Time skip...
( December 15)CK'S POV
It's a simple day for both of us. Naging mas komportable kami sa Isa't isa.
Parang real couples na rin ang turingan namin. Mabuti nalang at nakiki ayon sya sa mga nangyayari sa aming dalawa
Hinahayaan nya lang ako sa mga ginagawa ko sa kanya sa public. Nakikita ko na rin ang sweet side nya. Mapapansin ko rin sa kanya ang pag aalala kapag pagod ako.
Lalo na noong unang araw na nagdate kame? Kita ko sa mukha nya ang pag aalala ng matapos akong mag perform. Dahil dinumog ako ng mga tao.
Dati na kong nag peperform dito sa tuwing nandito kami sa Batangas, kaya kilala na ko ng mga tao dito pati ang pamilya ko.
Nasanay na rin sya na tinatawag ko syang sweetie. Hindi talaga ako sanay sa mga ganitong endearment, pero ewan ko ba. Lagi nalang kaseng lumalabas sa bibig ko ang salitang yon kaya hindi na maalis sa sistema ko.
"I have a surprise for you" turan ko
"Hindi ka talaga nauubusan ng surpresa huh? Ano nanaman yan?"
"Parating palang palang daw ehh. Wait mo lang paniguradong matutuwa ka"
"Matutuwa or magugulat?"
"Pwede both?"
"Jusko kinakabahan ako sa both mo na yan"
"Wala pa man ehh. Tuloy mo lang yang pagbabasa mo. Punta lang ako sa resort"
"Sama ako"
"Sure ka?"
"Wala Naman akong gagawin dito ehh."
"Magbasa?"
"Wala akong kasama"
Napangiti naman ako bigla. At may bumulong sa akin na tuksuhin muna sya.
"Yiee. Na iinlove ka na ba sa akin my sweetie pie?"
"Ulul mo. Hindi ba pwedeng takot lang ako dito mag isa?"
"Sus, para paraan ka lang nyan ehhh"
"Sige umalis ka na lang letche."
Inakbayan ko sya at hinalikan sya sa kanyang sentido na nakasanayan ko na ring gawin.
"Haha joke lang. Ito naman, puso mo madam baka mapano"
"Ikaw kase ehh. Kung anu ano pumapasok sa utak mo"
"Tara na sama ka na sa akin."
"Wag na dito nalang ako"
"Tara na. Beside nagchat na din sa akin yung kausap ko. Nakaratin na daw ng resort "
"Ano ba yun?"
"Secret nga, kaya tumayo ka na duan ng makita mo"
Thank god at tumayo na rin sya. Magkahawak kamay pa kaming naglakad papunta sa may entrance ng resort dahil nandoon pa sila.
Nang makarating kami sa lobby ay bumungad sa amin ang pamilya naming dalawa. Kasama ang mga kaibigan nya.
Labis ang gulat ni Jhai ng matanawan nya ang mga ito. Sinugod nya rin ng yakap ang mga ito.
"Mommy! Daddy! Ano pong ginagawa nyo dito?"
"Inimbitahan kami ng mga Vergara, para bisitahin ka kamusta ka?" Tanong ni Tito sa anak
"Ayus naman po. Kayo po?"
"Huwag mo kaming alalayanin anak. Ayos lang kami."
Bumaling naman si Jhai sa mga kaibigan nya
"Kayo? Buti kasama kayo?"
![](https://img.wattpad.com/cover/360666549-288-k450801.jpg)