6- Friends

3.2K 55 6
                                    

JHAI'S POV

Halos araw araw nga ay tumatambay sa kwarto ko si Doc. Ck. Nakakapag kwentuhan kami ng mga bagay bagay at mas nagkakakilanlan kami.

Mabait din sya. Araw araw sya naman ay may dalang food dito sa kwarto ko. Nakakahiya na nga ehh. Pero nag iinsist talaga sya.

She brought me fruits and snacks.

Tulad ngayon pang limang araw na nyang dalaw dito tuwing umaga. May dala naman syang taho na sobra ko ng na miss. Kaya pala tinanong nya kahapon kung anong namimiss kong kainin sa umaga.

Sa tatlong buwan ko kaseng nandito sa loob ng kwarto hindi na ko nakakakain ng mga pagkaing nilalako sa labas.

"Saan ka nakahanap ng ganito Doc?" Tanong ko.

"Dyan sa baba. Meron dyan dumadaan. Pinaharang ko sa guard para makabili ako" sagot naman nya pagkatapos mag sip ng hawak din nyang taho. "Nakaka miss din pala ito. Wala kaseng ganito sa New Zealand ehh. Or wala lang akong mahanap?"

"Kaya pala natanong mo kahapon"

"Para kahit nandito ka sa loob natitikman mo yung mga pagkain sa labas. Bukas anong request mo?"

"Hindi na doc. Nandito naman si mommy. Sa kanya nalang ako pabibili."

"Ehh? Aabalahin mo pa si Mrs. Robles. Imbis na nagpapahinga nalang sya."

"Mas nakakahiya naman sayo Doc. Doktor po kita. Hindi po utusan"

"Edi treat me as your friend"

"Doc. Kakaibiganin mo talaga ang isang katulad ko?"

"Bakit? Masama ba?"

"Eh kase Doc."

"Ako ata ang ayaw mong maging kaibigan ehh."

"Hindi naman sa ganon Doc. Kaso kase."

"Walang kaso kaso okay? Bilang ganti na rin sa monthly snacks ng mga pamangkin ko. By the way gusto mo ba silang makilala?"

"Nakakahiya"

"Lagi ka nalang nahihiya. Pasyente ka ni papa. At naging pasyente ka rin naman ni ate Kenny kaya okay lang na makilala mo rin yung mga nakikinabang ng mga food na binibigay mo kay Doc. Vergara"

"Bakit hindi mo sya tinatawag na dad?"

"Iniiba mo usapan ahh haha"

"Hindi naman.  Napapansin ko lang na lagi mo syang tinatawag na Doc. Kahit na magkasama naman kayo."

"Kase ayaw kong isipin ng ibang tao or ng ibang Doctor na bumabase ako sa kanya, na hindi nila ko pwedeng kausapin dahil anak ako ng may Ari ng Hospital na to. Hindi ako ganoong tao ehh. Kapag kaming dalawa lang Tinatawag ko syang Papa pero kapag nakaharap kami sa ibang tao. Nandoon pa rin dapat yung respeto. Kaya ayaw ko rin na tinatawag akong Doc. Vergara kase sya ang nauna ehh. Ang ayokong tingalain ako ng ivang Doctor dahil lang doon. Gusto ko patas. Kaya madali lang napalaput sa akin yung apat na doktor dito ehh"

"So may friends ka rin na doktor?"

"Oo naman, sabi ko nga hindi ako snob. Hindi rin ako ganoon ka friendly. Kase alam ko naman na people come and go. Kaya hinahayaan ko lang kung sino yung mga nandyan.  Eh itong apat na doktor alam kong matagal ang pagsasamahan namin dahil iisang hospital lang ang pinag tatrabauhan namin."

"Ilang taon na kayo magkakakilala?"

"Sa pitong taon kong Doktor" pumorma pa ito na tila nag iisip "mga limang taon kasama ang pinaka bata na si Doc. Stevie. Matanda lang din sya ng month sayo pero tulad ng ibang Doktor kumuha rin ng maraming units kaya maagang naka graduate"

Let MeWhere stories live. Discover now