Maagang nagising si Ken, kamustahin ang pinasa niyang Email kay jake. nakatingin lang ito sa kanyang laptop at panay silip sa kanyang cellphone. Hindi ito mapakali at palakad lakad. Maya maya pa ay tumunog ang kanyang phone, agad niya itong binuksan at nakita niya na si Jenny pala ang nagpadala ng text sa kanya.
-Text-
"Hi Ken, pag isipan mong mabuti ang alok ko, Iyon lang ang gagawin mo at maibabalik sa yo ang position mo sa company... Think think think my baby boy. mwah.."
Kasal ang alok sa kanya ni Jenny pero wala ito sa options ni Ken. Hindi niya itong kayang gawin dahil isa lang naman ang nilalaman ng puso niya at iyon ay si Julie. Binato ni Ken ang kanyang cellphone sa kama at lumabas ng kwarto. Pagsara niya ng pinto ay biglang umilaw ang cellphone.
Sa kabilang Dako
Sa Opisina ni Sarah
"There, I just texted him, by the way madam, anong position po ang ibibigay mo sa kanya?" wika ni Jake
"Sa ngayon, hindi ko pa alam, hmmm why dont we make him as your assisstant." pangitnig sagot ni Sarah sa kanya.
"Assistant? baka hindi niya tanggapin ang position na yun, I mean.. Kilala ko si Ken. and he is more superior to me. I was once his Marketing Manager sa kanilang kumpanya." tugon ni Jake na may gulat
"That was before Jake, Assistant accounting manager, or else, gusto mong siya ang pumalit sa position mo."
"Look Jake, hindi ko sya pwedeng bigyan ng mataas na position agad. I know he is the President of his own company before. Take note, before at ano ang nangyari? Besides, hindi ko pa siya kilala not like you." dag dag pa ni Sarah
"I get your point Madam, but I know how excellent Ken is. And hindi po kayo magsisisi sa pag tanggap sa kaniya." muling wika ni Jake
"Dont worry, open minded naman ako?" pangiting wika ni Sarah
"Well, thats it and another thing pa pala, RC will give some Reports, please paki check naman. Hindi ko na kasi masyado naasikaso ang mga iyon. He.. I mean she will give you the details and after that, message me if your done, may ipapasuyo sana ako sa iyo personaly and privately." wika ni Sarah
"Sure Madam, aayusin ko po yun." wika ni Jake
Napansin ni Jake ang phone ni Sarah at nakita nito ang picture kaya nagtanong ito.
"Madam, mawalang galang na, pero bakit po kayo may picture niya?"
Nagtaka naman si Sarah at napansin na nakatingin si Jake sa kanyang cellphone.
"Oh, that girl.... Nothing... Dont mind it." sagot ni Sarah sabay kuha ng phone.
Muling nagpaalam si Jake at habang naglalakad palayo ay nagtataka padin ito sa kanyang nakita.
Sa bahay nina Julie
Nagpaalam na ito sa kanyang ina para pumasok sa trabaho. Sumabay na din sa kanya si Jay para naman pumasok sa School.
"Oh Jay, Heto ang baon mo, mag aral ka ng mabuti ah!" wika ni Julie sa kapatid habang sila ay nakasakay sa trysikel.
"Thank you ate, huwag ka mag alala, nag aaral ako ng mabuti." pangiting tugon ni Jay sa kapatid.
Saktong 8am na nang dumating si Julie sa opisina at sa pagdating niya ay nadatnan niya si Jenny na nakaupo sa pwesto niya.
"Well well well, dumating ka pa? Anong petsa na?" mataray na wika ni Jenny habang nakataas pa ang isang kilay.
"Eh, Miss Jenny, 8am pa lang naman. 9am pa po ang simula ng trabaho, maaga pa po ako ng isang oras." paliwanag ni Julie sa kanya.
"Wala akong pakialam, You are my assistant baka nakakalimutan mo. At kung maaga ako pumasok, malamang mas maaga ka pa dapat kesa sa akin! Ako pa ang maghihintay sa yo? Sa inyo? mygod...! Get a grip everyone! Mga walang silbi! I am so disappointed.." pagtataray ni Jenny at lahat sila ay nasabon
Sabay ang pagdating ni RC
"Oh, Madam Jenny, ang aga mo naman mag ritual!??" bungad nito kay Jenny habang nag papaypay pa.
"Oh RC, There you are. Ito kasing assistant ko, ang kupad na nga mag trabaho, late pa dumating. Nakaka Stress, parang gusto ko mag pa rebond...!"
Lumapit si RC sa kanya.
"Madam, later sasamahan kita but for now, ito muna ang i check mo. These are the documents na kailangan natin for the new Investor. Signed na yan but, double check mo na lang.." pangiting wika ni RC
Pagkaabot ni Jenny ay agad niya itong nilapag sa table ni Julie.
"Oh ayan, simulan mo na yan.. Tara na nga RC. After ko mag parebond, mag shoshoping muna ako ng bagong bags.!" wika ni Jenny sabay alis
Sumama si Rc sa kanya at bago siya lumayo ay nilingon niya si Julie at nakita niyang inaayos neto ang mga dala niyang dokumento na dapat ay si Jenny ang gumagawa.
Sa kabilang dako
Nakatanggap si Sarah ng text galing kay RC
-Text-
"Hello Madam, kasama ko ngayon si Jenny and we are going out. As usual, walang silbi ang bagong naka upo sa LGOC. Kayang kaya nating pasukin ng walang kahirap hirap. Kukunin ko lang ang loob ng kanyang assistant since ito naman ang gumagawa ng lahat ng trabaho ni Jenny."
Hapon na ng makabalik si Jenny at Inutusan nya agad si Julie na Ibili siya ng paborito niyang pabango sa isang mall.
"I forgot to buy eh, saka need ko yan later night kasi may date ako."
Agad umalis si Julie at pumunta sa mall. Matagal siyang paikot ikot sa mall para hanapin ang brand na pinapabili sa kanya ni Jenny.
Hanggang sa nakita na niya ang store. Pumasok ito at isa isang tinignan ang mga pabango at sa hindi sinasadya ay nabangga niya ang isang babae.
"Hala, Naku po. Sorry! Hindi po ako nakatingin sa dinadaanan ko...!"
Napahinto naman ang babae matapos magsalita ni Julie. Tinignan niya lamang ito.
"Hello po, sabi ko po sorry..." muling tugon ni Julie habang ngumingiti
"No.... no, Its ok. Nakaharang naman kasi ako sa daan. Im Sarah, and you are?"
"Julie po."
Lumakas ang tibok ng dibdib ni Sarah sa kanyang narinig. "Ikaw ba ang anak ni Sonia?" tanong nito
Nagtataka namang sinagot ni Julie ang kanyang tanong. "Hindi po, Magda po pangalan ng nanay ko. Sige po"
Umatras si Julie at biglang lumabas ng Store. Pilit naman siyang hinabol ni Sarah para sana kausapin ngunit sa paglabas din niya sa store ay hindi na niya nakita si Julie. Agad niyang kinuha ang kanyang phone at muling tinignan ang picture. "Siya nga... Napagandang bata..." maluha luhang wika nito sa sarili.
Bumalik si Julie na walang dala kaya sinabon nanaman siya ni Jenny.
"MAYGAD AANGA ANGA ka talaga! Ano ginawa mo doon? Namasyal? Kakaltas ko yan sa sahod mo nadimunyu ka..!" bulalas ni Jenny.
Wala lang sa kanya ang sinasabi ng isa bagkus kanyang inaalala ang nakita niyang babae sa mall.
Sa Kabilang Dako
Gabi na ng nabasa ni Ken ang text ni Jake kaya nataranta nanaman ito. Agad niyang nireplayan ang kaibigan at nanghingi ng sorry kung bakit sobrang late na ito nagreply. Natawa naman sa reply si Jake at sinabi na Nextweek ay pinapapunta na siya sa office at dahil doon ay naging positibo na si Ken. "Ito na yun, Sa wakas. Thank you so much talaga.." wika niya habang ngumingiti.
Sa Kabilang Dako
Nadatnan ni Rc si Sarah na nakatayo nanaman sa terrace at malayo ang tingin.
"Oh madam, malayo nanaman ang tingin mo ah. Every Scene natin kung hindi sa bintana ng office niyo ang set up, dito sa terrace ng bahay niyo same blocking......" wika ni Rc
"Nakita ko na ang anak ko Rc..."
"San po sa buwan? Charot...." pabirong tugon ni Rc

BINABASA MO ANG
He's my Boss
RomanceDesperada na si Julie na makahanap ng trabaho kaya lahat ng pwedeng pasukin ay pinasok na niya hanggang sa isang araw, nakilala niya si Ken, ang tagapag mana ng pinakamalaking kumpanya sa bansa.. Kakayanin kaya ni Julie ang ugali ni Ken? (Slow updat...