CK'S POV
Two days ang pinalipas ko. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Dumiretcho ako dito sa condo ko sa Manila pero hindi ako lumabas ng kwarto.
Wala man akong ganang kumain, sinusubukan ko pa rin dahil ayaw ko naman na magkasakit.
Tambak na nga ng tira tirang pagkain dito ehh.
Namimiss ko na si Jhai ng sobra. Dalawang araw ko na rin syang hindi nakikita. Wala din sya g update sa social media kung napapano na ba sya.
Hindi ko rin kase nirereplyan ang mga nagtatangkang mag chat sa akin. Wala akong panahon para makipag usap sa kanila.
Susuko na ba talaga ko? 19 days bago birthday nya. Gusto ko na syang puntahan. Gusto kong magmakaawa sa kanya. Pero magmumukha lang akong desperada pag nagkataon.
Maya maya ay may nag doorbell. Wala naman akong inaasahan na food na darating. Wala naman din akong iniutos sa baba at higit sa lahat Wala namang nakaka alam na nandito ako.
Pagbukas ko ay bumungad sa akin si Doc. Mauie, sya lang mag isa at halatang katatapos nya lang sa duty.
"Sabi na nandito ka ehh"
"Paano mo nalamang--?" Nagtatakang tanong ko
"Hindi lang tayo magtatrabaho, hindi lang din ako trabahador sa hospital na pag aari nyo. Kaibigan mo rin ako."
"Anong sadya mo dito?"
"Yang puso mo"
"Huh?"
"Papasukin mo muna kaya ako no"
"Sorry, tuloy ka"
"Akala ko ba Doc eh tinutulungan mo lang si Jhai? Anyare?"
"Sinong nagsabi sayo?"
"Hinahanap ka ni Jhai sa aming apat, kahapon pa. Kinukulit nya kami kung saan ka pwedeng makita. Ang sabi mo sa kanya magpapaka layu layo ka. Kaya yun ang paniniwala nila. Pero alam ko na dito ka lang magkukulong."
"Bakit daw?"
"Ewan, walang paliwanag. Pero alam ko kung bakit. Pansin ko naman sa mga kilos mo. Kaya babalik ko sayo ang tanong. Bakit?"
"Sa kanya pinana ni kupido ehh"
"Corny mo"
"Tignan mo to, akala ko ba kaibigan kita?"
"Oo nga. Pero hindi pala bagay sayo magpabebe haha."
"Anong plano mo? Anong plano nya?"
"Hindi ko sya nakumbinsi na mag take ng surgery ehh. Akala ko noong una sapat na yung pagmamahal na ipapakita ko para magbago isip nya. Mukhang hindi pa rin pala"
"Pinakinggan mo na ba paliwanag nya?"
"Same lang din naman ang dahilan nya ehh. Pagod na daw sya at ayaw nya ng masaktan pa lalo ang parents nya" malungkot na wika ko
Bumalik nanaman sa akin lahat ng nangyari that night. Kung paano nadurog ang puso ko dahil sa kanya.
"Mahirap nga yan. Kamusta ka naman dito, natutulog ka pa ba? Laki ng eye bags mo ah"
"Kakaiyak"
"Hindi mo tanggap?"
Umiling lang ako. Tumayo sya at lumapit sa akin. Nang yakapin nya ko ay doon muling bumuhos ang luha ko.
"Tama na ang pag iyak. Ramdam kita. Pero kailangan nating magpakatatag. Buti nga sayo isang sakitan lang ehh. Ako? Ilang taon na kong umaasa na mahalin din ako ng taong mahal ko"