CK'S POV
Next day ay maaga akong nagising dahil ngayong araw ay ang paf alis namin ni Jhai.
At first pupunta muna kami ng Bulacan. Sa Philippine arena exact dahil doon lang may Candy land na na search ko hehe.
Then deretcho kami sa Batangas alam kong magiging nakakapagod ang byahe, pero para kay Jhai kakayanin lahat.
Nasabihan na din ako ni tita all na set na, naipag impake na nya si Jhai gaya ng plano.
I want to surprise her, kaya kahit hindi pa sumisikat si haring araw na an the way na ko sa bahay nila. Hindi ko alam kung ilang araw, linggo or buwan kaming nasa beach house. Hanggat siguro hindi sya nagsasawa na kasama ako ay hindi kami uuwi. Charot.
November na pala. Malapit na ang Christmas at bagong taon at alam kong uuwi at uuwi sya para makasama ang parents nya.
Kaya habang kasama ko sya ay susulitin ko na ang oras na magkasama kaming dalawa.
When I parked my car near at Robles house, agad akong pinapasok ng katiwala nila. He recognized me at tita told him na darating daw ako ngayong umaga.
Sinamahan nya rin ako papasok ng bahay ng mga Robles at iniwan lang ako sa may bandang sala.
"Good morning po tita" bati ko pagkakita ko sa mommy ni Jhai.
"Magandang umaga din naman sayo Hija. Hindi ko expect na ganito ka kaaga pupunta eh."
"Ayos lang po yun tita. Gising na po ba sya?"
"Hindi pa. Ikaw na lang ang manggising sa kanya. Nasa second floor ang kwarto nya. Pangalawang kwarto sa kanan."
Napakamot naman ako sa aking batok at nag aalangan na sundin ang utos nya.
"Feel at home hija. Welcome ka naman dito anytime. Sige na habang nireready ko yung almusal nyo."
"Ay huwag na po tita. Mag ddrive thru nalang po kami. Para hindi na po kayo maabala pa."
"Magpapakulo nalang ako ng pasta. May tira pang sauce ng Carbonara sa ref eh. Initin ko nalang. Para may makain kayo sa byahe"
"Ayy sige po"
Carbonara na yon ehh. Tatanggihan ko pa ba? Charot.
Umakyat na ko sa ikalawang palapag ng bahay nila. Maganda ang pagkaka interior design nito.
Pagsapit sa kwarto ni Jhai ay kumatok muna ko, nagbabaka sakali na gising na sya. Nang walang sumagot ay pumasok nalang ako.
Doon ay naabutan ko syang mahimbing pa sa kanyang pagkakatulog, yakap ang wolf stuffed toy na bigay ko sa kanya.
Lumapit ako ng dahan dahan at iniiwasan na makagawa ng anumang ingay para hindi sya mabigla ng gising.
Prepared na nga ang maleta nya sa dulo ng kanyang kwarto..
Pinagmasdan ko muna ang mukha nya. Bihira ko lang syang maabutang natutulog sa tuwing dadalaw ako sa kanya sa hospital.
Ngayon nalang ulit kaya pinagsawa ko na ang sarili ko na pagmasdan sya bago ko sya tuluyang gisingin.
Ang ganda nya talaga. Walang halong biro. Wala pa syang make up sa lagay na yan ah pero nag uumapaw na sya sa visuals.
Pinagmasdan ko rin ang buong paligid. Andaming frame na nakasabit sa dingding
Mga larawan nya, at mga larawang kinunan nya. Mga medalyang nakuha nya at mga certificate na natanggap nya.
Beauty and brains.
