4- Doctors

3.5K 63 0
                                    

CK'S POV

"Totoo nga ang balita nakabalik ka na"

Napatingin ako sa taong papasok sa loob ng opisina ko. Apat sila na sunod sunod ang pasok dito sa loob.

"Kailan ka pa bumalik Doc?" Tanong ni Doc. Brielle

"Naka uwi ako ng Pinas last week pa. Pero kahapon lang ulit ako nag start dito" sagot ko naman.

Kampante namang naupo sa couch ang iba habang si Mauie ay dumiretcho sa tapat ng table ko.

"Bakit hindi ka nagsasabi Doc?" Tanong pa nito

"Inilaan ko yung one week na yon sa mga pamangkin ko. Namiss ko sila eh"

"Yun naman pala Doc. Mauie ano pa inaarte arte mo dyan?" Singit ni Doc. Stevie.

"Wala naman. Hindi ba pwedeng ma miss si Doc?"

"Hindi naman, lahat naman tayo namiss si Dok" turan naman ni Doc. Thea

Ilan lang sila sa mga Doctor dito sa VMH. Iba iba ang specialist namin at naging magkakaibigan ng mapunta na kami dito.

Hindi nila ko tinuring na mataas or anak ng may ari ng Hospital na to. Dahil ayaw ko.

Dito ko lang din nalaman na kami nila Mauie at Stevie ay same school noong college which is sa San Juan University (College of Medicine) pero mag kakaiba kami ng year.

Habang sina Brielle at Thea naman ay nakapagtapos sa Don Sebastian State University na pagmamay ari naman nina Thea.

Alam ko may partnership na naganap between Vergara and Arceta. Dahil sa tuwing may ggraduate or mag Oojt na mga future doctors ay dito sila dinadala para mag training.

Maraming Doktor sa Hospital na'to pero naging mas malapit kami sa Isa't isa dahil hindi naman nagkakalayo ang mga Edad namin.

Pinaka matanda sa aming Lima si Doc. Althea Matanda lang sya ng Buwan sa akin. Sumunod naman si Doc. Maureen, ahead kami ng one year sa kanya tapos mag ka edad naman sina Gabrielle at Stevie. Matanda lang din ng buwan si Brielle kay Stevie.

Kami ni Mauie ay parehong Cardiologist sina Thea at Brielle naman ay mga Emergency Medicine Specialist habang si Stevie naman ay isang Hematologist

"Bakit hindi ka namin napansin kahapon. Kung kahapon ka pa nandito?" Tanong pa ni Mauie

"May inasikaso lang akong isang pasyente"

"Ay wow grabitiii kababalik mo lang ng Pinas tas may pasyente ka na kaagad? Iba ka talaga Doc." Biro pa  ni Dok Brielle

"Actually pasyente sya ni Doc. Vergara. Kinausap nya ko kung pwede ako daw muna humawak sa kanya"

"Ahh dahil sa Seminar ni Doc. Sa Malaysia? Nasabi nya kase yun sa meeting noong isang araw" wika naman ni Doc. Stevie

"Isa na rin yon. Pero ang pinaka main reason is tinaningan na nung pasyenteng yun yung buhay nya. She said na maka apak lang sya sa 25th birthday nya okay na sya, hindi na sya mag ttake ng medicine nya"

"Awww, ang bata. Si Miss Robles right?" Tanong ni Doc. Mauie

"Yeah paano mo nalaman?"

"Cardiologist din ako diba? Na kwento ni Doc. Vergara yan nang magkaroon ng meeting ang mga cardiologist. Ako ang una nyang nilapitan para kumbinsihin sya. Pero kase hindi nalalayo ying edad mo sa kanya. Kaya hindi ko tinanggap. Baka hindi ko rin sya mapapayag. Kung bata lang yan okay pa. Madali lang utuin kapag bata. Pero kapag ganyan na at sana tamang pag iisip na. Malabo nang magyari yon. Sorry nalipat tuloy sayo"

Napa isip ako ng slight. Tama si Doc. Mauie. Mahirap nga tong pinasok ko. Cargo de konsensya ko pa kapag itinuloy nya yung balak nya next year. Pero naka Oo na ko kay papa ehh. Hindi naman ppwede na mag back out pa ko. Lalo na at aalis si Papa papuntang Malaysia para sa Seminar. Kawawa si Miss Robles pag nagkataon.

Let MeWhere stories live. Discover now