CHAPTER 37: CASE VIII - THE MYSTERIOUS FRIENDS OF LITTLE SLYVIA

51 8 0
                                        

Case 8: The Mysterious Friends
of Little Slyvia (The Inspiration 
of Author Chapter, Part Two)

ROSALINDA

Wala na akong nahanap na impormasyon maliban sa larawang iyon. I can't accept the fact that they have a picture together. It's impossible that they don't know each other; the picture is already evidence. The picture is way too genuine to be edited. I have a little theory in my mind that I hope is not true. But staring at myself right now in the mirror, I guess there are no questions left—no wonder why.

Matagal akong nakatitig sa salamin. Napapikit ako saka napahilamos ng mukha. Hindi ako nakatulog ng maayos. Kahit anong pilit ko ay hindi ko magawang matulog—maraming bumabagabag sa isipan ko na siyang pumipigil sa'king makatulog. If my theory is correct, I still hope that it is not. I don’t think I can accept it. Napabuga ako ng malalim na hangin saka dinakma ang bag na nakalagay sa'king single-seater sofa.

Narating ko na ang eskwelahan, at gaya ng dati ay tahimik akong naglalakad papasok ng gate habang ang iba ay may kasamang mga kaibigan. Agad akong tumungo sa clubroom; wala namang pasok dahil festival club week ngayon, kaya malaya kaming gawin ang gusto namin, as long as it's not dangerous.

Napatingin ako sa stage ng gym nang makita ko ang mga taong nagdidisenyo ng kabuuan ng stage. Nakalagay sa gitna ang “Mathematica Quiz.” Habang nilibot ko ang tingin sa gym ay natanaw ko si Dmitriy, kaya naman napakunot ang noo ko. He's wearing the school's uniform. Base sa uniporme niya, kulay pulang blazer, black polo, at slacks. Habang kulay puti ang I.D. niya. Based on the color of his outfit, isa siyang college student. Dito pala siya nag-aaral?

"Dmitriy!" tawag ko sa kaniya, at siya nama'y masayang lumingon sa akin. Agad itong tumakbo papunta sa'kin. "Hindi mo sinabi na dito ka pala nag-aaral."

He chuckled. "Why so surprised?" Medyo nanlaki ang mga mata niya nang may naalala siya at may kinuha siya mula sa kaniyang bulsa: isang bar ng tsokolate, brand na Theo & Philo. This is my first time seeing this kind of chocolate. Nakalagay sa magandang disenyong wrapper na milk chocolate ang flavor nito. "This is for ya, only for ya! Balak ko sanang ibigay sa'yo ito mamayang recess but, nah."

Wala na akong nagawa kundi tanggapin iyon. "Salamat," pagpasalamat ko saka tipid na ngumiti.

"Smile more," he suggested with a genuine, soft smile. "Ya look more beautiful when ya smile." I couldn't help but flush a little. "Ain't no problem. Alright, I'm headin' back—still gotta help 'em with the designin'." He waved off and hurried back to help them.

Pagkaapak ko pa lang sa loob ng clubroom ay automatikong tumakbo si Harriet patungo sa kinatatayuan ko. Agad siyang napatingin sa bag kong bitbit. "Dala mo ang pinapadala ko sa'yo?" tanong niya, at ako'y tumango bilang sagot, na ikinangiti niya.

"Yes!" Masigla niyang sabi saka pumapalakpak pa.

Hindi na kami nagsayang ng oras at pinagpatuloy ang pagdidisenyo ng room. Hindi ko mapigilang mapangiti nang napapansin kong sobrang sagana si Harriet sa kaniyang ginagawa. She's enjoying our little event too much.

Inilabas ko ang mga mamahaling kurtina na dala ko. I changed the curtains of our room. Mabuti na lang talaga na malaki-laki ang espasyo ng aming clubroom, para hindi pa kami hihiram ng ibang room o gagamitin ang gym para sa event namin.

"You guys are early," wika ni Doyle. Sabay pa kaming napatingin ni Harriet sa kaniya. Nasa likuran niya sina Raleigh at Clark. "Kaya pala inagaw mo kay Clark kahapon ang susi," dagdag niya habang nakatingin kay Harriet.

"Ang tagal niyo kasi dumating. We should finish decorating our room so we can start our event. I think we can finish decorating shortly." Siya'y bumaba mula sa pagkakatayo sa upuan at nilapitan ang tatlo. "How about you guys decide who’s inviting or finding an audience for our dear event?" she suggested.

Erudition of Doyle: Volume One Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon