JHAI'S POV
Sa pagpapatuloy ng aming araw dito sa Mall. At dahil mga pawisin na kami. Kailangan naming magpalit ng mga damit.
Nag enjoy ako ng sobra ngayong araw na to. Hindi ko lubos maisip na Mae- expensive ko yung mga ganitong bagay kasama sya.
Namili kami ng damit at she chose na pair nalang daw ang bilhin namin. Connected daw yon sa susunod na pupuntahan namin.
Nagtaka ako syempre dahil bakit kailangan pa na same shirt and susuotin namin. Nagmukha tuloy kaming couple dahil doon.
"Saan na tayo?" Tanong ko.
"Sa gallery mo sana kaso malayo ehh. Punta tayo sa may self portrait dito. Parang photo booth ganon. Then we'll make a couple photo shoot "
"Huh?" Naguguluhan tanong ko
"Basta, sundan mo ko."
Sundan ko daw sya pero hawak hawak naman nya ang kamay ko.
Hanggang sa napadpad naman kami sa isang photo booth sa loob ng Mall.
"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko
"Sabi kase sa naka sulat sa wishlist mo. Gusto mo maranasan ang magka couple photo. Pero kamo malabo dahil wala ka namang jowa"
Kasama nga pala ang bagay na yon sa wishlist ko. Kinakabahan ako na hindi ko malaman.
"Then?"
"If you don't mind, I can be your jowa for a day. This is ridiculous, pero hindi ko na kase alam kung paano natin matutupad yung wish mo na yon eh. Maybe a photo shoot with a friend nalang?"
"Willing ka na gawin yon?"
"Oo naman basta ikaw. Yun ay kung papayag ka. Wala namang magagalit di'ba?"
"Wala naman akong boyfriend or girlfriend"
"So payag ka?" Tanong pa nya
Yun na yon ehh. Tatanggihan ko pa ba ang grasya? Wala naman ding malisya sa kanya to panigurado dahil sabi nga nya. Gusto nya lang na matupad ang mga nasa bucket list ko.
"Okay lang"
"Okay let's go"
When we start taking a picture of ourselves naging maasikaso sya. Tinatanong nya rin kung ano ba ang mga gusto kong isuot or gawin.
Basta lahat ng kilos nya ay naka ugnay sa akin. Lahat ng gagawin nya sinasabi nya muna sa akin bago nya ito gawin.
I found a gentlewoman in this person.
"It is okay kung akbayan kita?" Paalam pa nya.
Wala sa huwestyon na napatango nalang ako. Hindi ako makapagsalita dahil sa kilig? Or something?
Ikaw ba naman akbayan ng crush mo, Hindi ka kikiligin?
Mga ilang photos din ang nakunan namin, may mga serious mode, at meron din naman na kulitan mode lang. Sabi nya kase sundan ko lang ang mood nya.
Then bigla nyang guguluhin ang buhok ko. Hahawakan ang pisngi ko tapos ay pipisilin ito at marami pang iba.
Bawat araw na magkasama kami lalo akong sumasaya. Para bang nawawalan ako lagi ng pangangamba 'pag sya'y kapiling na. Ewan ko ba, November naman pero feeling ko summer 'pag kasama ko sya na para ba kami'y nasa Islang Pantropiko. Hindi ako makapaghintay na sumikat ang araw at gusto ko na syang makasama paggising ko palang sa umaga.
Pagkatapos naming maipaprint ang mga ito ay tinignan naman nya.
"Hingi ako ng isa ahh?"
"S-sure, kahit nga hatiin mo pa yan eh. Lalo na iyo naman din idea yan"
