CK'S POV
"Ate. Sama ko ang kids bukas sa hospital ah?" Paalam ko kina ate sa mga bata
Sakto kase na sabay sabay kaming naghapunan dito sa bahay. Kasama sina Papa.
"Anong gagawin nila doon?" Tanong ni ate Kenny
"Remember Miss Robles? Balita ko pasyente mo rin daw sya?"
"Oo, anong meron sa kanya?"
"Oo nga anak? Anong meron bakit mo dadalhin ang mga bata sa kanya?"
"Di'ba po sa kanya galing ang mga ibinibigay nyo sa mga bata every month? Naisip ko po na bakit hindi ko po sila ipakilala kay Jhai. Para kahit papaano po ay malibang siya."
"Ayos yang naisip mo anak, pero hindi ba delikado para sa kanya? Baka mapagod sya sa mga bata"
"Hindi naman po sila maglalaro ng mga physical Activities. Kahit kwentuhan lang po. Para lang din po may ibang taong bumibisita sa kanya sa hospital. Try ko lang naman po kapag hindi nag work iuuwi ko naman po agad ang mga bata"
"Ayos lang naman sa akin. Basta ba ikaw bahala kay Karl" wika ni atr Kailyn
"Oo ate. Ako bahala sa kanila. Saturday naman po bukas walang school yung dalawa. And hindi naman po masyadong malikot yang mga bata kaya alam kong makakatulong din sila kay Miss Robles" paliwanag ko pa.
"Ikaw bahala anak. Basta hinay hinay ah? Alam mo naman kapasidad ng lakas ni Jhai."
"Yes po papa. Hindi naman po araw araw. Baka nga po bukas ko lang sila isasama ehh. Depende rin po kay Miss Robles yun kung nagugustuhan nya ang mga bata"
"Dedicated ia talagang tulungan sya ahh?" Sabat naman ni mama sa usapan
"Ayaw ko naman po na balewalain ko yung paki usap ni Papa, mama. As long as I can gagawin ko po lahat."
"Good job Cath."
"Salamat ate Ken."
Sa pagpapatuloy ng aming hapunan ay may mga ideya na kong naiisip na gagawin ko sa araw araw. Mahirap man isiping gawin. Pero alam kong kaya ko to. Hindi ako Vergara kung hindi ko tatatagan ang loob ko. Kung hindi ako maniniwala sa kakayahan ko.
Kinabukasan ay maaga akong nagising para ipaghanda ng pagkain ang kids sa buong maghapon. Ayos lang naman kung wala akong dalhin. Pwede naman kaming mag order sa labas. Pero si Karl kase ay nag ga- gatas pa kahit na 3 years old na sya.
Sinilip ko pa sila sa kanilang mga kwarto at tulog pa silang tatlo. Gising na rin si ate kenny at sya na daw bahala na mag ayos sa mga damit ng kids. Sya na rin daw bahala mang gising sa tatlo.
Sa isang tote bag ay inilagay ko lahat ng pwede nilang makain habang nasa hospital kami. Ngayon ko lang gagawin na magdadala ako ng bata sa trabaho. Hindi lang isa. Tatlo pa sila. Sana lang ay behave sila ngayon. Alam ko naman na tahimik lang sila at hindi sila mahirap paki usapan, kaya alam kong mairaraos ko tong araw na to.
Idea ko to ehh. Kaya kailangan kong panindigan
Pagbaba ng mga bata ay masigla na sila. Agad nila kong dinaluhan dahil ngayon lang nila ko nadatnan dito sa bahay. Karaniwan kase ay maaga talaga akong pumupunta sa hospital. Mga tulog pa sila umaalis na ko ng bahay. Lalo na at may misyon akong kailangan kong magawa.
"Tita, sabi ni mommy sasama mo daw po kami?" Tanong ng pinaka matanda na si Andrei
"It's true tita?" Segunda naman ng pangalawa
"Tita can I come?" Hindi siguro ma gets ni Karl na pati sya ay kasama
"Hep. Isa isa lang po ang tanong mahina ang kalaban. Haha. Yes po isasama ko po kayo dahil may bibisitahin po tayong friend. Of course cutie kasama ka rin po"
