Maaga pang nagising si Sarah para makap simula agad ng trabaho. Agad niyang ginising ang kaibigan na si Sonia.
"Tanghali na! Gumalaw galaw ka na jan! Pag tayo naabutan ni Misis sungit, lagot nanaman tayo!" wika ni Sarah
"Anong oras na ba! Bigyan mo pa ako ng mga kalahating minuto. Kalahati lang!" sagot ng kaibigan habang gumugulong gulong pa sa foam na nakalapag sa sahig.
"Dapat matapos na tayo sa gagawin natin ngayong araw para maka pag day off na tayo!" pangungumbinsi ni Sarah
"Hay nako, aasa nanaman ba tayo sa day off? At take note, kelan pa nag karoon ng DAY OFF sa gabi? Naalala mo nung huli tayong nag day off. Alas Cinco na ng hapon tapos dapat nakabalik na tayo bago mag seven? Day off ba yun?" inis na sagot ni Sonia
"Eh, ok na yun kesa sa wala talagang day off diba? Kaya tayo ka na diyan para maaga tayo matapos!!" Patawang wika ni Sarah sa kaibigang naka higa pa din sa foam.
Di nagtagal ay tumayo na din si Sonia at nag ligpit ng higaan at pagkatapos ay nag ayos na din ng sarili.
Agad silang lumabas ng kwarto at nagsimulang gumawa ng gawaing bahay. Si Sarah ang nag simula sa kusina. Nag luto na siya ng agahan at pagkatapos ay naglinis na din. Si Sonia naman ay nagsimula sa Sala papuntang harap at labas ng bahay. Pagkatapos niyang maglinis sa labas ay agad sitang bumalik sa loob ng bahay at doon siya sa likod.
"Bes, Tapos ka na ba diyan?" tanong ni Sonia habang inaayos ang mga gamit panglinis.
"Oo naman, tapos na ako. Nalinis ko na din yung banyo dito sa ibaba at yung nasa kwarto na lang ni madamang hindi ko pa nalilinis." sagot ni Sarah
"Anong oras na ba at hindi pa din bumababa ang Halimaw na yun!" patawang wika ni Sonia sa kaibigan
"Naku! ikaw talaga, pag narinig ka ni madam, lagot ka talaga.!!" pangiting wika ni Sarah sa kaibigan.
Mag aalas ocho na ng umaga nang bumaba ang kanilag amo mula sa kanyang kwarto. Agad itong nagtungo ng Silid Kainan para kumain. Sa lamesa ay nakahanda na ang lahat ng pagkain na inaalmusal ng kanilang amo kagaya ng, Tapa, Lechon paksiw, Adobong Baboy, Pansit Canton, Lumpiang Shanghai, Itlog na Pinirito (Scrambled at Sunny side up) Itlog na nilaga, Fried Rice at panghuli, ang panghimagas kagaya ng cake, tsokolate, ice cream.
"Sarah!! Sarah!!" Sigaw ni Donya Emelda
Agad lumabas si Sarah mula sa kusina. "Po? Bakit po Madam?"
"Nasaan yung mga prutas? Tatanga tanga ka talaga! Kunin mo dali!" sigaw ni Emelda habang inis na inis ito
"Ilalabas ko ba po yung mga prutas?" tanong ni Sarah
"Ubos na ba yung ninakaw ko? Engot ka talaga!" sagot nito sabay batok kay Sarah
"Sorry po madam, kukuin ko na po."
Agad tumayo si Sarah at dumiretso siya sa kusina para ilabas ang mga prutas na naka lagay sa ref.
"Naku naku, nakatikim ka nanaman ng mainit init sa halimaw ano?" pangaasar ni Sonia sa kaibigan nito
"Eh mali naman talaga yung tanong ko sa kanya eh.. Sana hindi na lang ako nag tanong, sana hindi pa ako nabatukan.." Pangiting tugon ni Sarah sa kannyang kaibigan habang inaayos ang mga prutas na inilalabas mula sa ref.
Muling narinig ni Sarah ang sigaw ng kanyang amo at agad itong nagmadali para ilabas ang hinihingi nito.
"Oh my god! Ang tagal mo! San ka galing? Namitas ka pa ba sa kakahuyan ng Eden?" iritang tanong ni Emelda
"Pasensiya na po kung natagalan po yung pag kuha ko ng mga prutas. hinugasan ko pa po kasi at inayos sa lalagyanan.. " sagot ni Sarah habang inilalagay ang lalagyanan ng prutas sa hapag.
BINABASA MO ANG
He's my Boss
Roman d'amourDesperada na si Julie na makahanap ng trabaho kaya lahat ng pwedeng pasukin ay pinasok na niya hanggang sa isang araw, nakilala niya si Ken, ang tagapag mana ng pinakamalaking kumpanya sa bansa.. Kakayanin kaya ni Julie ang ugali ni Ken? (Slow updat...