"Gusto mo makarating ng buwan? One way?" wika ni Sarah
"Si madam naman! Hidi na mabiro, pero seriously na madam, maiba tayo. Ano na po ang susunod nating hakbang?"tanong ni RC
"Ang ninanais ko lang ngayon ay muling makita ang aking anak. Ang lapit lapit ko na sa kanya Rc, ngunit bigla siyang umalis. Natakot siguro ng nabanggit ko ang pangalan ng kanyang kinilalang ina." wika ni Sarah
"Madam, next week na papasok si Ken Lopez, so far, as what I seen in his papers na pinasa, maganda naman ang mga records niya, dahil dyan, mataas ang expectation ko sa kanya.." wika ni RC ngunit napansin niyang hindi nakikinig si Sarah sa kanya.
"Madam, nagiging bad influence na yang anak mo ah.. Palagi ka na lang wala sa sarili. Madam, mawawalan ka na ng focus sa kumpanya, sayang naman itong pinag paguran mo."
Tinignan ni Sarah si RC
"Rc, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Kaya nga nagsumikap ako para sa huli, magkaroon ako nga kakayahan na mahanap ang nag iisa kong anak. Siya lang ang mag iisang dahilan kaya bumalik ako ng Pilipinas. " Paliwanag nito
"Gets ko naman yun madam, ang sa akin lang. Nawawalan ka na ng panahon sa iyong negosyo. Alalahanin mo, nahanap mo pa lang ang iyong anak pero hindi mo pa sya na hahagkan. Kaya mas maigi na mag focus ka na.." wika ni Rc na pagalit
"Eh kung mag trabaho ka kaya? Nasasayang lang ba ang pinapasahod ko sa yo? Kaya nga ako kumuha ng mga tauhan para mabawasan ang trabaho ko sa opisina. Bakit galit ka?"
Napaisip si Rc "Oo nga naman, may point ka dun madam. Pasensya ka na madam ah. Nadala lang ng emosyon. Nagtatrabaho po ako.." patawang wika nito habang pinupunasan ang railings sa terrace.
Sa kabilang Dako
Nanatili si Julie sa Opisina para tapusin ang maga papeles at dokumento at dito napansin niya ang mga dokumento tungkol sa bagong investor.
Nakita niya dito na unti unting tumataas ang Shares ng bagong investor. Pagnagpatuloy ito, mawawalan ng kapangyarihan ang nakaupong presidente.
"Naku naman, ano ba tong nangyayari sa kumpanya mo Ken. Kailan malaman ito ni Jenny, kaso makikinig kaya yun? Eh wala naman ung pinakikinggan kundi ang sarili nya lang. Wika ni Julie.
Sa patuloy na pagsisiyasat niya ay nakita niya ang pangalang "Sarah Tan" bilang pangunahing stockholder at maliban sa pagiging Investor, nakuha nya na rin ang ilang department ng Kumpanya. Ang Trading, Media pati ang Creditors. Pangunahing Supplier din sya ng mga Materyales para sa mga construction ng mga real estate at madami pang iba.
"Pag pinull out nito ang lahat nga kanyang shares, tiyak sa kangkungan pupiluting ang LGOC."
Kinabukasan nag harap si Rc at Julie.
"Oh hi darling, wala ba ang amo mo?" Tanong ni Rc
"Hindi po siya papasok today kaya ako po ang makikipag usap sa iyo."
Agad inabot ni Julie ang mga papeles na binigay niya kahapon. Binuksan ito ni RC at sinuri.
"Darling, asan ang mga pirma ng amo mo?"
"Nako, eh hindi nga po siya pumasok ngayong araw. Maiba po ako, Balak niyo po bang kunin ang LGOC?"
Napataas naman ng kilay si Rc, "Hmm, nako, itong si Jenny talaga.. Darling, hindi naman sa ganun, as any kind of business, It needs a help specially kapag baon na ito sa utang. Just like what happened sa unang may ari ng kumpanyang ito." paliwanag ni Rc.
"May point po kayo Miss Rc, teka lang po.." wika ni Julie
"Rc, as in Rc Muñoz po ba kayo?" tanong nito

BINABASA MO ANG
He's my Boss
RomansaDesperada na si Julie na makahanap ng trabaho kaya lahat ng pwedeng pasukin ay pinasok na niya hanggang sa isang araw, nakilala niya si Ken, ang tagapag mana ng pinakamalaking kumpanya sa bansa.. Kakayanin kaya ni Julie ang ugali ni Ken? (Slow updat...