Napa angat ang tingin ko sa nagsalitang si Doc. Thea. Matagal na niyang hinahangaan ang naturang musikero.
Hindi rin nya ikinukubli ang bagay na to sa amin. At halata naman na nagiiba ang awra ni Mauie patungkol sa kanya.
"Sus, mas pogi naman ang alam ko dyan no." Sabi pa nito
"Anong mas pogi, tignan mo nga ohh."
"Hay nako Doc. Alam mo namang patay na patay tong best friend ko sa musician na yon" sabat naman ni Brielle sa usapan nila.
"Doc. Stev look at this. Hindi ba? Sinong hindi hihimlay dito sa itchurang to? Tech rehearsal palang pero grabe"
Ipinakita naman ni Doc. Thea ang larawan ng naturang musikero sa isang tech rehearsal
"Saks lang. Balita ko masungit daw yan?"
"That's the point. Ang cold nya daw in person pero grabe ang hatak nya. Pati ako nahatak"
"Patingin nga ako" turan ko naman dahil bigla din akong na curious sa sinabi ni Doc. Stevie.
Agad naman nyang hinarap sa akin ang phone.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"Diba?"
"Red hair? Ano yan manok?"
"Bwisit naman Doc. Akala ko may kakampi na ko" reklamo nito.
"Hahahahaah Doc. Ck i kennat" wika naman ng bestfriend niyang si Doc. Brielle
"Haha, totoo naman. Magpapakulay nalang ng buhok. Kulay pula pa. Parang manok na pansabong. Isa pa, Di hamak naman na mas pogi ako dyan no. Lamang pa nga ko ng isang paligo ehh"
"Doc! Don't say that look at this girl oh busangot nanaman" sabat naman ni Doc. Mauie
"Nakaka inis naman kayo. Wala man lang bang support dyan?"
"Paano mo ba naging crush yan?" Tanong ko pa. Hindi ko kase tinatanong ang mga ganitong bagay sa kanila noon dahil wala akong panahon para sa ganito.
But today parang chill lang kase ang usapan dito sa opisina ko. Lunch time din at pahinga ng ibang Doktor.
Mamaya pa sila ulit mag rrounds kaya itong opisina ko ang ginawa nilang tambayan.
"Ewan, basta na aastigan ako sa kanya kapag nakikita ko syang nag peperform. Yung type of music nya rin is masasakit na parang may mga laman. Kase tagos sa puso lahat."
"Then?"
"Anong then??"
"Convince me doc. Marunong din akong kumanta at alam ko ang type of music. Kaya ko ring gawin yung ginagawa nya. Kaya anong bago?"
"Ewan basta sa kanya lang ang tingin hahahaha. Panira ka naman dok ehh."
"Aba. Hindi ko kilala yang musikerong yan. Tanging ikaw lang ang nakakakilala sa kanya. Hindi ako naninira. Sinasabi ko lang kung anong nasa loob ko"