Chapter 3 part 1

25 4 0
                                    

Medyo iwas ng kaunti ang bida natin kay Ken at nahahalata ito ni Jake, kaya nung nagkaroon ng pagkakataon ay kinausap niya ito.

"Uy! Kamusta? Busy ka yata ah!" 

"Ha? Heto ok naman.. Saka Medyo madami ako tinatapos eh.. Ayoko ko kasi mag OT muna.." sagot ni Julie habang nag tataype sa computer

"Matanong ko lang, hindi naman sa pinakikialaman ko your private life mo... Eh, kamusta kayo ni Ken? Pansin ko kasi na umiiwas ka sa kanya? Mahigit isang buwan ka na rin dito. Ok lang ba kayo?" tanong ni Jake

Tinigilan ni Julie ang pag ta type sa computer

"Inaamin ko, umiiwas nga talaga ako sa kanya. Saka nagiging  professional lang ako sa trabaho ko.." sagot nito kay Jake

Biglang dumating si Martha

"Hoy babae, yung mga files na hinihingi ko? nasaan na? Kanina ko pa yan hinihintay!" 

"Sige Jake, maya na lang tayo mag usap ah!" wika ni Julie at muli itong nag type sa computer.

Nag paalam na din si Jake at umalis.

"Ang kupad kupad gumalaw! Sayang yung binabayad sa yo dito! Bilis bilisan mo naman! Para kang pagong" pahabol pa ni Martha

Pumasok si Ken na mainit ang ulo. Paano kasi ay pinagalitan nanaman siya ng kanyang Lolo. Naramdaman ito ni Julie pero wala naman siyang pwedeng gawin para kumalma ang amo niya. Alam na niya kasi kung paano magalit si Ken at kung paano magsungit. 

Isang beses ay di sadyang makita at marinig ni Julie si Ken na galit lalo na nung umatras ang isa  investor para sa kanilang kompanya.  

Pero naisip din naman ni Julie ang mga dating nangyari sa kanila, yung mga moment na may saya at ngiti. Naalala niya din nung kumain sila ng fish ball sa plaza, yung nadumihan yung t shirt ni Ken gawa ni Jay at iba pa.

Habang  naka facepalm si Ken sa loob ng opisina niya ay may naaninag siyang anino. Pagkatapos ay dahan dahan niyang tinanggal ang kanyang kamay at itinaas ang kanyang ulo at doon niya nakita si Julie na naglagay ng tasang may lamang kape sa mesa niya.

"Mag kape po muna kayo sir, para mawala ng kaunti yung stress niyo... Sige po"

Agad din lumabas si Julie sa opisina.

Tinignan ni Ken ang Tasa at sa kabilang part ng tasa ay may nakalagay na note

"Smile"

Kinabukasan, Maagang dumating si Julie sa opisina, agad niyang inayos ang mga papeles na pipirmahan ni Ken. Pumasok ito sa opisina ng binata at inilapag ang mga papeles. Napansin ni Julie ang tasang dinala niya kahapon  at nang tignan niya ay wala itong bawas. 

"Hay, Hindi man lang tinikman ang tinimpla ko.. Sayang ang effort" wika nito sa sarili

Nang araw na iyon ay tila kalmado si Ken bagamat medyo nakasimangot eh atleast hindi galit.

Sa cafeteria, Nag uusap nanaman sina Jake at Julie

"Alam mo ba yung kaibigan mong yan! Talagang sira ulo. Diba sabi ko sa yo na iniiwasan ko siya? Pero kahapon, alam mo ba kung ano ang ginawa ko? Nag timpla ako ng kape para sa kanya! PAra mabawasan ang stress niya sa buhay! Pero ano ginawa, hindi man lang ininum o di kaya ay tikman man lang!  Ibang iba talaga ang ugali niya dito sa opisina kesa sa labas ng opisina. Inaamin ko naman na nakakaloka siya minsan pero yung pagiging suplado niya dito sa office, times 10! Naririnig mo ba ako, times 10!!" naiiritang wika ni Julie

"Teka, Jake.. Nakikinig ka ba? Naririnig mo ba ako?" tanong ni Julie kay Jake

"Ha? Ano nga yung sinabi mo?" tugon ni Jake sa kanya

He's my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon