15- New

2.9K 67 2
                                    

CK'S POV

Gaya ng nasabi ko sa girls. Kinabukasan nga ay isinama ko sila sa kwarto ni Jhai.

Nasabi ko na man na rin kay Jhai na may ipapakilala ako sa kanya at ayos lang daw sa kanya.

Jhai has a kind personality. Wala syang reklamo sa lahat ng gawin ko. Go lang sya lagi.

Nauna akong pumasok sa kanilang apat para na rin matignan kung ano munang kalagayan ni Jhai sa loob.

Nang masiguro kong okay ay tinawag ko na ang mga naturang doktor.

"Umm Jhai. Remember when I told you ipapakilala ko sayo yung mga kaibigan kong doktor?"

"Yeah"

"Here they are. Meet our beautiful doctor at Vergara Medical Hospital hehe. Doc. Maureen Ricalde kagaya ko na isa ring Cardiologist. Pero sa mga bata sya naka assigned. Our Emergency Medicine Specialist which is Doc. Althea Arceta and Doc. Gabrielle Apuli and last our Hematologist doc. Stevie Sevilleja. Guys? Former patient of Doctor Vergara"

"Good morning po. Nice meeting you po. Tama si Doc. Ck magaganda nga po kayo. Pwede na po kayong maging model"

"Pati ako?" Doc. Mauie bubbly said

"Oo naman po. Wala naman po sa height ang pagiging model ehh"

"Ay na gets agad ang pinahihiwatig mo Doc" biro naman ni Doc. Brielle dito

"You're so smart ahh. Nadali mo si ate Mauie" biro pa ni Doc. Stevie

"Ayyy sorry po no offense po" hinging paumanhin naman ni Jhai

"'nu ka ba joke lang yun. You can treat us like a friend din like Doc. Ck."

"Doc. Mauie is right. Doc. Ck's friend is also our friend too." Turan naman ni Doc. Stevie

Hindi nga ako nagkamali na dalhin ang girls dito. Nakita ko sa mukha ni Jhai na masaya sya sa Bago nyang mga kaibigan, kahit na medyo nahihiya pa rin sya lalo na mga doktor ang kaharap nya.

"Salamat po, pero baka mainip lang din po kayo sa akin? Wala naman pong bago sa buhay ko."

"Don't say that dear, kung si doc. Ck nga nagawa kang kaibiganin at pakisamahan. Kami pa kaya? Alam kong marami ka ring hilig gawin" turan ni Doc Thea

"Okay lang naman po ako. You're too busy para pagtuunan nyo pa po ako ng pansin"

"Jhai?" Sita ko. "They are here to be your friend. Wala sila nandito kung ang tingin nila sayo ay isang sagabal sa kanilang mga trabaho. Hindi ko sila pinilit na ipakilala sayo. In fact sila pa ang nag insist na makilala ka. Hindi pa huli ang lahat para sa mga bagay na hindi mo pa nararanasan. Kung noon wala kang mga kaibigan dahil sa sakit mo. Babaguhin natin ngayon yan" wika ko naman

"Dahil nakilala ka na namin. I think kailangan nyo munang mag usap ni Doc. Ck. Babalik kami some other time." Anas ulit ni Doc Thea

"Una na muna kami Doc, Miss Jhairene" paalam naman ni Doc Mauie

Paglabas naman ng apat ay muli kong binalingan si Jhai

"Di'ba napag usapan na natin to?" Mahinahong wika ko

"Opo, pero kase. Walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa ko ng matagal. Yes gusto ko magkaroon ng mga bagong kaibigan, pero naiisip ko na ayokong mapalapit ng tuluyan sa kanila. Baka attached ako ng sobra to the point na pati sila ay masaktan sa pagkawala ko."

"Hindi ko na ba talaga mababago ang isip mo?" Tanong ko

"Bakit mo ba ginagawa to?"

Here we are again. Nandito nanaman kami sa ganitong tanong nya.

Let MeWhere stories live. Discover now