Chapter 4-2

18 2 0
                                        

Nadatnan ni Julie na nag bublur ang loob ng  bahay nila so na anticipate niya agad na nag to-throwback nanaman ang kanyang ina.

"Nay, ano nanaman yang iniisip ninyo?" tanong ni Julie habang nilalapag sa ibabaw ng mesa ang mga biniling pagkain.

Medyo nagulat ng bahagya si Nanay Sonya sa pagdating ni Julie.

"Anak, Andyan ka na pala? Kanina ka pa ba?" tarantang wika ni Nanay Sonya

"Hindi po, Picture lang to Nay. Si nanay talaga.. Kakarating lang po. Ano ba yang iniisip  niyo nanaman?" muling tanong ni Julie

"Wala naman anak. Huwag mo na ako pansinin masyado. Siya nga pala, kamusta ang lakad niyo ni Karen?"

"Ayun, nakakapagod. Nag apply kami sa Mall pero feeling ko hindi kami makukuha dun saka mukhang manyakis yung manager. Nagpunta din kami ng City Hall, baka may pa job fair si Mayora eh meron nga kaya nagpasa na lang kami ng resume at waiting na lang ng tawag" sagot ni Julie sa kanyang ina

Sa kabilang dako

"Napag usapan na natin ito before Lolo, hindi ako magpapakasal kay Jenny" wika ni Ken habang kausap ang Lolo nito sa cellphone.

"How dare you. Wala ng pera ang Kumpanya, sarili mo pa rin iniisip mo." galit na tugon ng lolo nito

Parang sinakloban ng langit at lupa ang binata matapos ngang mawala ang kanyang restaurant at ang kumpanya na pinatayo ng kanyag lolo. Maging ang kanyang limang yunit na condo ay ipinag bili na rin niya kasama ang 3 kotse. 

Pagkatapos lang ng  mahigit 4 na buwan ay umalis na din ito sa bahay na tinitirhan niya at naghanap ng mas maliit na apartment. Humingi din ito ng pasensiya sa mga tao na kasama niya sa bahay. gustuhin man niya eh hindi na kaya ng budget niya na pag sweldohin ang mga kasama niya sa bahay.

Sa ngayon nga ay nakatira ito sa maliit na apartment (Maayos naman na apartment). Wala na din siyang contact sa lolo nito pagkatapos na i cut kanyang mga  bank accounts.

Patuloy ito sa paghahanap ng trabaho hanggang isang araw ay kinontak siya ng kanyang kaibigan na si Jake.

Nagreply naman ito sa text at nakipag meet nga ito.

Sa isang kainan ay nagkita ang dating magkaibigan. Nakaupo na si Ken habang papasok pa lang si Jake ng Restaurant.

Agad napansin ni Jake na hindi na ganoon ka pustura ang "dati" niyang kaibigan. Mayamaya pa ay nagharap silang dalawa.

"Hey, Thank you kasi napagbigyan mo ako na pag meet tayo." wika ni Jake

"No problem, Bakit ka nga pala nakipag meet? May problema ka ba?" tanong ni Ken sa kanya habang nakaupo lang ito sa upuan at nakatingin sa kaibigan na kararating lang.

Nagkaroon ng saglit na katahimikan

" Anyway For sure na alam mo na na wala na ang Restaurant at yung company ni Lolo and here I am." medyo pangiting wika ni Ken.

"You look pathetic, hindi ganyang Ken ang kilala ko. Feeling ko sumusuko ka na sa mga nangyayari sa buhay mo." muling sambit ni Jake. 

"Yes, at sinabi mo pa. I was wrong noong time na hindi man lang kita pinigilan noong..." wika ni Ken ngunit hindi na niya ito natapos

"Its Ok, its my choice to leave.. ang ibig kong sabihin eh yung umiwas sa inyo ni Julie. But that was before Ken, Inaamin ko na nagkagusto ako kay Julie pero hindi na ngayon.

Sa kabilang dako

"Weehhh!!" wika ni Julie

"Oo nga! ang kulit mo naman! Saka ok na ako nuh. Mamaya nga nagkikita kami! Gusto mo  bang sumama?" paanyaya ni Karen

He's my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon