Hingal na hingal si Julie sa pag akyat ng gusali mula ground floor hanggang 70th floor. pagdating doon ay agad siyang uminom ng tubig.
"Sana naman ipaayos niyo yung elevator niyo! Sira kasi" wika niya sa babae na nasa front desk.
"Eh Miss hindi lang naman yan ang elevator dito!" wika ng babae sabay turo sa kakabukas lang na elevator katabi mismo ng sirang elevator.
"Ay, Hahahaha! akala ko kwarto lang yan! Sorry ah." patawang wika ni Julie
Sa kabilang dako
Tumawag si Karen kay Jake para sabihin nga na pinapapabalik si Julie sa LGOC. Napaisip din si Jake dahil bakit nga ba papabalikin si Julie ah iba na ang nag mamanage ng kompanya. Matapos nilang mag usap ay tinawagan din ni Jake si Ken para sabihin nga ang sinabi ni Karen.
"Si Jenny ang bagong president sa LGOC so why is it pinatawag pa niya si Julie?" wika ni Ken sa Telepono
"What? Jenny is the new president? I smell something sa set up na ito Ken and by the way, Ang Family pala ni Jenny ang nakabili ng company niyo." wika ni Jake
"Well, parang ganoon na nga. They have shares of stocks in the company at lumaki ito ng lumaki from atleast 10% ay umabot ito ng 60% to the point na nawalan ng power si Lolo at isa pa eh, malaki ang naging utang ni Lolo sa Family ni Jenny even my Father noong nabubuhay pa ay hindi alam to and now, wala na akong contact sa Lolo ko. Maybe he went back sa States" wika ni Ken.
"So ano na ang plano mo?" tanong ni Jake
"Kailangan ko mabawi lahat ng nawala sa akin. Lahat means everything." sagot ni Ken
Balik sa LGOC
"Moment of truth." bulong ni Julie
Pumasok si Julie sa Opisina
"Your here, Buti naman at pinaunlakan mo ang imbitasyon ko." mataray na wika ng isang babae na nakaupo.
Nakatalikod pa ang upuan sa entrance ng opisina kaya hindi alam ni Julie kung sino ang nagsasalita.
"Mawalang galang lang po pero matagal na po akong hindi nagtatrabaho sa kompanyang ito. Bakit niyo pa ako pinapabalik?" tanong ni Julie
"Alam ko, nakita ko ang record mo sa opisinang ito at nagulat ako dahil sa baba ng pinag aralan mo ay nakapasok ka sa ganitong opisina. Well, hindi ko na ipagtataka kung bakit pinulot ka ni Ken." muling wika ng babae
"Mawalang galang lang po ulit ano, pinapunta niyo ba ako dito para lang lait laitin? Ano naman kasalan ko sa iyo?" gulat na tanong ni Julie
"Malaki ang kasalanan mo sa akin! If you dont remember, ako lang naman ang natapunan mo ng pagkain dati!" wika niyang muli
Napaisip si Julie
"Natapunan? Wala akong maalala sa mga sinasabi mo." wika ni Julie
"Oh my, ang baba talaga ng IQ mo. Hindi mo na talaga ako naalala, pwes panoorin mo to!" sabay paandar ng Malaking TV. nilingon ito ni Julie at biglang may eksena at sa baba ay may nakalagay na pagsasadula.
Pinanood ni Julie ang mga eksena at napamilyar siya dito.
"Teka, naalala ko na, Wait lang parang iba.... Oo nga! Alam ko na kung sino ka! Pero baka iba." magulong sambit ni Julie.
Hindi nakapag pigil ang babae kaya pinaikot na niya ang kanyang upuan.
"Ikaw! ngayon sabihin mo na hindi ako natatandaan!" wika ni Jenny
Natulala si Julie sa kanya at matagal na nag isip.
"Sino ka nga ba?" pagtatakang wika ni Julie
"Ako si Jenny Go! Ang natapunan mo ng pagkain sa restaurant ni Ken Lopez, ang dating may ari ng Kumpanyang ito.!" pataray na sagot ni Jenny
![](https://img.wattpad.com/cover/43684380-288-k48026.jpg)
BINABASA MO ANG
He's my Boss
RomanceDesperada na si Julie na makahanap ng trabaho kaya lahat ng pwedeng pasukin ay pinasok na niya hanggang sa isang araw, nakilala niya si Ken, ang tagapag mana ng pinakamalaking kumpanya sa bansa.. Kakayanin kaya ni Julie ang ugali ni Ken? (Slow updat...