13- Movies

2.8K 65 2
                                    

CK'S POV

Laking pasalamat ko dahil hindi sya nagalit. Akala ko talaga katapusan ko.

Or ako ang maging cause ng paglala ng kalagayan nya. Buti nalang at naunawaan naman nya.

Nandito pa rin ako sa kwarto nya at nakaka dalawang movie na kami. Pangatlo na tong pinapanood namin na romantic comedy movie.

Hindi naman Basta basta ang pagsalang ko ng movie. Hanggat maaari ay yung mga makakatulong pa rin sa kanya. Hindi masyadong emosyonal at hindi rin naman nakakagulat.

Sya rin naman ang nag request na romantic comedy nalang din ang panoorin namin.

Nagpadeliver na rin ako ng food para may makain kami habang nanonood. Basta ako ang tinira ko ay ang carbonara na gawa ni tita.

Speaking of tita. Tumawag sya kanina at kinakamusta kung Hindi pa naiinip si Jhai.

Sinabi naman nito na nanonood kami kaya naging kampante ang kanyang mommy. Pinag pahinga na rin muna nya ito para makabawi ng lakas.

"Baka may gagawin ka pa ahh" pang ilang tanong na rin nya to.

Naninigurado sya mula kanina.

"Wala nga haha, enjoy nalang natin tong movie."

"Gutom, hindi ka nagugutom?"

"Hindi rin po. Kauubos ko lang nung carbonara. Ako nga lang ata ang naka ubos ehh. Ako lang talaga dahil hindi naman kita nakitang kumain non"

"Naka aparte yung sakin kanina. Iyo talaga yan. Diba nasabi mo nung nakaraan na favorite mo yan? And nasabi ni mommy na igagawa ka nya?"

"Yeah I remember"

"So wala ka ng kailangan?"

"Haha, Hindi ba dapat ikaw ang tinatanong ko nyan? Ikaw ang may sakit sa ating dalawa ehh"

"Pero bisita kita dito"

"Ano laging sinasabi ng mga matatanda kapag nasa bahay nila ang kaibigan ng anak?" Tanong ko

"Feel at home?"

"Exactly!, ako bahala okay? You don't need to worry about me. Ako ang doktor sa ating dalawa kaya hayaan mo na alagaan kita sa paraang alam ko"

Bilang doktor nga lang ba? Knowing na may hidden agenda pa ko.

"Yun nga ehh. Doktor ka hindi ka yaya ko or care giver na nag aalaga ng may sakit"

"Ikaw lang naman nag iisip nyan ehh. You said diba? You treat me like your friend? So inaalagaan kita as my friend too. Gaya ng ginagawa ng tatlo mong kaibigan di'ba?"

Hindi ko alam pero sa tuwing nababanggit ang salitang friend ay parang dinadaganan ng mabigat na bagay ang puso ko.

Mahirap tanggapin pero parang ganoon na nga.

"And thank you for that"

"Lagi ka nalang din akong pinasasalamatan."

"Eh yun lang naman din ang alam kong sabihin ehh"

Dahil sa pag uusap namin hindi na namin alam kung ano na ang nangyari sa pinapanood namin. Kumpara kase kanina ay hindi kami masyadong nag uusap. Naka focus kami pareho sa pinapanood namin.

Gagalaw man ako, saglit para lang abutan sya ng pagkain pero naka tuon pa rin ang atensyon namin sa pinapanood. Unlike ngayon na medyo humaba ang pag uusap namin.

Habang nag uusap kami ay may biglang kumatok sa kwarto nya. Akala ko si Tita. Pero natanawan namin ay isang babae.

"Coleen!?" Gulat na wika ni Jhai

Let MeWhere stories live. Discover now