Chapter 3 Part 5

17 2 0
                                    


Takbuhan ang dalawa para maka abot sa tamang oras. Saktong 7:59 nang maka pasok sila sa gate ng malaking bahay.

"Parang nawala lahat ng kinain ko Bes!" hingal na sabi ni Sonia sa kaibigan habang hawak ang dalawang tuhod

"Ako nga din! Parang nag takbuhan lang tayo eh." Dagdag ni Sarah  sa kaibigan. 

Mayamaya pa ay muli silang tumakbo papasok ng bahay at sa likod sila dumaan.

"Dalian mo na Jan! mag paplantsa ka pa ng mga damit ni Madam diba?" wika ni Sonia sa kaibigan habang nagbibihis ng damit uniporme. 

"Oo alam ko, huwag mo nga ako madaliin, lalo akong natataranta eh.." 

"Naalala ko yung lalake kanina bes, taga saan kaya yun?" tanong ni Sonia sa kaibigan na nag mamadali nang magbihis para makapag umpisa na sa mga gagawing trabaho.

"Nakow! Huwag mo nang ipaalala sa akin yung mokong na yun! Baka ma high blood lang ako bes.."

"Hindi nga! Interesado talaga ako kng sino ang Lalake at tagasaan siya.." wika ni Sonia

"Eh, langhiya ka naman pala bes eh! Ikaw pala yung may tama dun! Bakit mo pinapasa sa akin!" Patawang pangaasar ni Sarah sa kaibigan

"Gag@! Nagtataka lang yung tao, may gusto agad? Saka halata namang gusto ka nun eh!! Yung tingin nga niya sa iyo, kakaiba eh..." sagot ni Sonia na may kasama ding pang aasar.

Nagtawanan ang mag kaibigan na para bang walang hinahabol na oras. Maya maya pa ay lumabas na sila para tapusin ang mga gawain at makapa pahinga na din. Nagsimulang mag ligpit ng kinainan si Sonia habang si Sarah naman ay umakyat na para simulang ang pamamalantsa ng mga damit ni Emelda.

Sa taas ay naabutan ni Sarah ang sandamakmak na plantsahin. Napa buntong hininga  na lamang ito at sinimulang ayusin ang mga damit na nakatambak lang  sa kama ni Eelda.

Mag aala una na ay hindi pa tapos si Sarah sa pamamalantsa nito kaya inakyat siya ni Sonia para kamustahin at tulungan na din.

"Wala pala ngayon si Madam bes, kaya pala ang tahumik ng bahay" wika ni Sonia 

"Mabuti na nga lang at wala siya dahil kung andito yun, patay nanaman ako. Tignan mo naman, hindi pa ako tapos dito sa mga pinaplantsa ko. Malamang mag bubunganga na yun ng bongga." sagot ni Sarah

Alas Dos na nang matapos ni Sarah ang mga plantsahin niya. Mabuti na lang ay tinulungan siya ng kanyang kaibigan. Pagkatapos ay bumalik na sila sa baba para mag ayos at magpahinga. 

Kinaumagahan ay nauna ding nagising si Sarah sa kanyang kaibigan. Lumabas ito sa kusina para makainom ng tubig. Nagbukas siya ng ref at kumuha ng pitsel pagkatapos ay nilapag niya ito sa mesa. Kumuha din siya ng baso at doon isinalin ang tubig. pagkatapos niyang isalin ang tubig ay ininom na niya ito at pagkatapos ay ibinalik ang pitsel sa ref. Pabalik na siya ng kwarto nang may bigla siyang nakitang anino ng. Napatigil ito at kinilabutan ng sobra. Alam niyang dalawa lang sila ni Sonia sa bahay dahil si Emelda ay umalis.

Nang mawala sa paningin niya ang anino ay agad siyang tumakbo patungo sa kwarto nila ni Sonia.  Agad niyang ginising si Sonia at sinabihan na may multo sa bahay.

"Nag Droga ka ba? Ano yang pinag sasabi mo? Paano magkakamulto dito  eh may halimaw na nga?" tanong ni Sonia 

"Anino talaga yun bes!! Hindi ako nagkakamali!" paliwanag ni Sarah habang niyugyug ang kaibigan.

"Anino? Wala namang anino ang mga multo eh!! Baka hindi yun multo!" paliwanag ni Sonia sa kaibigan.

Nagtinginan silang dalawa at tumili ng walang tunog baka kasi marinig sila. Kumuha sila ng walis at dustpan para pang hampas sa simo mang makikita nila sa pag labas nila. Nagtuturuan pa sila kung sino ang ma uuna sa kanilang dalawa hangang nauna nga si Sonia.  Dahan dahan silang humakbang at nang makataring sila sa Sala ay may napansin si Sonia na Anino. Totoo nga daw ang nakita ni Sarah kaya nilapitan nila ito.

He's my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon