24- You and I

2.8K 49 5
                                    

JHAI'S POV

"Magbihis ka mamaya may pupuntahan tayo"

She said out of nowhere. Napatingin ako sa kanya habang nag aalmusal kaming dalawa sa may cottage ng beach house nila malapit sa pool

"Where are we going?"

"A Surprise syempre"

"Anong isusuot ko"

"Anything, basta komportable kang gumalaw"

"Kind of dress or something"

"No haha, kahit pants lang and shirts. Basta yung malaya kang makakagalaw"

"Okie sabi mo ehh."

"Huwag masyadong ma excite ahh"

"Kahit na na -eexcite naman talaga ako, okay lang naman. Wala namang problema"

"Kahit na iniiwasan pa rin naten ang mga bagay bagay na makakasama sayo."

"Okie, sabi mo doc ehh"

Napangisi naman sya at nagpatuloy sa kanyang pagkain. Sya rin ang naglalagay ng mga ulam sa plato ko

How sweet diba? Malapit ko ng isipin na mag jowa talaga kami at nagbabahay bahayan kami dito sa resort nila..

Pero syempre hanggang sa ganoon lang. Alam nyo ba? Syempre oo kase sinabi na.

Nakapa perfect nitong taong to. Lahat ng magagandang bagay nasa kanya nya tapos malalaman ko na sumasayaw at kumakanta pala sya? Like? Sinong hindi mahihimlay diba?

Bakit ba kase Ngayon ko lang sya nakilala? Sa tinagal tagal kong doktor si Doc. Vergara bakit hindi man lang nya nasabi sa akin na may ganito pala syang ka poging anak?

Edi sana noon pa man ay may inspiration na ko. Hay naku naman talaga.

Pagkatapos kumain ay pinagbihis na nya ko, habang sya naman ay nililigpit ang mga pinagkainan namin.

Ganito din sya lagi. Ayaw nya kong papaglinisin or patulungin sa kung ano mang gawin nya sa beach house.

Sa umaga maaga syang tatayo para magluto ng agahan. Kahit na may resort naman na pagkukunan ng pagkain hindi sya kukuha doon. Tapos babalik sya ng kwarto para gisingin ako at sya din ang mag aayos ng higaan namin.

Nagbabalak pa lang ako na tumulong pero hindi nya talaga ako hinahayaan na maki alam. Kukunin agad nya sa akin ang bagay na mahahawakan ko tapos sya na ang magtutuloy.

Kaya kahit na gusto ko man tumulong ay hindi ko magawa. Dahilan nya bisita daw ako doon at hindi kung ano lang.

Maya maya habang nag aayos ako ay sya namang pagpasok nya ng kwarto.

Tapos na marahil sya sa kanyang ginagawa sa baba at magbibihis na rin sya.

"Are you done?"

"Taking a bath, yes."

"Okay ako naman. Wait for me here nalang ahh."

"May magagawa ba ko?"

"Wala po haha"

Sinundan ko lang sya ng tingin papasok ng banyo at muling nag ayos ng sarili.

Hindi ako gamitin ng make up at simpleng skincare lang ang ginagamit ko.

Gagamit lang din ako ng lipgloss para lang hindi ako magmukhang malamya.

Tapos na ko ng makalabas sya ng banyo. Wearing ang color cream na shirts at pants.

Karaniwang nakikita ko sa kanya kahit na nandito lang kami sa bahay. Minsan nga naka hoodie jacket pa sya eh.

Nagpaalam muna sya sa mga tauhan sa may resort na may pupuntahan lang kami saglit tapos nagtungo na kami kung saan naka park ang sasakyan nya. Pinagbuksan nya pa ko ng pinto

Let MeWhere stories live. Discover now