CHAPTER 1: CASE I - THE MYSTERIOUS DEATH OF MERMAID

146 29 3
                                    

Case 1: The Mysterious Death of
Mermaid (The School-Shooting
Chapter, Part One)

ROSALINDA

Dalawang linggo na ang lumipas, ngunit hindi ko pa rin matandaan ang nalimutan kong gawin. Pilit kong inaalala kung ano 'yon, pero kahit anong gawin ko, blangko ang isipan ko. Napabuga na lang ako ng hangin at napag-isipang mag-cellphone.

As I always do, I took my phone and started scrolling on my Facebook homepage. Habang nag-scroll, nakuha ang aking atensyon ng isang mensahe mula sa Messenger app.

Annoying Clara
12:45 PM 

Clarissa: Girl! I found
Clark's and Ajax's Facebook,
IG, and Twitter accounts!

Napakunot ang noo ko. This girl… she's obsessed with these two men who barely know her. I don't know if they even care about her existence at all.

Clarissa: Ang gwapo nila!
Para akong mahihimatay dito
kaka-stalk. But… I noticed Clark
doesn’t post many pictures of
himself; mostly, he posts about
nature and food.

Why is she sharing this with me? Whatever, I'll just chat along.

Clarissa: And you know what,
baby girl? Ajax accepted my
friend request and followed me
back on IG and Twitter!!!!

Wala akong ganang mag-type.

Me: So? What happened next?

Agad siyang nag-reply.

Clarissa: So, ayun nga,
nag-stalk ako kay Ajax,
and guess what I saw! 👀

Umirap ako. Guess what I saw, huh? Parang alam ko na kung saan aabot ang usapang 'to.

Me: Alright, you probably
saw a six-pack of abs, some
model poses, and a bunch
of thirst traps?

Judging by how he acts, it’s obvious he'd post thirst traps on his accounts.

Clarissa: Bat' mo alam, girl?
Nag-stalk ka rin noh?

Me: I'd rather dive on lava
than stalk that creep.

Clarissa: HAHAHAHA!

Napatingin ako sa isang lalaking naglalakad papunta sa table habang may dalang papel. Siya ang bagong student council president ng school, at ngumiti siya mula tainga hanggang tainga.

May event ba o activity sa school o sa labas ng school na mangyayari ngayong linggo o sa susunod na linggo?

Napalunok siya bago nagsalita. "It seems that everyone in this class isn't here yet. May I know who the president of this class is?"

Ang class president namin ay nagtaas ng kamay, nahihiyang nakangiti. Halatang may crush siya sa lalaking iyon. Ano kaya ang nakita niya sa lalaking ito na nagustuhan niya? I really can’t help but get curious about people who crush or fall in love with someone they barely know.

It's just so stupid to me.

"Yes, Love—I mean Michael." Napakagat siya ng labi at mabilis na nagtago sa likod ng aming vice president na nakapikit, pilit na hindi tumatawa.

Samantalang ako’y kinilabutan sa sinabi niya. I can't take this anymore!

Love.

Anong klase ng serbisyo ang ibinibigay ng love para mag-react sila na parang may mga paru-paro na sumasayaw sa tiyan nila? Para bang paraiso sa kanila ang makaramdam ng chemical reaction mula sa ibang tao. Samantalang ako? It’s a curse. Bakit? Nakikita ko ang love bilang pang-abala sa sariling pagkatao at dahil dito, kailangan kong umasa sa ibang tao na dapat ay ako ang umaasa sa sarili ko. I find it undesirable.

Erudition of Doyle: Volume OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon