong ginagawa mo rito?" Bulong ko sa kanya

Prente siyang nakaupo habang excited na iniintay matapos si mama sa paghahain

"Before asking me why I'm here, can you just wear you bra first?" Seryosong litanya nya sa akin

Nanlaki ang mga mata ko at kumaripas ng takbo sa kwarto ko dahil sa sinabi niya

Hindi ko naman kasi alam na pupunta sya ng ganito kaaga

Nang makalabas ako sa kwarto ko ay magkasabay na silang kumakain ni mama habang nagdadaldalan

"Ikaw Valine, bakit Elsa ang pakilala mo rito kay pogi ha?" Sita ni mama sa akin

"H-huh?" Mag-iisip pa sana ako ng palusot nang muling magsalita si mama

"Alam mo bang kung saan-saan pa siya nakarating habang ipinagtatanong kung saang lupalok ng street natin nakatira si Elsa?"

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil sa sunod-sunod na sermon ni mama sa akin

Pagkatingin ko kay Kiroshi ay nakangisi na siya sa akin ngayon na parang bata na kinampihan ng nanay niya

Nakasimangot kong tinusok ng tinidor yung hotdog na nasa platito saka ito kinagat

Nakita ko pa ang pamumula ng tainga ni Kiroshi kaya pinanlakihan ko siya ng mata na agad din namang iniiwas ang tingin sa akin

"Bakit ang dami naman nito masyado? Wala akong pambayad"

"You have to learn the proper posture first and learn how to wear formal and decent attires"

Hindi ako nakasagot sa kanya dahil hindi ko naman naintindihan gaano ang pinagsasabi niya

"Here" saad nito matapos damputin ang isang paper bag at iabot sa akin

"Anong gagawin ko riyan?"

"Maligo ka na and wear that dress inside of the bag" utos nito sa akin

Nakakaintindi naman ako kahit papaano ng basic english pero kapag malalim na at masyadong mabilis ang pagkakasalita ay hindi ko na naiintindihan

Naligo kaagad ako at nagbihis dahil nakakahiya naman kung late ako sa paga-apply ng trabaho hindi ba?

Hindi ko na rin ginulo ang buhok ko matapos kong suklayin dahil sinabi rin naman ng staffs sa salon na dapat ko lang daw ituloy yung paggamit ng shampoo at conditioner na ibinigay nila sa akin

Nagpulbo lang din ako at liptint para maging presentable dahil hindi naman ako sanay at marunong magmake up

"Wear this one" utos na naman nya at inilabas ang isang kahon mula sa isa pang paper bag na nakahilera sa sala

"Ano na naman yan?"

"Doll shoes, i know you don't know how to wear heels yet." Ngiti nito sa akin

Tanginang ngiti yan. Ang gwapo!

Mamahalin, hahalikan, pakakasalan, paglilingkuran, luluhuran.

"You're hired"

Napakurap-kurap ako nang sabihin yun ng naginterview sa akin

"T-talaga po? I'm hired? I-ibig sabihin may trabaho na ako tama po?"

"Yes ma'am"

Eh bakit tinatawag akong ma'am??

"Shit! Salamat ma'am salamat ng marami hulog na ng langit" pagpapasalamat ko habang yakap-yakap sya

"You may start your work tomorrow ma'am, anong shift po ba ang gusto ninyo? Morning or afternoon?"

"Ano yung ship? Ibig mo bang sabihin na ship yung barko ganoon?"

"P-po?" Nalilitong saad nito sa akin

"Shift, she's talking about kung anong mas gusto mong oras ng trabaho. It's either umaga o hapon" paliwanag ni Kiroshi na animo'y nanggaling sa kung saan

"Ahh ayun ba yun? Sige pang-umaga na lang ang kukunin ko" ngiti ko sa kanya

Tumango yung babae bago i-type sa laptop yung schedule ko bago kami iniwan ni Kiroshi

"Ang galing naman tanggap kaagad ako sa trabaho. Senior high school graduate ang qualified kapag sales lady 'diba?" Nagtatakang tanong ko sa kanya

"Yes"

"Eh grade 7 lang natapos ko e"
Nguso ko

"Sabihin mo lang kung ayaw mo magtrabaho dito sasabihin ko sa kan-"

"Gusto ko, gustong-gusto hehe" awat ko sa kanya habang nakatakip ang kamay ko sa bibig niya

"Naghugas ka ba ng kamay kanina?"

"Bakit?"

"Amoy Tuyo" reklamo niya

Agad kong inalis sa bibig nito ang kamay ko dahil sa hiya

"Saan pa tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya dahil pagkagaling namin sa mall kung saan ako magtatrabaho ay agad din kaming umalis

"May kailangan pa akong asikasuhin"

"Eh bakit kailangang kasama pa ako?"

"Because that is for you" dugtong niya

Para sa akin?

"Crush mo siguro ako kaya ka ganyan" proud na saad ko at inayos pa ang upo ko

"You're not my type"

Ay gago? Ipahiya raw ako.

"Ay hindi ba? Sorry na assumera lang" pagpapakalma ko sa sarili ko

Seryoso pa rin ang mukha nito at hindi ako iniimik

"Eh bakit mo'ko tinutulungan?"

"Naaawa ako sa'yo"

Awa? Awa lang pala lahat, bakit kasi ako nagaassume? Malamang prinsipe siya. Tungkulin niyang tumulong sa mga dukhang kagaya ko

Sa huli ay nanahimik nalang ako dahil pakiramdam ko ay napakababa kong tao para hangarin ang lalaking kagaya nya.

More Than A Dream (Amaris Series 2nd Gen Book 2)Where stories live. Discover now