Time skip malala..
(Hindi ko na po isasama ang Hong Kong trip nila dahil masyadong hahaba.)
CK'S POV
Pagbalik namin dito sa Batangas ganoon pa rin ang set up. Sya naman ang nagsabi na dito na muna kami.
And it was January 5. Ilang day na rin na lagi ko syang tinatanong kung ano ng balak nya. Kung yun pa rin ang desisyon nya.
Habang nasa banyo sya ay may nagtulak sa akin na tignan ang lalagyan ng gamot nya.
Hindi nabawasan ang mga iyon. Parang kahapon lang ng huli ko tong tinignan. Tapos ganito pa tin sya ngayon.
Nagtiim ang bagang ko dahil doon. So tuloy ang balak nya. Hindi naging successful ang usapan namin ng pamilya Robles.
Mabibigo ko na ba talaga sila. Naupo ulit ako sa kama at hawak hawak ko pa rin ang lagayan nya ng gamot.
Nagpakampante ako na iinumin nya ang mga gamot nya sa tamang oras.
"Ikaw na ne--" naputol ang sasabihin nya paglabas ng banyo ng makita ang hawak ko.
"Ilang araw na Jhai?" Tanong ko
"Alin?"
"Ilang araw ka ng nag sskip ng meds?"
"D-dalawang araw palang"
"Palang? Dalawang araw palang? So ibig sabihin may balak ka talagang ituloy yang balak mo?"
"Matagal ko ng plano to Ck. Wala ka pa sa buhay ko plano ko na to. Pagod na ko sa buhay ko. For twenty four years tiniis ko tong sakit na to. Naghintay ako na may mag mmatch na puso para sa akin. Pero wala, may makita man si Doc Vergara na ka type ko pero hindi mag match. Kaya paanong hindi ako susuko?"
"Maraming paraan para lumaban Jhai. Maraming dahilan para manatili kang matatag"
Hindi ko na mapigilan pa ang aking emosyon dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Sa pangalawang pagkakataon. Muling naglandas ang mga luha sa aking mga mata ng dahil sa taong ayaw kong mawala.
"Wala na dok, wala na. Matatanggap naman nila mommy to ehh."
"Pero hindi, hindi sila makiki usap sa akin kung gusto ka na nilang mamatay ka tang*na. Maraming nagmamahal sayo. Sana alam mo yan"
"Sino? Sina mommy? Si daddy? Mga kaibigan ko. Tapos sino pa? Si Doc Vergara? Ang mga pamangkin mo?"
"Ako"
"Oo ikaw, ikaw na naging fake girlfriend ko?"
"Mahal kita, naiintindihan mo ba? Hindi ba sumagi sa isip mo lahat ng ginagawa ko? Akala mo ba lahat ng yon dahil lang sa paki usap? Siguro nga nung una oo. Pero ng makilala kita ng lubusan lumihis ang landas ko. Minahal kita ng hindi ko rin namamalayan. Pinigilan ko naman ehh. Pero wala akong magawa. Masaya ako sa tuwing nakikita kita. Gumagaan pakiramdam ko kapag napupuntahan kita sa kwarto mo noong panahong nasa hospital ka pa. Tapos ngayon nagkaroon ako ng pagkakataon na makasama ka ng matagal. Sobrang saya ng puso ko dahil sumama ka. Your smile? Laugh? Doon palang napapawi na ang pagod ko. Basta para sayo nagagawa ko lahat. Then ilang beses din akong nadulas, tinatawag kitang sweetie pie na kalaunan nakasanayan ko ng sabihin. Then I sincerely say I love you na ikinagulat mo."
"B-bkit? Bakit ako? Kung alam mo naman ang p-plano ko"
"H-hindi ko alam. Hindi ko naman matuturuan ang puso ko kung kanino ito titibok. Hindi ko naman madidiktahan ang sarili ko. Basta alam ko mahal kita. Noon pa."
"Sinasabi mo lang yan dahil naaawa ka sa akin"
"Tang*na anong naaawa? Tingin mo ba gagawin ko lahat mg to dahil gusto ko lang tumulong? Para lang makasagip ng buhay? Hindi ako ganoong tao. Ngayon lang ako nagmahal. At sayo pa. Hindi ako iiyak sa harapan mo kung wala lang to. Hindi ako mag eeffort kung hindi ka importante sakin. Hindi ako magpapakatanga dahil lang sa letcheng nararamdaman ko. Alam ko naman na wala kang gusto sakin."
