1- Flashback

5.6K 74 3
                                    

JHAI'S POV

Isa? Dalawa? Mag tatatlong buwan na akong nakahilata dito sa loob ng hospital room. Higa, upo, at ihi lang nahagawa ko dito sa palibot ng kwarto. Hindi ako pwedeng mapagod dahil sa kundisyon ko.

Hindi naman sya malala dati. Nagagawa ko pa rin naman lahat ng gusto kong gawin kahit na may limit. Nakaka punta ako sa lugar na gusto ko.

Ngayon wala. Nawawalan na ko ng pag asa na makakalabas pa ulit ako dito pagkatapos ng nangyari sa akin dalawang buwan ang nakakaraan.

Bumalik muli sa ala ala ko ang mga naganap noong July.

Flashback...

"Mom, sama po ako kina Aj ah."

"Saan kayo pupunta?"

" Malapit lang po, may magandang spot daw po kase doon and I don't want to miss that also"

"Osya sige mag iingat ka. Alam mo naman na bawal kang magpagod"

"Opo mom. Salamat po"

Sinundo naman ako nila Aj kasama si Jazz at Bianca, sila ang mga naging kaibigan ko noong college. Alam din nila ang kondisyon ko. Imbis na iwasan nalang ako para hindi ako makasagabal sa kanila ay kinaibigan pa nila ko.

Nagtungo kami sa isang lugar sa may Laguna. I didn't expect na dito kami pupunta. It was my province on the father's side pero malayo sa pinuntahan namin.

Isa iyong liblib na lugar at tama ang sinabi nila na magaganda nga ang tanawin dito.

"Paano nyo nalaman tong place na to?"

"Si Daddy noong isang araw nabanggit nya na may hidden spot nga daw dito. Sinabi nya yun sa kuya kong Architect dahil naghahanap nya ng good spot for landscaping." Sagot naman ni Aj.

"Ahh okay okay. Malapit na ba tayo?"

"Sabi dito sa Map, malapit na onting kembot nalang."

"Whoahh! Ang ganda." Napadako naman ang tingin ko sa tinitignan ni Bianca na nasa tabi ko. Maging ako ay namangha.

Pagdating namin sa spot ay mas lalo akong namangha dahil sobrang ganda ng lugar at may falls din.

"See ang ganda diba?"

"Yeah hindi ako nagsisi na sumama ako dito."

"So tara na ikutin na natin ang paligid"

Ilang oras din kami nag iikot. Nakakaramdam na rin ako ng pagod pero ipinagbale wala ko lang. Mas nag enjoy ako sa ganda ng paligid kaya ipinagsawalang bahala ko na kung mapagod ako o hindi.

Marami din akong nakuhanan ng picture mga hayop gubat na clueless sa mga nagaganap dito sa tahanan nila.

Nang maramdaman ko ng hindi ko na kaya ay naupo ako saglit sa isang malaking bato. Ayaw kong sabihin sa tatlo dahil baka mag alala sila at mauwi kami ng maaga sa bahay. At baka masira ko pa ang kasiyahan ng iba.

Naiwan nila ko dahil sa ginawa ko. Hindi nila napansin na hindi na ko naka sunod sa kanila. Lalong naninikip ang dibdib ko. Wala akong dalang tubig dahil naiwan sa kotse ni Aj.

"Shuxx, wala din ata akong dalang inhaler"

Kinalkal ko ang dala kong backpack ngunit hindi ko mahanap ang hinahanap ko. Wala run akong nadalang gamot or pain killer. Nahihirapan na kong huminga, hinahabol ko na nga eh. Masakit na rin ang dibdib ko. At ano mang oras ay bibigay na ko.

Let MeWhere stories live. Discover now