Sa loob ng ilang taon ay tinago ng dalawa ang kanilang pagmamahalan.
"Teka lang Mark, Huwag na natin sabihin kay madam na may namamagitan sa atin!" wika ni Sarah sa kassintahan.
"Ayan ka nanaman eh, matagal ko na pinaplano na sabihin sa Mama ang tungkol sa atin ngunit lagi mo ako pinipigilan."sagot ni Mark sa kanya
"Oo nga pero alam mo naman ang ugali ni Madam, Malamang papatayin ako nun!" muling tugon ni Sarah
Biglang umalis si Sarah at naiwan na nakatayo si Mark sa Sala.
Sa kusina naman ay nadatnan ni Sarah ang kaibigan na nag huhugas ng pinggan. Nilingon siya ng kanyang kaibigan at tinanong. "Oh, Hindi mo pa sinasabi kay Mark na Buntis ka?"
"Hindi pa, Saka nararamdaman ko na magkakaroon ng gulo kapag sinabi ko na buntis ako. Paano na lang kung malaman pa ng kanyang ina na saksakan ng sungit." sagot ni Sarah
"Naku naku naku naku, Simula pa lang, gulo na yang pinasok mo bessy, pero ano pa nga ba ang magagawa natin, andyan na yan eh. Ang kaya ko lang gawin eh ang suportahan ka. Basta kung ano man ang mangyari, nandito lang ako sa likod mo." wika ni Sonia sabay yakap sa kaibigan.
Dumaan ang ilang buwan. Hindi maitatago ang tiyan ni Sarah sa pag laki ngunit patuloy niyang ginigiit na hinsi siya buntis.
Isang gabi, pinatawag siya ng kanyang amo at pinaamin sa tunay niyang kalagayan. Sa una ay hindi pa niya sinabi ngunit matapos itong hawakan sa buhok ng amo niya ay sinabi na rin niya ang katotohanan.
"Opo Madam, Buntis po ako at si Mark ang ama."
Nanlaki lalo ang mga mata ng kanyang amo at tinulak siya. "Napakalandi mo! Inaahas mo ba ang anak ko para yumaman kang hampas lupa ka!" sigaw ng kanyang amo
"Hindi po, mahal ko ang anak niyo, wala po akong ibang inaasam kundi ang pagmamahal lang niya." pagtatanggol ni Sarah sa kanyang sarili.
"Anong tingin mo sa akin? Tanga? Ang mga katulad ay parang mga linta na mahilig sumipsip! Hiwalayan mo ang anak ko sa lalung madaling panahon, o may mangyayari sa iyo at sa anak mo!" pagbabanta nito
Dahan dahang tumayo si Sarah mula sa kinalalagyan nito at nakiusap sa kanyang amo na huwag na idamay ang kangyang magiging anak sa sitwasyon.
Sinabihan ni Emelda si Mark na bumalik ng America. Nung una ay ayaw pa nito ngunit napilitan pa din ito sa sinabi ng kanyang ina. Hindi man lang ito nakapag paalam kay Sarah hanggang sa dumating ang araw ng panganganak nito.
"Bes, Babae ang anak mo!" tuwang tuwa na wika ni Sonia
Hingal na hingal pa din si Sarah matapos ang kanyang panganganak.
"Bes, yung lampin. ibalot mo ang anak ko ng lampin."
Agad na kinuha ni Sonia ang lampin na nakapatong sa isang upuan. Nanganak si Sarah sa loob ng kanilang kwarto at tanging ang kaibigan niya lang ang kasama niya.
"Bes, pano to. nanganak ka na. Si Mark, dapat niya tong malaman." wika ni Sonia habang pinupunasan at binabalot ang sanggol sa lampin.
"Hindi na kailangan Sonia. Sinabi sa akin ni Madam na Ikakasal na sa America si Mark."
"Bes.." ang tanging nasambit ni Sonia sabay yakap sa kaibigan
Dahan dahang umupo si. Inabot ni Sonia sa kanya ang sanggol at kinarga niya ito.
"Napaganda mo naman anak. Nagmana ka sa Ama mo." pangiting wika ni Sarah habang nakatitig ito sa kanyang anak.
Akamang tatayo si Sarah ngunit pinigilan ito ng kaibigan.
"Bes, teka lang naman, baka mapano ka sa ginagawa mo. Kapapanganak mo pa lang." pag alala ng kaibigan.
"Mag bihis ka bes, aalis na tayo dito." wika ni Sarah
Hindi nag aksaya si Sonia ng oras. agad ito nag ayos ng mga gamit. Papalabas na sila ng biglang huminto si Sarah sapag lalakad.
"Bes, ok ka lang ba? Nako baka napano ka na!"
"Bes, umalis kana dito. Dalhin mo tong pinag ipunan ko. Please itakas mo ang anak ko."
Naiiyak na wika ni Sarah
"Ha? ano ba yang sinasabi mo. Halika na!" wika ni Sonia
"Hindi bes, mauna kana. Isama mo ang anak ko. Nakikiusap ako. Habang wala pang nakakakita sa atin!"
"Sige bes, sumunod ka kaagad ah. Hihintayin kita!" sagot ni Sonia sa kanya habang inaabot ang bata.
Tuluyang nakaalis si Sonia kasama ang anak ni Sarah. Matapos din ang pangyayaring iyon ay pinalayas ni Emelda si Sarah. Kinaladkad niya ito palabas ng Mansion at iniwan sa tabi ng basurahan habang umuulan.
Makalipas ang ilang linggo, nagpalaboy si Sarah sa bayan hanggang sa isang nag magandang loob ang tumulong sa kanya. Dinala ito sa Ospital at pinagamot. Laging tulala si Sarah at hindi makausap ng maayos.
Sa kabilang dako naman. Ilang beses ng sinubukan ni Sonia na hanapin si Sarah. Pasilip silip ito sa Mansion ngunit hindi na niya ito nakita. Isang beses ay nakita siya ni Emelda kaya kumaripas ito ng takbo. Napahinto ito matapos marinig na umalis na si Sarah sa mansion. Sumama daw ito sa isang lalaki at kailanman ay hindi na bumalik. Nalungkot si Sonia dahil ang buong akala niya ay susundan sila ni Sarah ngunit nakuha niyang abandunahin ang sarili nyang anak. Walang Ama, walang ina, yan ang nasa isip ni Sonia kay pinangako niya sa sarili na mamahalin niya ang sanggol na parang sarili niyang anak.
Dumaan ang anim na taon, napagpasyahan ng mag asawa na dalhin sa amerika si Sarah at doon ipagpatuloy ang paggagamot nito. Sa loob ng paliparan ay nagbiro ang tadhana dahil sa pag pasok nila ay siyang paglabas naman ni Mark.
Sa kabilang banda naman ay nagkaroon din ng anak si Sonia ngunit sa kasamaang palad ay nawala din ito agad.
Nag krus ang landas ni Mark at Sonia. Tinanong ni Mark kung nasaan na si Sarah ngunit sinabi ni Sonia na wala siyang balita sa dating kaibigan. Alam ni Mark na may anak siya ngunit sinabi ni Sonia na namatay ang anak nila ni Sarah noong inululuwal ito. Nag paalam si Sonia at sinabi nito na huwag na siyang guluhin at maayos na ang kanyang buhay. Malungkot na umalis si Mark
Dahil sa labis na kalungkutan ay binawian ito ng buhay matapos itong nagmaneho ng may alak sa katawan. Dinamdam ni Emelda ang pangyayari at sinisi ang sarili sa nangyari sa kanyang nag iisang anak.
Lumaki sa poder ni Sonia ang anak ni Sarah at pinangalan niya itong Julie.

BINABASA MO ANG
He's my Boss
RomanceDesperada na si Julie na makahanap ng trabaho kaya lahat ng pwedeng pasukin ay pinasok na niya hanggang sa isang araw, nakilala niya si Ken, ang tagapag mana ng pinakamalaking kumpanya sa bansa.. Kakayanin kaya ni Julie ang ugali ni Ken? (Slow updat...