26- Deal

2.9K 65 5
                                    

CK'S POV

Sana ay pumayag sya. Hindi ko rin kase alam kung anong pumasok sa isipan ko bakit ko yun nasabi. Wala ng bawian, nasabi ko na ehh lumabas na sa bibig ko ang mga salitang yon kaya paninindigan ko na.

Alam kong wala naman syang gusto sa akin kaya panatag ako na sabihin sa kanya ito.

Gusto ko syang makasama ng matagal. At isa ito sa paraan para makumbinsi ko sya. Siguro kapag naisip nya na mas gusto pa nyang mabuhay para sa isang tao ay magbabago ang isip nya.

Nakikita ko sa mga mata nya na nag aalangan pa sya. Lalo na sa mga sinabi nya kanina. Alam ko ang pinupunto nya dahil ako man ay natatakot na sumugal.

Kapag kase lumalim na ng lumalim ang samahan namin magiging masakit sa akin yon.

"S-sige bahala na" sagot nya.

Sobrang saya ng puso ko dahil sa sagot nya. Kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil baka makahalata sya. Dahil baka matiyak nya na may gusto talaga ako sa kanya.

"Great. A good decision" ani ko nalang

"We're pretending that we are girlfriends?"

"Yup, but don't think na this is just a pretending. Think that this is real. Para hindi mo maisip na may end tong ginagawa naten"

"Ehh? Paano natin ma eend to?"

"Hindi pa nga tayo nagsisimula may end na agad?"

"Seryoso kase"

"Seryoso naman ako ehh. Wag mo muna nga sabing isipin yon. Basta enjoy natin tong bakasyon natin together. Then if sa tingin mo ay ayaw mo na? Sa tingin mo ay nagsasawa ka na sa akin? Edi let's end this."

"What if ayaw ko pa umuwi?"

"Basic, edi tuloy lang tayo. Bakit? Wait baka ikaw pala ang may gusto sa akin ahh"

"Ay wow ang hangin talaga ahh. Hanggang dito sa Batangas tumatagos."

"Haha, baka lang naman di'ba?"

"Ang kapal naman talaga"

"Joke lang ito naman. So ano? Payag ka na? Wala ng bawian?"

"Wala na."

"Okay we'll start today."

"Anong gagawin?" Nagtatakang tanong nya pa.

Napangiti naman ako. Ako din Hindi ko pa alam kung ano nga ba talaga ang mga dapat gawin. I've never been in a relationship di'ba nga?

"I don't know hahaha. Maybe we spend all time together?"

"Yun naman ang ginagawa natin ah?"

Oo nga naman. Halos araw araw kami na ang magkasama. Hanggang sa pagtulog pa nga kami pa rin ang magkasama ehh.

Minsan nauuna akong nagigising sa kanya. Kaya nagiging malaya ako na matignan sya ng malapitan.

"Hahaha in a different version syempre."

"In what way?"

"Being clingy? Touchy? Hindi yung touchy na may pagkamanyak ahh? Hindi ako ganon. Let's just say na I can hold your hand in public places. Nagagawa kitang akbayan. Leaning in my shoulder or baliktad. Mga ganong bagay. Basta yung mga ginagawa ba ng mga talagang mag jowa."

"Okay, basta walang magagalit"

"Tatay mo magagalit"

"Malamang yun. Nanghahabol pa yun ng itak"

"Huy, mukhang ako ata ang aatras ah?" Pagbibiro ko. Though alam naman na din ni tita ang tungkol sa nararamdaman ko sa anak nya.

Yun nga lang ay hindi ko pa ito nasasabi kay tito. Tingin ko naman alam na nya. Tingin ko naman nasabi na ni tita kay tito ang tungkol dito.

Let MeWhere stories live. Discover now