23- Smile

3.4K 69 10
                                        

Time skip...

One week later...

CK'S POV

The days pass by. Lalo kaming naging close sa isa't isa.

Simula nung araw na nakarating kami dito sa batangas, yung buong maghapon na yon na kaming dalawa lang ay masasabi kong nagkaisa kami ng gusto.

Hindi lang doon natatapos ang mga araw namin.

Halos araw araw iba't ibang mga activities ang nagagawa namin. Sa loob ng isang linggo masasabi kong ayos naman. Maski ang kalagayan niya ay mabuti lang naman din.

Nakabantay ako sa oras ng pag inom nya ng gamot at iniiwasan din namin na lalo syang mapagod ng sobra.

Nakakatuwa lang isipin na natututo sya ng mga bagay na hindi nya magawa noon dahil sa lagay nya. Pero ngayon, dahil sa pursigido sya na gawin iyon ay nagagawa naman nya ng may pagmamahal.

Sana ako din mahalin nya no? Alam nyo. Matagal ng natupad ang huling hiling nya pero hindi ko lang masabi dahil baka mabigla sya.

Walang kasiguraduhan lahat ng nagaganap sa pagitan naming dalawa. Wala akong lakas ng loob para harapin lahat ng consequences na mangyayari if ever man na magtapat ako. Kaya ginagawa ko nalang lahat ng bagay na sa tingin ko ay tama.

Kahit sa ganoong bagay man lang ay maiparamdam ko sa kanya ang pagibig na meron ako para sa kanya.

"Sino iniisip mo? Jowa mo?" Bigla ay tanong nya.

Kasalukuyan kaming nanonood ng movie sa sala. Wala kase kaming balak na maligo sa ilog today dahil sa sunod sunod na araw na palilugo namin.

Nagkasawaan na siguro haha. Kaya naisip namin na manood nalang at nagkaisa kami na Harry Potter nalang ang panoorin namin sa Netflix atleast hindi kami maiinip dahil walong movie yon

"Wala akong jowa" sagot ko

"Sus, ikaw wala? Maniwala?"

"Maniniwala ka ba kapag sinabi kong I never been in a relationship?"

"Hindi"

"Why?"

"I don't know. You're almost perfect ehh. Caring, kind, gentlewoman and many more. Kaya sinong maniniwala na hindi ka pa nagka boyfriend. Or girlfriend?"

"Wala both"

"Weh!? Since birth?"

"Ayy bakit gulat na gulat?"

"Shocked lang ako"

"I was busy on school. Wala akong time para sa mga ganyang bagay. Nasa school ang focus ko. At wala naman ding nagtangkang ligawan ako lalo na if boys haha. Mas astig pa nga ata ako sa kanila ehhh. At hindi rin naman ako nagtangkang manligaw dahil wala akong oras para sa kanila"

"Sila? Hindi ka nilalapitan? Wala ni isa na nagtangkng magtapt sayo or something?"

"Marami actually, laman ako lagi ng confession booth. Halos araw araw maririnig mo sa radio booth ang pangalan ko."

"Then?"

"Wala, I don't mind ehh. Hi ahayaan ko lang"

"Bakit ka nila kilala?"

"Bakit ang dami mong tanong?"

"Wala, curious lang ako sayo"

"Crush mo siguro ako no?" Pagbibiro ko

"Hindi ahh, ang kapal mo naman Doc. Hindi ba pwedeng kinikilala lang kita? Baka kase may biglang sumugod dito at bigla nalang akong sabunutan out of nowhere"

Let MeWhere stories live. Discover now