JHAI'S POV
Kanina ko pa hindi mahagilap si Mommy. Hindi ko alam kung anong nilalabas labas nya.
Naka ilang paalam na rin sya sa akin ngayong umaga pero agad din naman syang babalik.
Nang may kumatok sa kwarto ay napatingin ako kaagad. Si Doc CK yon dahil kung si mommy ang papasok sa kwarto ko ay hindi na sya kakatok.
"Hi" masayang bati nya.
"Hello. Bumalik ka?"
"Ah yeah. May sasabihin ako" tugon nya.
"Ano yon?"
"Si Tita?"
"Lumabas ulit ehh. Bakit?"
"Wala pa syang nasasabi sayo?"
"Tungkol saan?"
"Ahh wala wala."
"Ano ba kase yon?"
"Si tita kase inaasikaso na nya ang ilang papeles mo para makalabas ka na dito?"
Nagulat ako dahil sa sinabi nya.
"Ano kamo? Ako makakalabas na dito?"
"Yup, based on your latest lab results ayos ka na. Sa ilang araw kong pafmamatyag sayo. Malaki na ang pinagbago mo. Nakatuling ang ginagawa nating activity araw araw para magkaroon ka ng progress. It is good right?"
"Totoo ba?" Hindi makapaniwalang wika ko
"Oo nga. Kaya wala dito si tita dahil inaayos na nya ang discharge paper mo."
Hindi ko na mapigilan pa ang aking emosyon.
"Salamat Doc"
"Don't thank me. Magpasalamat ka sa sarili mo dahil ginawa mo rin yung best mo par umayos ka. Pero hindi pa dyan nagtatapos. Syempre kailangan mo pa ring mag ingat at alagaan ang sarili mo dahil hindi ko control ang sarili mo. Ikaw ang higit na nakaka alam kung anong nararamdaman mo"
"Yes Doc"
"Doc?"
"I mean CK. Thankyou sa tulong mo. Hindi ko Naman magagawa lahat ng activities na yon kundi din dahil sa tulong mo"
"Wala yon. Masaya ako na may panibago ka nang matutupad na nasa bucket list mo"
"Oo nga."
"Anong balak mo nyan? Pag labas mo dito? Anong una mong gagawin?"
"Kakain ng kakain"
"Ay? Masama pa rin sayo yun. Hinay hinay baka mapagod ka kakakain" biro pa nya
"Haha, joke lang. Sa higpit pa naman ng bantay ko? Tyaka ayoko na ulit makuling dito."
"Bakit? Ayaw mo na kong makita?"
Hindi ko alam pero bakit parang nalungkot ako sa isiping hindi na kami araw araw magkikita ni CK?
Hindi na namin magagawa yung mga ginagawa namin araw araw. Hindi ko na mararamdaman ang presensya nya sa paligid.
Parang nagbago ang isip ko bigla. Parang ayoko na palang lumabas ng hospital, at dito nalang ako sa loob.
"Huy. Natahimik ka?" Pumitik pa sya sa harapan ko para agawin ang atensyon ko.
"Huh? Wala may naiisip lang ako"
"Paano ba yan, lalabas ka na. Mukhang bihira nalang tayong magkikita nyan."
"Oo nga no? Di' bale. Bibisitahin nalang kita dito kapag wala akong ginagawa" suggest ko.