Sa isang syudad, May isang babaeng saksakan ng ganda.. As in! Sabi niya eh! Naglalakad ito sa sidewalk at nakadamit ng maayos.. May dala itong luggage bag at hinihila niya ito.. Lahat ng mata nakatinggin sa kanya lalong lalo na ang mga mata ng mga lalaki. Maputi kasi ang kanyang balat at makinis..
Huminto siya sa park at binuksan ang sala niyang bag at....
"OH!! BILI BILI NA!!? DVD! DVD! BAGONG PELIKULA! MAGAGANDA ANG KOPYA!!! HALI NA KAYO!! BILI NA!!!" Sigaw nito..
Agad nagsilapitan ang mga parokyano at pinag agawan ang mga dvdng nilalako niya..
"Bago ba to?" tanong ng isang bibili..
"Kasasabi ko lang diba? Oo bago yan!!! D pa nga napapalabas sa sinihan eh!! Bilhin mo na kuya!! Gwapo ka naman eh!!!" sagot nito habang nag papacute
"Talaga!! Magkano ba to?" muling tanong nito
"50 pesos lang yan kuya! At dahil pogi ka! 150, buy 1 take 1!" sagot nito na may kasama pang kindat
Agad kumuha ng pera ang lalaki at binigay sa kanya..
"Sige! Pili lang kayo!! Madaming bago diyan!!!" Pang eengganyo niya..
Marami na ang nabenta niya. Nagbibilang na ito ng pera hanggang sa..
~Prrrrt!!~
"Pulis!" sigaw ng isang bumibili
Agad niyang niligpit ang kanyang paninda. Tinanggal niya ang kanyang heels at nagsimulang tumakbo habang hila-hila ang bag... Hinabol siya ng 2 pulis hanggang sa macorner siya sa isang eskenita..
"Hanggang diyan ka na lang!!! Please huwag ka nang tumakas!!!" Pagmamakaawa ng isang pulis..
Binitawan niya ang handle ng kanyang bag at tinaas niya ang kanyang dalawang kamay..
Sumama ang babae sa presinto.. Unang siyang bumaba sa Patrol car at sumunod sa kanya ang isang pulis na katabi niyang umupo sa likod. Pinark ng kasama niyang pulis ang sasakyan sa tabi ng presinto.
Umupo ang babae habang bitbit nito ang kanyang heels at tinabihan siya ng kasama niyang pulis.. Maya maya pa ay lumabas ang hepe sa kanyang opisina.
"Ikaw nanaman!??" bungad ng hepe sa babae..
"Hi Sir! Kamusta!" Sagot nito with innocent smile
Napa iling ang hepe sa kanya..
"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo Julie.. Kahapon nahuli ka din, pinakawalan kita kasi sabi mo magbabagong buhay kana! Eh ano nanaman to?" wika ng hepe
"Eh Sir! Hindi ko naman sinabi na ngayon ako magbabagong buhay! Sige na sir.. Pakawalan niyo na ako!! Please! Kahit kunin niyo na lahat ng dvd na binibenta ko!! Pamigay mo sa mga police dito..! Sige na sir!! Maawa ka sa akin..." paliwanag ni Julie sa hepe..
Ilang sandali pa....
~Blag~
Sinara ang rehas..
Hindi umepekto ang arte ni Julie sa hepe at tuluyan itong kinulong..
"Im sorry Julie... Baka pag ginawa ko ito.. Magbago ka na.." ani ng Hepe..
Tumamlay ang mukha niJulie. Umupo na lamang ito sa sulok...
Kinagabihan....
"Julie.. May dalaw ka.." wika ng bantay niya..
Agad tumayo si Julie para tignan kung sino ang dalaw niya...
"Ate..!"
Si Jay, 14 years old at siya ay kapatid ni Julie.. Nasa likod niya ang kanilang ina, si Nanay Sonya.. Nalaman nila na nahuli si Julie dahil sinabihan sila ng bestfriend nito na si Karen..
![](https://img.wattpad.com/cover/43684380-288-k48026.jpg)
BINABASA MO ANG
He's my Boss
RomanceDesperada na si Julie na makahanap ng trabaho kaya lahat ng pwedeng pasukin ay pinasok na niya hanggang sa isang araw, nakilala niya si Ken, ang tagapag mana ng pinakamalaking kumpanya sa bansa.. Kakayanin kaya ni Julie ang ugali ni Ken? (Slow updat...