CHAPTER 26: CASE VI - THE HORRIFYING ADMIRERS

82 11 0
                                        

Case 6: The Horrifying
Admirers (The Disturbing Short
Message Chapter, Part One)

ROSALINDA

A man who is the mastermind behind the unexplainable deaths of countless victims, known as 'Satan,' has finally been caught by the Philippine Metropolitan Police. However, according to the police, he is not the one who burned the NCCC mall in Bayani City...

I couldn’t help but keep glancing at the TV because of the news. Clarissa, who was having dinner with me here at my condo, stopped eating.

Clarissa shivered and whispered, “Satan? What a creepy name.”

Hindi na ako nagbigay ng opinyon; nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Napatingin ako sa mainit na kape sa tabi niya. Tanghaling tapat pero nagkakape, parte na talaga ito sa routine ko, hi di mabuburo ang araw ko kapag hindi makainom ng kape tuwing tanghali.

“Siya nga pala, Rosa,” tawag niya para makuha ang atensyon ko. “I heard from Sir Frederick na Mystery Seekers Club pala ang club mo, hindi Literature Club?” tanong niya, naghahanap ng paliwanag. “Hindi ba’t sinabi mo sa akin na sumali ka sa Literature Club? At hindi ba’t banned na ‘yang club na ‘yon?” Sunod-sunod ang tanong niya, halatang naguguluhan sa ekspresyon niya ngayon.

Tumayo ako, na ikinagulat ni Clarissa. "Can you leave now, Clarissa? I have some business to attend to."

“Eh?” napaisip siya. “As in, ngayon na?” Tumango ako. Napabuntong-hininga siya, ngumiti, at sabi, “Sige, tatapusin ko lang ang pagkain, tapos aalis na ako.”

*****

Naglalakad ako ngayon sa loob ng marangyang villa kung saan naninirahan si Doyle at ang kanyang pamilya. Ayon sa ama niya, bumalik siya sa bahay at gusto niyang pumunta ako sa kanilang mansyon. Tinanong ko kung kasama ko ba ngayon ang ama ko o buhay pa siya, pero hindi niya sinagot.

Pagdating ko sa mansyon, agad akong sinalubong ng butler at pinapasok. Sinabi nito na pupunta ako sa sala dahil naghihintay si Doyle doon. Dumiretso ako, at nakita ko si Doyle nakahiga sa sofa, nakabaliktad ang upo. Nasa likuran ng upuan ang kanyang mga paa, nakasandal naman ang likod, at ang ulo ay nakapatong sa paa ng upuan. Nakatuon siya sa binabasang libro, hindi nako napapansin.

“Anak,” nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang medyo malalim ngunit napakatamis na boses. Napalingon ako, at doon ko siya nakita, nakangiting naglalakad papalapit sa akin.

“I’m glad to see you safe… very safe.”

Wala siyang suot na pang-itaas, ngunit natatakpan ang kanyang tiyan ng mga bandage na mahigpit na nakabalot. I could only assume he came from a death-dealing operation, one meant to remove the bomb inside his stomach.

Seeing him smile as he walked toward me, hearing him call my name, made my heart weak… yet strangely happy.

Mabilis akong tumakbo at itinapon ang sarili ko sa kaniya. He grunted as I hugged him tightly, then ran his fingers through my hair. I couldn’t help but feel warm inside.

“What a happy reunion,” malamyang wika ni Doyle habang inaayos ang kanyang pagkakaupo. Humikab muna siya bago nagpatuloy. “Now that you’re finally together, can you guys leave now? I want peace in this mansion, especially since I’m alone today. My parents and adopted older brother aren’t here—”

Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil sa ginawa ko. Wala naman akong ibang ginawa kundi yakapin siya. Hindi ko rin alam kung bakit, but maybe I was just relieved that he’s alive and well.

Erudition of Doyle: Volume One Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon