2- Encounter

4.1K 87 1
                                    

CK'S POV

Going ahead to the Vergara Medical Hospital again. After a year. Isang linggo din akong pinagpahinga ni Papa sa bahay bago nya ko ulit payagang pumasok sa VMH.

Which is good naman dahil nagkaroon ako kahit papaano ng time para sa mga pamangkin ko. Inilaan ko ang buong oras ko para sa kanilang tatlo. Ako ang nagsilbing taga hatid sundo kina Andrei na grade 1 at Andrea na nasa nursery, kasama ko si Karl para sama sama kaming naglilibot sa hapon.

And now I'm wearing my hospital suit. With my stethoscope around my neck. Walking inside the hospital. The other staff are greated me and welcome me back.

"Good morning Doc. Vergara" bati ng head nurse na si Nurse Bea

"Nurse Bea, it's CK po. Too old for Doc. Vergara. I feel like my father when you call me that haha. By the way good morning din po"

Mas prepare kase akong tawagin sa initials ng pangalan ko. Kaysa sa apelido ko. Though minsan hindi nakakalusot pero kapag nasa paligid si Papa mas gusto ko na tinatawag akong CK or Cath, but not my second name.

"Sus, wala naman po dito si Doc. Vergara eh"

"Kahit na po. Sige po mauna na po ako, hanap na po ako ni Papa ehh"

"Osya sige sige. Welcome back ulit"

"Salamat po"

Nagtuloy tuloy na ko papuntang meeting room dahil nandoon daw si papa kasama ang parents ni Miss Robles.

I knock first before I enter the room. Nandoon na nga sila at may pinag uusapang mahalaga dahil seryoso ang mga mukha nila.

And a smile on my father's face came up when he saw me.

"Good morning Pa" bati ko. Pang gabi kase ang duty nya ngayon at hindi pa sya nakaka uwi ng bahay

"Good morning hija, they are the parents of Jhairene. Mrs. And Mr. Robles. Mr. And Mrs. Robles this is my daughter Ck." Pagpapakilala ni papa sa aming tatlo.

I slightly bow my head to give respect. Inilahad ko rin ang kamay ko "good morning Mr. And Mrs. Robles"

"Nice meeting you Doc. Vergara" bati ni Mr. Robles

"Doc. Ck nalang po or Doc. Cath" turan ko pa.

"Haha, ayaw kase nya na nagpapatawag sa Apilido namin lalo na kapag magkasama kame, kase akala namin minsan kami ang kina kausap tapos hindi pala. Kaya kapag magkasama kami sa isang Place they call her by her name" paliwanag naman ni Papa sa kanila.

"Ow sorry" hinging paumanhin naman nito

"It's okay po."

"Maupo ka na hija at ng makapag umpisa na tayo"

Sinunod ko ang utos ni Papa at naupo ako sa kabilang side nya.

They discuss the situation of Miss Robles again. At mataman lang akong nakikinig.

May ibinigay din si Papa na copy about her situation at sinusundan ko iyon ng basa sa aking mga mata.

Simula sa mga test results niya ng mga nakaraang taon na unti unti ng umaayos kahit na pa kailangan talaga ng operation Hanggang sa nangyari sa kanya nitong July na nagpalala ng kalagayan nya na naging dahilan ng pagtira nya dito sa Hospital ng halos tatlong buwan na ngayong October.

"So what will happen doc?" Tanong ni Mrs. Robles.

"Kung mapapansin nyo kaya natin hinintay si Doc CK dito ay dahil magiging kabahagi sya ng pag uusap nating ito. For 20 years na ako ang naging doktor ni Jhai napalapit na rin ako sa Batang yon. Sa tuwing pupunta sya dito mag isa for check up kung anu ano ang dala nyang food"

Let MeWhere stories live. Discover now