CK'S POV
While checking Jhairene's latest lab results masasabi ko okay na ang kalagayan ng puso nya kumpara noong unang araw na hinawakan ko ang papeles nya.
Nakatulong ang mga ginawa naming activity everyday at mga taong nakaka usap nya.
Actually pwede na nga rin syang ma discharge anumang oras. Kaya naman agad kong pinatawag si tita dito sa Opisina ko para magka usap kami.
"Pinatawag mo daw ako Doc."
"Yes po tita. Have a seat po" wika ko sabay turo sa upuan sa harap ng mesa ko.
Sumunod naman agad sya at naupo doon.
"Ano ba yun hija? Bakit hindi nalang sa room ni Jhai?"
"This is a surprise po tita. Based on her records gumaganda po ang pakikisama ng puso nya sa kanyang katawan. Kung napapansin nyo po these past few days. Bihira nalang po syang hingalin which is good po di'ba? Nakakatulong po yung mga bagay na ginagawa namin inside her room, our daily activity."
"Kaya nga ehh. At salamat sayo. Hindi nagkamali si Doc Vergara na humingi ng tulong sayo. Ayoko pang mawala ang anak ko Hija, sya lang ang meron kami, ibinihos namin lahat sa kanya. Kaya hindi na rin kami nagtangka pa ni Jeff daddy ni Jhai na magkaroon sya ng kapatid para hindi nya ma feel na binabalewala namin sya."
"I know tita. Pero hindi pa rin tayo nakakasigurado. Siguro nga po umaayos po ang lagay nya pero hindi po yun pangmatagalan. Kailangan pa rin po nyang magtake ng surgery. Kailangan pa rin po nating mapalitan ang Puso nya tita. At yun naman po ang goal ko ngayon. Kaya din po kita pinatawag tita. Dahil pwede ko na po syang I- discharge. Pero ipag papaalam ko rin po sana sya sa inyo"
"Magandang balita yan. Siguradong matutuwa sya dahil sa wakas makakalabas na rin sya dito. Pero ano yung ipapaalam mo?"
"If pwede ko po syang isama sa beach house namin sa Batangas? Gaya po ng naka sulat sa bucket list nya. Gusto ko pong matupad nya yun na kasama ako."
"Bakit?"
"B-because I like her po" pag amin ko.
"Jusko po"
"Bakit po? Wala po akong masamang intensyon kay Jhai tita. Gusto ko lang po syang makasama"
"What if hindi natin mabago ang isip ng anak ko hija? Baka masaktan ka lang sa huli kapag tinuloy mo yang balak mo"
"Okay lang naman po. At least I will try my best at nakagawa po ako ng ala ala na kaming dalawa po."
"Mahirap yang balak mo anak. Kung kami na magulang nya. Nasasaktan kami sa tuwing sasabihin nya yung bagay na yon. Ikaw pa kaya na nagmamahal sa kanya? Dobleng sakit ang mararanasan mo. Hindi sa ayaw ko sayo ahh? Alam ko kung anong effort ang ginagawa mo para sa anak ko. At salamat dahil nakilala ka nya."
"Alam ko po ang consequences ng pinasok ko tita. Kaso hindi ko naman po maawatan ang puso ko kung kanino po ito titibok"
"I know, I know Hija. Inaalala lang kita"
"Ako na po bahala tita. Kaya po sana habang may panahon pa po. Gusto ko po na makagawa kami ng alaala na mababaon ko hanggang sa pagtanda."
"Kung yun talaga ang gusto mo. May tiwala naman ako sayo na aalagaan mo sya kahit na wala kami ng daddy nya. Kayo lang dalawa?"
"Opo sana. Para din po makapag pahinga po kayo ni tito"
"Osya sige pinapayagan kita."
"Salamat po tita" isang malawak na ngiti ang sumilay sa aking mga labi habang nakatitig sa matanda.
![](https://img.wattpad.com/cover/360666549-288-k450801.jpg)