The encounter

116 6 0
                                        

Kinabukasan..

Busy ang lahat sa loob ng restaurant..

"Ok, ilagay na yan sa cabinet.. Jeff, yung mga wine glass.. Napunasan na ba ang mga table?"

wika ng kanilang manager..

Sa daan...

"Naku mga miss, parang hindi na yata tayo maka usad nito? may road widening kasi sa dulo!!" wika ng driver ng trysikel

"Eh panu ngayun yan BFF? Anu na ang gagawin natin?"tanong ni Karen sa kaibigan

Inilabas ni Julie ang kanyang ulo at tinignan kung gaano kalala ang trapik... May nagbubusina ng sasakyan.. may galit na nagsasalita at kung ano-ano pa..

"Ang mabuti pa ay maglakad na lang tayo... No choice na din eh.." mungkahi ni Julie..

"Sige... Kuya.. dito na lang kami! Heto po ang bayad.." wika ni Karen habang inaabot ang bayad sa driver...

Naglakad silang dalawa sa sidewalk....

"Bakit pa kasi nag paparoad widening sila eh ginagawa naman parking space ng private na sasakyan.!" Inis na wika ni Julie

"Hay naku BFF! Kahit tumambling ka dyan eh wala kang magagawa..! Ano ka ba? Sino ka ba? Ang mabuti pa ay bilisan na natin! wika ni Karen sa kaibigan habang mabilis na naglalakad..

Nakarating na sila sa Restaurant..

"Hooh!! Pagoda ang Beauty ko BFF!!" wika ni Karen habang naka hawak sa tuhod..

"Naku! Mamaya ka na mag pahinga! Pumasok na tayo.... Mungkahi ni Julie

Pumasok silang dalawa.. Nadatnan nila ang kanilang mga kasama na busy sa mga ginagawa. Linapitan sila ng manager..

"Oh.. Bakit ngayon lang kayo?" tanong ng manager

Nag explain si Julie.. "Eh kasi maam na trapik kami sa daan.. Kaya naglakad nalang po kami...."

"Hindi po umuusad ang mga sasakyan gawa na nga na may road widening..." dagdag pa ni Karen

"Ok... Sige, magbihis na kayo at tulungan ninyo ang mga kasamahan niyo.... Maya-maya ay darating na ang nagpa reserve ng Restaurant..

"Sige po maam.." sagot nilang dalawa

Agad silang pumunta sa locker room ng Restaurant at nagbihis ng kanilang uniform.. 

Maya-maya pa ay lumabas na silang dalawa...  Agad pumunta si Karen kay Dianne at nagtanong kung ano ang gagawin habang si Julie naman ay tumungo sa dining area at inayos ang nakapatong sa bawat lamesa...

Sa labas ay may dalawang sasakyan na nag park sa parking area ng Restaurant.. Agad lumabas ang driver ng sasakyan at binuksan ang pinto sa likod. Isang Lalaking nasa 40s ang lumabas. Kasunod sa isang sasakyan ang isang babae.

Agad lumapit si Julie sa pinto at pinagbiksan sila.

Pumasok silang dalawa sa Restaurant..

"Good morning sir! Good morning maam!" Bati ni Julie sa kanila

Hindi nila pinansin si Julie at dire-diretso silang pumasok.. 

"Is this the place?" wika ng babae..

Umupo sila sa table na naka set sa bandang gitna ng restaurant. Muli silang nilapitan ni Julie..

"Welcome po sa K-Lo Restaurant...." pangiting wika ni Julie...

Hindi natapos ni Julie ang kanyang sinabi dahil sumabat ang babae sa kanya..

"Pwede ba umalis ka dito?? Tatawagin ko lang kayo kung may kailangan ako.. Stupid.." galit na wika nito kay Julie..

Nag init ang tenga ni Julie sa narinig niya...

He's my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon