Chapter 3 Part 3

22 2 0
                                        

"Im on my way to my office, paki ready na lang ang lahat ng mga papers na pipirmahan ko." wika ng isang babae na naka upo sa likod na isang magarang sasakyan.

"Malapit na po tayo madam." wika ng kanyang driver

"Ok manong, Ibaba mo na lang ako sa harap ng Building, then park mo na lang ang car sa Itaas, at sabay na kayo ni Manang mag breakfast." 

"Ok po madam, maraming salamat po talaga!" masayang tugon ng driver sa kanya.

"Nga pala manong? diba birthday ng inaak ko nxt week?"

"Ah.. opo madam, yan nga po yung gusto kong sabihin kaso, nahihiya po ako." wika ng driver

"Bakit naman, may kailangan ka ba?" 

"Hindi po sana ako papasok, kasi...." wika ng Driver

"Ano? Hindi ka papasok? Hindi pwede yan. Kailangan mong pumasok or else....." pagbabanta ng kanyang Madam

Natahimik si kuyang driver hangang napansin niyang ngumingiti  ang boss niya.

"Naku manong joke lang! Niloloko lang kita.. Syempre naman pwede kang mag leave on that day, Saka, Remind mo ako ah para makabili ako ng regalo sa anak mo.." pangiti niyang wika

"Sige po madam... marami po talagang salamat! Ang bait niyo po talaga...! "pasasalamat ng driver

"Naku manong, wag masyado! Baka kunin ako ni Lord.."

Maya maya ay huminto na ang sasakyan sa tapat ng entrance ng isang malaki at mataas na building.

Agad bumaba ang driver ng sasakyan at pinag buksan ng pinto ang kanyang Madam. Pagkabukas ay dahan dahan na bumaba ang isang Babae at pagkababa nito ay pinayungan naman siya ng sumalubong na guard.

Naglakad ito papasok ng entrance at sinasalubong siya ng bati ng mga tao na nandoon.


Sa kabilang dako

Kakatapos lang mag washing ni Julie ng unang batch ng kanyang labahin. Muli itong pumasonk sa kanyang kwarto para kunin ang ibang labahin nang napansin niya si Aling Sonya na may hawak. 

"Ano yan Nay?"curious na tanong ni Julie

Nagulat naman ang kanyang ina at agad na tinago ang hawak. "Nakakagulat ka naman nak, Naku, wala lang ito. Bakit ka pala nandito?" 

"Andito po ako kasi first of all kwarto ko po ito, at saka kukunin ko pa po yung ibang labahin..." wika ni Julie

"Ay! Oo nga pala, kwarto mo to.. Naku, pasensya ka na, naguguluhan ako, akala ko kwarto ko... hehehe" pangiting wika ng kanyang ina

"Naku nay, hindi na maganda yang mga ganyan.. Nagkaka edad ka na ng bonggang bongga..." pabiro nito sa nanay habang kunikuha yung mga labahin.

"Sige nak, labas na ako, Pasensiya ka na talaga ah!" muling tugon nito kay Julie.

At bago ito lumabas ay yinakap niya ang kanyang anak at sinabihan na mahal na mahal ito kahit ano ang mangyari.

"Mahal na mahal din po kita mother! Ikaw pa ba!" sagot ni Julie

Ilang oras ang nakalipas, sa bandang likod ng bahay kung saan naglalaba si Julie

Dumating si Karen at kumakaripas ito ng takbo papunta kay Julie. 

"BFF!!" sigaw nito

"Oh bakit ka naman tumatakbo! Kaloka naman to!" -Julie

"BFF! Nabalitaan mo na ba?" tarantang bulalas ni Karen

He's my BossMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon